Chapter Two

10 1 0
                                    

Maureen's POV

It's already 11:00 pm in a evening na.

Wala paring paramdam si Khian.

Kanina nung nakita ko siya. May kasama siyang babae. Pero hindi ko kilala. Siguro bagong girlfriend ni Ian yun.

May tiwala ako kay Khian siguro kaya nya ko hindi napansin kanina kasi asa pinaka sulok ako.

Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad nung nakalayo na sila.

Hays. Ang sakit lang. Ang sakit lang kasi hindi man lang niya naisip na mag paramdam. Siguro busy lang siya.

Hays. Kanina ko pa siya iniisip. Hinihintay ko parin ang text niya. Ilang oras na kong nag hihintay pero ni isang hi wala kong natatanggap.

Namimiss na kita babe.

Paramdam ka naman babe oh.

Yan ang mga salitang naiisip ko ngayon nakakamiss lang kasi kakulitan niya eh...

It's already 11:30 pm.

30 mins ko na siyang iniisip. Nakakaasar hindi na ata nya ko itetext.

Nag log out nalang ako at inoff ang phone ko at natulog na.

"Maureen sorry..."

"A-anong sorry??"

"Hindi kita maintindihan Khian"

"Sorry but I'm-"

"Babe!" bigla akong napabangon at napasigaw.

Pinagpapawisan ako, di ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi ko maiintindihan tong kaba ko.

Bumangon na nga ako ng tuluyan.

Tapos lumabas ng kwarto at bumaba para kumuha ng tubig.

Pagka-abot ko sa kusina uminom agad ako ng tubig pero lalo akong kinabahan.

Naglakad ako papuntang kwarto pero habang lumalakad ako patinding patinding kaba yung nararamdaman ko hawak hawak ko pa yung dibdib ko.

Pumasok na ako sa kwarto di muna ako humiga.

Tinignan ko muna yung cellphone ko kung nag text na ba si Khian pero wala.

2:30 na ng madaling araw. Tawagan ko kaya?

Dialing Khian..

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko yung cellphone ko.

"Babe bakit na patawag ka?"

"Kanina ko pa hinihintay text mo o tawag man lang pero wala ka namang paramdam, Babe may problema ba?"

Hindi siya sumagot. Tumahimik ang kabilang linya.

"Babe still there?"

"Babe Mag usap nalang tayo mamaya ha? 10 am"

Then he hung up.

Anong bang problema? Di ko siya naiintindihan eh.

Naka indian sit lang ako dito sa kama ko habang kinikiskis ko yung mga palad ko tapos hinihipan.

Sinobukan kung matulog ulit pero di na ako makakatulog. Bumangon ako tapos ginulo buhok ko.

"Ano bang problema mo khian" Bulong ko sa sarili ko.

Hanggang sa sumikat na nga yung araw di na ako nakatulog pa ulit.

Pero yung kaba ko di parin nawawala, Feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayong araw.

Chased Love [On-Going]Where stories live. Discover now