Nick's Pov
Palalim na ang gabi pero ayaw ko pang umuwi, gusto kong mapag-isa , gusto kong umiyak ng umiyak hangang sa mapagod na ang mga mata ko. Gusto ko nang kalimutan yung nararamdaman ko sakanya kaso ala eh lalo lang akong nahuhulog sakanya parang kumunoy hindi ka makaahon at patuloy kang hinihila paibaba.
Nakakaramdam nako ng lamig pero hindi ko iyon pinansin kahit pa magkasakit ako.
Bigla akong nagulat ng merong tumawag sa pangalan ko agad naman ako napalingon at parang biglang huminto ang oras ng makita ko siya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.
"A- anong Ginagawa mo d--dito ?' nakatingin lang ako habang lumalapit siya sa bakanteng upuan.
" Bakit bawal naba ako dito ?" nakangiti niyang tugon, nakayuko nalang ako at hindi na nagsalita pa.
" Tuloy na tuloy kanaba sa pag-alis mo ?
" Oo kailangan ko eh" para makalimutan na kita sa isip isip ko.
" akala ko ba gusto mo ako ? eh bat ka aalis ? "
" ha--hah? , " napanga nga ako sa sinabi niya, siy ba talga yun? bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso na my halong mapait na ngiti.
"Wala --- " tumahimik lang siya pero maya maya nagsalita ulit siya
" Ano ba talga ang nangyari kanina ?" Bakit mo nagawa kay ava iyon, Oo bestfriend tayo pero ibang usapan na yung saktan mo yung taong iniingatan ko, alam mo ang hirap lang kasi ikaw pa na bestfriend ko ang unang mananakit sakanya. "
" hindi mo alam ang totoo adrian kasi wala ka naman doon , wag mo akong sisihin , bakit ka ba ganyan alam mong hindi ako ganun , lumaban lang ako para ipagtangol ang sarili ko , sana ako naman yung paniwalaan mo !" garalgal kong sabi habang naguunahang bumaksak ang mga luha ko pero agad ko yung pinunasan gamit ang likod ng kamay ko.
Umalis ako at iniwan ko siya magisa , mahirap na manatili pako kasi ang sakit sakit na dito sa kalooban ko. Pakiramdam ko ay sa ilang sandali ay lalamunin nako ng lupa.
ilanh linggo akong umiiwas kay adrian , hindi nadin ako lumalabas ng kwarto. Hindi nako nagpupunta sa park na tambayan namin.
Natapos ang semester na parang wala lang nangyare , bakasyon na kaya lalo akong nabagot. Maya maya tumawag si mama galing sa baba kaya naman dali dali akong bumaba.
"Nik kakausapin ka raw ng tiya madel mo"
Kinuha ko ang telepono at kinausap siya
"Po , talaga po , okay po , sige po"
"Ma kausapin daw po kayo "
Inabot ko na ang telepono.
Haiyy,,,, napabugyong hininga nalang ako. Narinig ko nalang nagsalita si mama sa tabi ko "kaya mo ba ? " tumango ako para sabihing , okay lang ako.
Kinabukasan na ang flight ko pero di ko parin siya nakakausap. Gabi na pero di padin ako pumapasok ng bahay , naisip ko na pumunta sa park , at alam ko huling beses ko na makikita ang park na yun.
"Dito ko nagsimulang maging masaya pero dito ko din pala magagawang maging malungkot "
pinuntahan ko yung puno kung saan madalas kami ng bestfriend ko. Hindi ko napigilang maiyak. Sa kabila ng pag hikbi ko my biglang humawak sa likuran ko , nakita ko kung sino siya .....
Ang bestfriend ko pala ....

BINABASA MO ANG
Hide your Feelings
RomancePaano mo maitatago sa isang tao ang tunay mong nararamdaman, hangang kelan ka mag-duduwag duwagan sa taong Minamahal mo. Hangang kelan ? Natatakot ka sa pweding mangyari kapag inamin mo , na baka mawala siya sa buhay mo, na baka pati ang iningatan...