Chapter 3

35 0 0
                                    

Rhion's POV

Habang hawak hawak ko ang kamay 'niya' halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Sa pagdampi pa lang ng palad ko sa palad 'niya' isang panibagong pag asa ang alam kong naghihintay para sa amin. At sisiguraduhin ko iyon, dahil mula pa kanina nang makita ko 'siya' sa airport alam ko na 'siya' yung binigay sa akin ni God na sign para bumangon uli.

I am about to go to Dumaguete, dala ang tapang ko para bawiin sana ang mga anak ko. Sobra ko silang namimiss, inilayo kasi sa akin ng mommy nila ang mga anak ko apat na taon na ang nakalilipas. Never ko silang nakita simula nun. At dahil kahit papaano nakaipon ako sa pangingibang bansa ko, ito ako dala dala ang konting pag asa na sana makasama sila uli.

Nakaupo ako sa isang bench habang hinihintay ang flight ko. I asked God for a sign kung talaga bang handa ko ng harapin ang mag iina ko. Kung talaga bang kaya ko ng ipaglaban ang karapatan ko bilang isang ama.

As i turn my head sa depature area, i saw 'her', at alam ko hindi ako nagkamali. 'Siya yun, ang babaeng minahal ko ng wagas, ang babaeng pinangakuan ng magandang pangarap para sa amin.

I immediately whispered 'thank you po' as i close my eyes for a while to feel God's presence. Tumayo akong mabilis para sundan 'siya'. Tinawag ang kanyang pangalan at totoo ngang 'siya' yun dahil lumingon sya ng bahagya.

At ngayon ito na, sa halos dalawang oras kong paghahabol sa kanya, ngayon hawak kamay ko na 'siya' habang binabagtas namin ang daan papunta sa isang restaurant.

'Kumain muna tayo, i'm sure gutom ka na.' sabi ko habang inaalalayan sya s pagpasok. Bumitaw sya sa kamay ko at nagpatiunang pumasok at umupo sa bakanteng mesa.

Lumapit naman agad sa amin ang waiter at inabot sa amin ang menu.

'Anong gusto mo Zelle?' i asked pero nagkibit balikat lang siya. Alam kong hindi pa nya ako kayang kausapin ngayon, dahil sa mga nangyari sa amin. Ang tanda ko huling pag uusap namin ay yung sa messenger na sobrang galit nya sa akin tatlong taong mahigit na ang nakalipas. Ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko nun because she blocked me in all her social media accounts. Kung alam nya lang sana kung gaano at paano ako nagsisi sa mga kasalanan ko sa kanya. And i admit i really admires her a lot dahil sobrang strong nya talaga sa pagdadala ng mga problema nya.

Ibang ibang Zelle ngayon ang kaharap ko, siguro marahil dahil na rin sa mga paulit ulit na dumatating na hamon sa buhay nya.  Tahimik lang syang nakatingin sa kawalan kaya ako na lang ang nag order para sa amin. Syempre inorder ko yung mga pagkaing sinasabi ko sa kanya noon na dapat nyang masubukan dito sa Cebu.

'Ah kuya, isang belly lechon, sinugba at balbacua, tatlong rice lang muna at dalawang mango juice.' sabi ko habang nakangiti sa waiter. Inulit ng waiter ang order ko at mabilis na umalis nung sabhin kong okey na.

'Inorder ko lahat ng sinabi ko sayo nun na dapat mong masubukan, sigurado akong magugustuhan mo.' may kinang sa mga mata kong sinabi yun sa kanya.

Tahimik pa din siya habang nakatingin sa kawalan.

'I am pretty sure magugustuhan mo yung lechon.' basag ko sa pananahimik nya. Tumingin lang sya sa akin saka ibinalik uli ang tingin sa kawalan.

Naisipan kong magpatawa baka sakaling mabago yung mood nya.

'Naalala mo ba nung kumain tayo sa may malapit sa inyo na town?' i asked habang buwelo kong ilabas ang tawa ko sana.

She  just frowned and sighed so i just continue the story.

'Limang rice nakain ko nun at tawang tawa ka kasi pinagtitinginan ako ng mga tao dun.' i continued and laughed. Pero ni wala  man lang akong makitang reaction mula sa kanya.

Nakakainis kasi angtagal ng order namin para sana kahit mabaling man lang sa food nya yung attention niya, hindi gaya neto na sobrang lamig niya talaga.

'Wait lang Zelle ha, may bibilhin lang ako.' paalam ko at nagmadali akong lumabas. Naisipan ko kasing bumili ng burger baka sakaling matawa sya pag nakita nya akong kumain neto.

Pagbalik ko ay nandun lang sya nag i scan sa isang notebook nyang maliit.

'Burger Zelle oh, habang wala pa order natin.' sabi ko at nag umpisang lagyan ng dressing yung burger ko. Tumingin lang sya ng bahagya sa akin saka ibinalik ang paningin nya sa notebook nya.

'Naalala ko dati tawang tawa ka sa akin habang pinapanood mo akong kumain nun.' nahuli ko syang tumingin sa akin kaya mabilis kong kinagatan ng pagkalaki laki yung burger ko. Nasusuka ako sa totoo lang dahil sa sobrang laki ng kagat ko. Pero tinitiis ko kasi gusto ko syang patawanin.

I glanced at her pero nahuli ko lang syang nag roll ng eyes nya. Kaya binilisan ko nalang kumain dahil waepek sa kanya yung pagpapatawa ko.

'Naalala ko pa...'hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil pinutol nya .

'Yun lang bang mga masasaya at nakakatawang bagay ang naaalala mo? Wala ba sa alaala mo yung mga masasakit na ipinaranas mo sa akin? O baka gusto mong ako ang magkwento?' sabi nya habang nanlilisik ang mga mata niya. Natahimik ako dun dahil alam ko kung gaano yun kabigat sa kanya. Napayuko na lang ako dahil ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya habang sinasabi nya ang mga yun.

Mabuti nalang at dumating na rin yung order namin kaya dun nabaling ang attention namin.

'Isantabi mo muna yung galit mo Zelle, tara kain na tayo.' i said, i smiled but a bitter one.

Naglagay ako ng kanin sa plate nya, at naglagay ng lechon sa gilid ng plato nya. Naglagay din ako ng sinugba saka naglagay ng balbacua sa bowl nya. Pagkatapos ay naglagay na din ako sa plato ko.

'Kain na Zelle. 'sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Mejo naramdaman ko kasi na uminit yung mga gilid ng mga mata ko. Pakiramdam ko maiiyak ako.

I saw her sipped in her juice at tinawag yung waiter.

'Kuya isa nga pong banana.'sabi nya sa waiter at sinagot naman sya ng waiter ng 'right away maam'. Maya maya ay sinerve na sa kanya ang banana. Binalatan nya ito at kinain. Pagkatapos ay uminom na siya ng juice.

'Hindi ka kakain?' tanong ko habang sinusubo ung pagkain ko. Hindi sya umimik at nagpatuloy sya sa pag scan sa maliit nyang notebook.

'Sayang naman kung di mo susubukan itong mga pagkain dito sa  Cebu.' sabi ko pero hindi nya lang ako pinansin. Tinapos ko na yung pagkain ko at kinuha yung plato nya.

'Lika Zelle subuan kita gaya nung nasa Baguio tayo.' pagsusumamo ko. Tumingin sya sa akin ng matalim. Naramdaman ko uli yung pag init ng gilid ng mga mata ko.

Tinitigan ko sya with my teary eyes, saka nagnod ng bahagya para sabihing 'kumain na sya', nakaready na kasi yung spoon na may lamang pagkain.

'I don't eat dinner!' mariin ang pagkakasabi nya. Saka kinuha nya yung luggage niya at bag nya. At mabilis na tumayo para makalabas. Kumuha ako ng 1000 sa wallet ko at iniwan nalang sa mesa at isinenyas sa waiter na kunin ang bayad ko. Di ko na kinuha yung sukli ko at mabilis na tumakbo para habulin sya.

Hindi pa nakakalayo si Zelle at sunod sunod na namang nagbagsakan ang malalaking patak ng ulan. Kaya mabilis ko syang hinabol at muli at pinayungan siya. Kinuha ko din yung luggage nya at sinabayan siya sa paglalakad. 

'Halika muna sa gilid, tatawagan ko kapatid ko.' sabi ko. Nagulat ako dahil hindi man lang sya humindi. Sumunod sya sa akin at umupo sa isang bench. Lumingon lingon ako, sa kalalakad namin kanina ay nakarating na pala kami dito sa pier. Kinuha ko yung phone ko at sinubukang tawagan ang kapatid ko.

'Sagutin mo Far....'bulong ko. Pero nakailang dial na ako eh hindi pa rin sinasagot ang tawag ko.

Nakita kong nagmamadali ang ibang mga tao sa paligid para makapunta sa pier at alam ko kapag ganito ay huling byahe na papunta sa mga isla. Mabilis kong kinuha ang luggage niya at mabilis ko din siyang hinila papunta sa pier.

~To be continued

              
            👑bella❤️

The Beautiful Mistake (Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon