I. Love Rain

8 1 0
                                    

Elsa P.O.V

My name is Elsa, 18 years of age. Sabi nila I’m kinda freak but my personality is not kiddo anyway! I’m just a little bit quirky. I’m an anti-social but it doesn’t mean I hate the world! Ayaw ko lang talaga na makipag mingle with them. And why? Simply because madami sa kani made of plastics! They even keep talking behind my back! At alam niyo ba kung ano ang rason kung bakit palagi nila akong pinag-chismisan? Hindi kasi ako maganda ngunit hindi rin panget, hindi ako mayaman ngunit hindi rin pulubi, hindi rin naman ako BOBO! Medyo nasa middle lang ako! At ang gusto nila ay yung maganda ang hitsura, postura at maraming pera! Iyon ang wala ako! Bakit ba kasi ako napadpad sa unibersidad na ito!

Hahay! Kailan pa kaya titigil ang pagkidlat at pagkulog? Giniginaw na ako habang hinihintay na tumila ang napakalakas na ulan. And the worst is wala akong dalang payong! Wala rin naman akong kaibigan na magpapahiram. Absent kasi yung nag iisang kaibigan ko na si Puma. Siguro ay manigas ako dito sa lamig.

“ Miss, sa tingin mo titila kaya ang ulan?”

Ang tanong saakin nung lalaki na nasa tabi ko. Hindi ako lumingon sa kanya at sinagot na lang ang simple niyang tanong habang pinagmamasdan ko ang bawat patak ng ulan. Kahit naman kasi titingin ako sa katabi ko alam ko namang hindi ko siya kilala, tiyaka yung boses niya tila di masyadong pamilyar. Tila ngayon ko lang yata narinig.

“Ewan ko kung kailan ngunit sana titila na ang ulan.”

Ang sagot ko.

“Oo sana titila na! Kaya tara! Sumukob ka na lang sa payong ko!”

Ang alok niya at ngayon ay nilingon ko siya! Gusto kong malaman kung sino ang estranghero na ito na nag mabuting loob sa katulad ko. Napanganga at nanlaki ang mga mata ko. Kung hindi lang talaga ako mag mukang tanga ay sinampal ko na ang aking mukha upang magising ako sa katotohanan, kung sakaling panaginip lang ito.

“Miss, may problema ba?”
Ang tanong niya.

“Huh? Ahhh….. Wala naman!”

Ang sagot ko. Hindi ako makapaniwala na pinansin ako ni Lynx. Kasi sa tingin ko langit siya at lupa ako, kaya hindi niya ako kailanman mapapansin.

Habang nakasukob ako sa payong ay hindi ko matigilan ang sarili sa kilig.

“Anong sasakyan mo pauwi?”

Ang marahang tanong niya.

“Jeep…..”

“I’m sure siksikan ngayon sa jeep, ihahatid na lang kita.”

Ang sabi niya.

“Naku wag na! Nakakahiya!”

Ang sabi ko kahit excited na akong ihatid niya.

“Sige na please………”

Ang pag pupumilit niya. Kaya no choice ako kundi pumayag sa alok ng crush ko.

“OKAY!!!”

Ang sabi ko with matching kilig SMILE :D!

Inihatid niya ako sa tapat ng boarding house na malayo sa pinapasukan kong unibersidad.Ang unibersidad kung saan may “U” and “I” ( CIT-U ) hahahahahah!!! LOL!!! Nakakatawa talaga dahil ang layo ng boarding house ko, gusto ko ngang lumipat ng boarding house  na malapit sa school pero sayang kasi wala naman akong bayad sa tinitirhan ko ngayon dahil ang owner nito ay tita ko.

Sa sobrang kilig ay sumigaw ako pagpasok ko sa loob.

“AHHHHHH!!!! OMG!!! THE BEST DAY OF MY LIFE!!!”

Ang sigaw ko at binitawan ang bag ko at tumalon talon sa saya.

“LYNX, I LOVE YOU!!!”

Ang sigaw ko at biglang may bumato saakin ng tsinelas at tumama sa ulo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Season to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon