3rd Chapter

6 1 0
                                    

Next day. Half day lang kame kase may meeting daw mga teachers.

Last subject namen ang TLE kung saan si Mrs. Terror Mendoza ang dapat na teacher namen.

Pero pinatawag ako kanina sa faculty since ako ang class president..

Sinabihan ako na nagresign na nga daw

si tanda.. Oh diba! Si Aika lang naman talaga ang walang tiwala sakin na di ko mapapatalsik yun eh. Bwahaha

Pagbalik ko ng classroom..

"Class, I have a good news and a bad news! Ano ang gusto niyong unahin?" I announced.

"Good News!" they answered in a monotone. Maliban nalang sa savior ko na sobrang tahimik na hindi ko pa alam ang pangalan na nandoon sa sulok.

"Okay, ang good news eh nagresign na daw si ma'am mendoza!" pagkasabi ko nyan *takip tenga* ineexpect ko na ang magiging reaction nila..

Woooaaahh!!! Partehhh!! Let's celebrate!! Eto na ang pinaka magandang good news!!! -sigawan ang mga classmates ko.

Ang sakit lang sa tenga....

"Quiet may announcement pa!" pero di sila nakikinig. Imbyerna!!

"KATAHIMIKAAAAAN!!!" at nanahimik ang mga impakto at impakta. grabe kailangan pang lumabas ng ngala-ngala ko. Huhuhu.

"Eto na ang bad news... Mas terror daw ang papalit kay ma'am!"

"HUH?!!!" monotone pa rin yan!

Yung reaction nila priceless. Higit pa sa namatayan! Hahahaha

"De joke lang.." Nakahinga sila ng maluwag at halos gusto akong batukan. >__<

"Dahil wala pang kapalit si ma'am may pansamantalang pinapagawa na activity ang head teacher. Answer the exercises at the back of your book and pass the exercise sheet to me when you're done. You may start now and feel free to go home when you're finish"

Dahil nga sa half day lang kame ngayon. Aba! atat umuwi mga kaklase ko. Wala pang 10mins. halos nagpapass na sila sakin..

Hala. Pati si Aika umalis na may date daw sila ni Walter na jowa niya.. =.=

At si savior nagpass na din ng paper.. Omo!! I saw his name on the upper left of his paper..

Tatawagin ko sana siya para makapag pasalamat nako sa kanya..

"Zach!" nang tawagin siya ni Chloe na classmate din namen. Anak ng butiki! Naunahan pa!

Humarap naman siya kay Chloe.. Ako nakaupo pa din sa lugar ko at naghihintay ng mga di pa tapos sa activity..

Nagpretend ako na nakayuko at may sinusulat. Para di mahalatang interesado akong makinig sa pag-uusapan nila..

"Pwede ka ba ngayon? Lunch date naman tayo oh? Treat ko." -Chloe

Hindi ko siya narinig na sumagot.. Umalis na sila. Siguro tumango lang siya dahil nga nakayuko ako kaya hindi ko na nakita..

Nung tapos na lahat ng classmates ko sa pag-gawa ng activity, at wala ng tao sa room.. Umalis nako at dumiretso ng faculty para i-submit sa head teacher yung mga exercise sheets..

Ang kaso nasa dulo pa ng building ang faculty at halos wala ng mga estudyante dahil halos nag-uwian na sila tapos nakapatay na yung mga ilaw sa corridor. In short, scary!! Huhuhu

Nasa kalagitnaan nako ng building nang may kumalabit sa likod ko..

Oh my good lord!! Natatakot po ako!! T.T

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon