Maureen's POV
Pag kalabas ko wala na sila... Hays.
Nag jogging nalang ako ulit hanggang papuntang bahay..
Pagkarating ko sa bahay nakita ko na sila daddy na nagsisimula ng nag aalmusal..
''Goodmorning mom dad''
''Oh our princess Goodmorning saan ka galing?''tanong ni dad
''Nagjogging lang ako daddy''
''Halika na kumain na tayo''sabi ni mommy
''Sunod nalang po ko maliligo lang ako amoy pawis na kasi yung likod ko''
''Uhhhy si bunso nahihiya na halika na wag ka ng mahiya bunso''pang aasar ni kuya
''Che!Sige mom dad akyat na po ako''
''Sige pagkatapos mong maligo bumaba ka na dito''sabi ni daddy
''Sige dad akyat na po ako''
At umakyat na nga ako sa kwarto ko naligo narin ako kasi aparado pa naman si kuya..
''Maureen bumaba ka na dyan mahuhuli na tayo''
''Opo kuya pababa na''
Hays si kuya talaga di pa ako nakakapag ayos eh aporado talaga.
So ayun na nga pababa na akong ngayon at eto nanaman si kuya naka taas nanaman yung kilay.
''Bat ang tagal mo?''
''Tss. Tara na dami mo pang tanong kuya'' pag iisnob ko sa kanya.
Nasa kotse na ako ngayon nakatulala nanaman ako.
Iniisip ko nanaman si Khian ni isang text kasi wala pa kahit Goodmorning babe man lang nakapagtataka na talaga.
Nagbago na nga talaga si Khian hindi na sya yung dating Khian na nakilala ko.
''Maureen!?'' sigaw ni kuya kaya naman nagising na ako sa katotohanan.
''Ba-kit kuy-a?'' utal na tanong ko.
''Andito na tayo kanina ko pa tinatawag yang pangalan mo ano bang problema mo bat lagi ka nalang lutang?'' Pag aalala na sabi nya.
''Sorry kuya''
''May problema ka ba bunso? Sabihin mo lang sa akin''
''Wala po kuya sige na kuya pasok na ako''
''Sige bunso mag iingat ka''
''Ikaw din kuya''
Papasok na ako ngayon ng campus sakto namang nakasalubong ko si Mitchell.
''Ow bessy anong nangyari sa mukha mo?'' tanong nya.
''Huh? May dumi ba sa mukha ko?'' takang tanong ko.
''Tangek! Wala bat ganyan anlaki laki na ng eyebags mo at marami ka ng pimples may problema ka ba?'' pag aalala na tanong nya.
''Eh kasi bessy si Khian'' naiiyak na sabi ko
''Oh bakit si Khian sinaktan ka ba nya!'' pagalit na sabi nya.
''Hindi bessy uminahon ka lang''
''Eh ano?''
''Kasi parang nagbago na si Khian bihira nalang syang magparamdam sa akin nag aalala na ako sa kanya''
''Baka busy lang bessy"
''Kaya nga bessy, kahit nga busy sya sana magagawa nya parin akong itext or tawagan man lang'' maluhang luhang sabi ko
''Wag ka munang mag isip-isip ng kung ano ano baka sobrang busy lang talaga sya''
" Sana nga bessy '' malungkot na sabi ko.
Pumasok na kami sa classroom at saktong dumating yong prof namin.
Nagsimula na siyang mag discuss pero wala akong maiintindihan.
Di ko alam bakit ganito na naman siya?
May hindi ba syang sinasabi saakin?
Babe may tiwala ako sayo sobraaa, Sana naman wag mong sayangin at sirain.
"Bessy hoy kanina pa tapos ang klase" Untag ni Mitchell saakin.
"A-ah t-tapos na pala. Uhm t-tara na sa cafeteria bessy" Tumayo na ako nilagpasan ko siya.
Sumunod naman siya.
"Alam mo bessy wag ka naman puro Khian, mag aliw ka. Magpakabusy ka. Wag mo namn isipin sya parati talagang masasaktan ka eh" Sabi nya saakin habang nag lalakad kami.
Nilingon ko naman sya tapos sumagot.
"Di ko maiwasan bessy eh" Sagot ko.
"Mabuti pa mag arcade tayo mamayang hapon" Masayang sabi nya saakin.
"Ah sge tatawagan ko muna si kuy---"
"Opss natawagan ko na kuya mo kanina bessy" Sabi nya pero di sya makatingin saakin.
"May gusto ka kay kuya?" Pang aasar ko
"Wala ah porket tinawagan lang gusto agad?" Natatawang sagot nya.
Nandito na kami ni mitchell kumakain. Dinaldal nya ko ng dinaldan medyo di ko naman naiintindahan haha.
"Bessy tapos pagkahulog ko sa hagdan tawa ng tawa nga mga maids namin sakit kaya ng pwet ko non" Tapos tumawa sya.
Kanina pa sya tawa ng tawa eh wala namang nakakatawa sa sinabi nya.
"Bessy dito ka muna ha? Punta lang akong cr" Tumayo sya at umalis.
"Hey babe im sorry di ako nakapag text sayo ha? Busy kasi ako promise babawi ako sayo, Iloveyou" Hinalikan nya gilid ng labi ko tapos umalis.
Nagbuntong hininga nalang ako. Ilang minuto bumalik na si Mitchell.
Si Khian kanina parang pagod na pagod sya?
Bakit ba sya busy?
May di nga sya sinasabi saakin.
Natapos na ang klase at dumeretso kaagad kami sa arcade.
Pumunta kami sa basketball at dun si mitchell bato ng bato ng bola di namn nakaka shoot.
Tawa ako ng tawa tapos marami pa kaming nilaro.
"Bessy salamat talaga ha? Nag enjoy talaga ako" Sabi ko sakanya.
Nandito kami sa foodcourt kumakain.
Nang may nahagip ang mata
Nang may nahagip ang mata ko lalaking nakatalikod familiar tapos babae.
"Wala yon bessy ikaw pa" Sagot nya.
Di parin natanggal tingin ko sakanila. Aish baka namamalikta mata lang ako dahil sguro to sa pag kamiss ko sakanya.
Tama yun nga.
Pagkatapos umuwi na kami ni mitchell sa kanya kanyang bahay.
Naabutan ko si kuya sa sofa na nakangiti kaharap cellphone nya.
"Im home" Sigaw ko nalang tapos umakyat sa kwarto ko nag bihis at humiga.
•toots•
From: Babe
Babe Kauwi kana? Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Lumabas ka, Iloveyou:*Pagkabasa ko sa text ni khian lumabas agad ako, Nakatalikod sya kaya yinakap ko sya patalikod
"Imissyou babe" Sabi ko.
"Imissyou more babe" tapos niyakap niya ko ng mahigpit.
Bigla namang may tumawag sa cellphone niya.
"Babe, sorry i need to go may aasikasuhin pa ko sorry biglaan babe iloveyou" kiniss niya ko sa noo at pumasok na sa kotse nya at pinag masdan ko siyang lumayo....