2nd Chapter

4 1 0
                                    

Sab's POV

Pagbalik ko ng classroom.

"Hoy bessie! Kamusta? Anong nangyare kay tanda?" sabay hampas sa may braso ko.

Yan si Aika De Guzman. My almost 8years bestfriend and still counting. Sa lahat ng kalokohan magkasama kame.

Siya lang ang tanging nakakaalam tungkol sa mala-teleserye kong buhay.

Sympre nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa yun no.

Tulad ng mga mag-aaral dito siya din ay isa sa mga anak mayaman.

"Gusto mo din bang ipatapon kita

palabas ng school na to? Makahampas ka ah!" ang taray ko lang.

"Haha. Sorry bessie na excite lang! Pero di nga naipatapon mo na si tanda?" puno ng enthusiasm ang tanong niya.

Di ko sya masisi pano ba naman lahat nalang ata nanginginig sa takot tuwing si Mrs. Mendoza na ang teacher.

Sagad ang pagka bagsik..

"Oo, ang sabi ko attorney ang daddy ko.. Ayun suspension lang binigay sa kanya ng principal" explain ko sa kanya.

"Eh pano nyan edi babalik pa din sya? Huhu.Tska san ka naman hahanap ng tatay mo na attorney? Imbento ka talaga bessie." nakita kong parang nawalan ng pag-asa ang pagmumukha nya. Hahaha ang panget niya lang.

"Alam mo Aika minsan naaawa nako sa mga magulang mo kase nagsasayang sila ng pera para ienroll ka sa mamahaling school tapos ikaw di mo ginagamit yang utak mo.." sabi ko sa kanya at bigla naman siyang nagpout. lalong pumanget. hahaha.

"Sobra ka naman!" sabay hampas niya ulet.

"Aray! dalawa na yan ha! Sympre sa tingin mo babalik pa yon?! Ikaw kaya sabihan na makukulong at mawawalan ng lisensya di ka magreresign sa takot?"

"Pustahan tayo, bukas magsusubmit na ng resignation letter yon. Ano 500?" at dinare ko pa siya. baka sakaling kumagat eh sayang ang pera. pandagdag na sa gastusin ko.

"Sige ba! kapag ako nanalo libre moko sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo." yup. working student ako. dun ako dumederetso after class.

"Sige un lang pala eh. Tara canteen muna tayo." lunch break na din kasi.

••••

Canteen..

Di pa kame nakakapasok dinig na dinig na namin mga tili ng babae mula sa loob ng canteen.

Anyare? May mga nambulabog ba na macho dancer sa loob ng canteen?

Naku kung meron nga kailangan naming bilisan!

Pagpasok namin sa canteen..

G1: Kyaaa!! Ang gwapo niya talaga!!!

G2: Akin ka nalang please!

G3: Yihhh! Ang cute po niya. Huhuhu!

Sino naman kaya pinagkakaguluhan ng mga to? =.=

Lumapit kame sa mga kerengkeng na

babae..

"Miss matanong ko lang. Sino ba tinitilian niyo?" -Aika

G1: Ayun po ate yung bagong lipat na estudyante dito sa Brightwoods.

G2: Super gwapo niya po at sikat po yan sa dating school nya dahil hindi lang bsta gwapo, matalino rin. Hihihi

G3: Mayaman din po siya. Nagmamayari sila ng tatlong sikat na hotel.

"Ahh ganun ba sige salamat.. Nga pala, subukan niyong kumain kasi hindi kayo mabubusog kahit maghapon nyo yan tignan.." -Haha natawa naman ako sa sinabi ni Aika. Bitter lang ang peg? palibhasa masyadong loyal sa jowa niya!

Samantalang ako.. Walang panahon maglove life.

NBSB eh..

Nagmamagandang Babae Since Birth.

Oo boring na kung boring pero teka..

Nakikilala ko yung lalaking sinasabi nila ah..

Tama siya nga!

"Bessie, ung tinutukoy nila, s-siya yung Savior ko!" sabay ngiti ng malapad. :)

"Wahahaha! Alam mo bessie gutom lang yan!"

"Hindi nga, siya nga yon.."

Ikinwento ko yung nangyare kanina sa P.O. lahat wala akong tinira. Pati ung tungkol sa video. Gulat din si Aika kung paano niya nakuha yun. Oo nga pala newcomer kasi sya since 2nd week na ng pasukan hindi na sya inintroduce kanina, medyo sa sulok sya nakaupo kaya hindi namin napansin ni Aika na classmate namin si Savior.

"Weh? Savior? di bale sana kung mailigtas ka din nya sa bruha mong nanay. hahaha" panira lang ng trip eh no?

Pero kailangan kong malaman pangalan niya. Para makapag pasalamat naman ako sa kanya..

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon