Para mga katanungan ninyo, ito ang mga sagot. In English, here's the questions for your answers- este answers for your questions.
Q: Bakit po kailangang i-follow si Admin at ang Optimum Awards?
A: 'Yung sa Optimum Awards, para makakuha kayo ng notifications for some further announcements. Kahit kasi nilagay niyo na ang librong ito sa inyong library, bukod 'yung mga post namin sa message board.
'Yung kay admin naman, kung ayaw niyo edi 'wag 😂 ('yung iba hindi ako finollow pero oks lang). Token of appreciation lang naman para sa pag-organize ko sa mga entries niyo*pout*(iww). Mahina kalaban, ang dami niyo isa lang ako uy AHAHAHAH.
Q: Bakit kailangan mag-tag/mention?
A: We need joiners kaya sa pamamagitan ng pag-memention niyo ay makagain tayo ng mga sasali. Para mabilis tayong makompleto. 😊
Q: Bakit kailangan si hastags at sticker?
A: Simple lang, para makilala tayo. Para ma-acknowledge ng iba na may ganito palang klase ng awards.
Kung hindi ko gagawing "KAILANGAN" magiging unfair para sa mga sumunod. Ano 'yon 'yung iba walang kahirap-hirap sa paglalagay pero nakasali din gaya nung mga sumunod? That's unfair:(
Tsaka do'n ko rin makikita kung responsible ba kayo o hindi. Kung sumusunod ba kayo at nagbabasa.
Q: Bakit disqualified na agad kapag naunahan na ng iba?
A: Kasi po, bilang lang ang mga slots natin. First come first serve. Nauna sila kasi hindi kayo sumunod agad. May next year pa naman po at ang mga sumaling istorya na sa taong ito ay hindi na namin tatanggapin kaya mabibigyan kayo ng chance na mga hindi nakasali.
Q: Bakit hindi man lang mag-follow back si admin?
A: Hindi po sa ayaw kong i-follow back kayo, 'di po ako gano'n. Kasi po kasali sa prizes ang follows kaya hindi po talaga pwede, sorry po talaga. Nagfollow back naman po ang Optimum Awards at PERMANENT na 'yon.
At kapag sa prize naman, 'yung follow no'n PERMANENT. Hindi po ako nagu-unfollow. Kahot i-check niyo pa po ang profile ko araw-araw, makikita niyong hindi nagbabago ang number ng mga fino-follow ko. Kasi isa ako sa mga nabibiktima ng "unfollow" at ayokong gawin sa iba 'yon.
Q: Bakit pati sa reading list ilalagay ang libro?
A: Isa 'yon sa mga acknowledgements na kasama ka sa awards na ito. Kasi 'yung ibang mga sumasali sa mga awards, tumitingin sila sa reading lists ng iba para makahanap ng sasalihang may mga bakante pa.
Q: Bakit wala ang ibang genre?
A: Kasi po mahirap humanap ng mga sasali sa ibang genres at doon tayo matatagalan makahanap ng mga sasali.
Q: Bakit may password password pang nalalaman?
A: Para alam ko kung binasa niyo ba talaga o hindi ang rules. :p
Q: Bakit kailangan 3 chapters pataas para sa novel?
A: Paano pagbabasehan ng mga hurado natin ang mga istorya ninyo kung isa o dalawang chapters lang ang nandoon? Maiksi na nga ang 3 chapters eh kasi alam ko 'yung iba hindi naman makakapag-update ng gano'n gano'n lang.
Q: Kailangan ba mag-judge kapag sumali?
A: Hindi po, option lang po 'yon. We don't require you.
Q: Bakit kailangan magbigay ng critic?
A: Syempre para malaman nila na binasa niyo talaga at hindi kayo nanghula lang ng scores na ibibigay. Nandoon na rin 'yung para makipag-bigay kayo ng opinions and suggestions niyo about sa story nila.
We are keeping you unknown, don't worry.
Q: Bakit kailangan ivote bawat chapter?
A: Para malaman ko kung nagbabasa ba kayo o hindi.
Q: Bakit pili lang ang slots?
A: Yes, ando'n na 'yung give chance to others pero sana po maintindihan ninyo na hindi po inifinite ang tanggap ng entries namin, dapat may limit din. Gusto ko po na makasama kayong lahat na nagnanais pero kasi po kung tatanggap kami ng tatanggap, kailan tayo makakapag-judging 'di ba?
PARA NAMAN PO SA MGA HINDI NATANGGAP, SORRY PO. MAY DEADLINE PO ANG PAGLALAGAY NATIN, 5 DAYS. KUNG HINDI NIYO PO NAILAGAY 'YON SA DEADLINE NA IYON, PASENSYA. SALI NA LANG PO ULIT KAYO NEXT TIME.
So, 'yon lang po ang charot charot na update na ito. Kung may mga katanungan, i-komento lamang dito. Ika nga sa RiteMed, 'Wag mahihiyang magtanong~
Yes to hate comments tayo! Gora na't i-comment niyo ang mga saloobin ninyo, hindi ako magagalit. Baka maayos ko kapag sinabi ninyo. Nasa democratic country tayo mga par! 'Wag mahihiyang magreklamo~
~Admin Ikay