Prologue

8 0 0
                                    

"Papa I'm not yet sleepy!"

Ang sabi ni Elsan sa papa niya.

"Do you want to hear some bedtime stories?"

Ang tanong ng ama.

Inilagay nito ang dala-dalang gatas sa isang maliit na mesa. Lumapit ito sa kinahigaan ng anak at tinabihan ito. Hinaplos-haplos nito ang buhok ng anak at sinimulan ang kanyang kwento.

"Sa isang malayong kaharian sa Cebu may isang Prinsesa na nagngangalang Elsa.

Nung una di naman siya ganun kaganda ngunit busilak ang kanyang kalooban. Gayunpaman kahit di gaanong kagandahan si Elsa nung siya'y maliit pa ay unti- unting lumitaw ang kanyang kagandahan nung siya'y nagdadalaga na.

Mahaba't maitim ang kanyang buhok, may mapupulang labi, at ang balat nito'y maputi gaya ng snow.

Mahal niya ang kanyang ina ngunit binawi-an ito ng buhay. Di nagtagal ay nag-asawa ulit ang kanyang amang hari. Ang pangalan ng kanyang ina ay si Maleficent, may anak ito na sina Drizella at Anastasia.

Di rin nagtagal ay namatay ang kanyang amang hari. Mula nun ay bumagsak ang buong kaharian at namuhay na lamang si Elsa kasama ng kanyang stepmother na si Maleficient.

Hindi maganda ang trato ng kanyang stepmom at step sisters sa kanya at sa katutuhanan ay ginawa siyang katulong. Ngunit dahil parating naiirita sina Drizella at Anastasia sa taglay niyang kagandahan, dahil sa maraming binata na nagkakagusto dito ay ikunulong siya sa isang matayog na tower. Humaba ng humaba ang buhok ni Elsa na kasing taas na ito ng tore na kinalalagyan niya.

Isang araw ibinaba niya ang kanyang buhok sa pag-aakala na dumating sina Drizella at Anastasia...ngunit nabigla siya dahil isang Prinsipe na nagngangalang Ken ang dumating. Sila ay lihim na nagmamahalan ngunit nalaman ito ng kanyang stepmom at pinutol ang kanyang buhok at...at pinauwi siya sa kanilang bahay upang gawin ulit siya na isang katulong.

Bumalik si Prinsepe Ken sa tower ngunit wala na dun ang kanyang iniibig. Sa lungkot ay nagdaos siya ng isang ball kung saan lahat ng babae sa kahit saang sulok ng Pilipinas ay pwedeng dumalo. At dun sa ball nais niyang makitang muli ang kanyang iniibig na si Elsa. Sa kasamaang palad di nakapunta si Elsa sa naturang pagdaraos kasi hinarangan ito ng mga kontrabidang steps. Ngunit may dumating na isang fairygod mother at tinulungan siya.

Late siya na dumating sa ball ngunit alam ng prinsepe na siya si Elsa, ang babae sa tower. Ngunit tumunog ang bell at tumakbo si Elsa papaalis. Sinadya niyang iwan ang kanyang sapatos dahil nilagyan niya ito ng address upang mahanap siya ng prinsepe.

Kinabukasan ay pinuntahan ng prinsepe ang naturang address na nakasulat sa sapatos. Nakita niya ang stepmother at step sisters at tinanong kung nasaan ang nagmamay-ari ng sapatos na hawak niya dahil papakasalan niya ito. Sabi nilang tatlo ay isa sa kanila ang nagmamay-ari, biglang tumaas ang kanilang ilong sa pagsisinungaling na iyon.

Lumabas si Elsa at isinuot ang sapatos. Pupunta na sana sila sa kaharian nung sinabi ng stepmother niya na kaarawan ni Elsa at may munti siyang regalo, isang mansanas. Kinain ito ni Elsa at ang lahat ng tao maliban sa prinsepe ay nag freeze.

Nakahandusay si Elsa sa sahig. Dumating ang fairygod mother at sinabihan ang prinsepe na isang halik ng totoong pag-ibig ang makakatanggal sa sumpa ng mansanas.

Hinalikan niya ito at nagising si Elsa, di na rin nag-freeze ang lahat. Nagpakasal sila at nagkaroon ng anak na nagngangalang Prinsepe Elsan. And they live happily ever after!"

Ang kwento ng ama sa anak.

Tinignan niya kung natulog na ba ito ngunit gising pa rin si Elsan ngunit kitang-kita sa mga mata nito na ito'y inaantok.

"Bukas po ulit papa. Kwentuhan niyo ako ng estorya kung saan bida si mama... Goodnight papa!"

Ang sabi nito sa ama't hinalikan sa pisngi.

"At tiyaka goodnight din mama!"

Dagdag pa nito na nakatingin sa litrato na nakalagay sa mesa.

"Goodnight din sabi ko at sabi ni mama mo!"

Ang sabi ng ama at bumaba sa kama. Inayos ang pagkalagay ng kumot sa anak, hinalikan sa noo, humakbang papaalis at pinatay ang ilaw.

A Season to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon