Happier

6 0 0
                                    

Minsan sa mundong ito, may mga bagay na dapat mong bitawan.

"I'm so sorry."

Sa mundong ito may mga bagay na hindi tugma. Hindi tama. Hindi dapat.

"I loved you. Goodbye."

And you thought that lady luck is always by your side. But suddenly, all you've got... are gone without you even noticing.

Napahawak ako sa upuan dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

Pinanuod ko siyang naglalakad palayo.

Sana magawa ko ring maglakad palayo sayo. Pero bakit ayaw ng mga paa ko?

Unti unti akong napaupo sa upuan. Napahawak ako sa pisngi ko. Walang luha. Ni isang patak lang... wala.

Gusto kong matawa. Siguro sa sobrang sakit ng dinanas ko, hindi na papatak ang luha ko. Ngumiti ako ng mapait at tumingin sa langit at nagkikislapang mga butuin.

Ang mga tala na lamang ang magbabantay sakin tuwing gabi.

Wala sa sariling napangiti ako doon.

Siguro, isa ng tala si Mom and Dad. Sana binabantayan nila ako.

Napayuko ako at nagbuntong hininga.

Sana hindi na lang nila ako iniwan.

Napatingin ako sa salamin ng sliding door.

Nakita ko ang sarili kong pigura. Ang mga mata kong pagod. Ang mukha kong walang kahit na anong ekspresyon. Ang katawan kong namumutla.

Siguro sa mga panahong ito, wala na akong mahahagkan.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto. Humiga ako at pinagmasdan ang buwan sa labas ng bintana.

Hanggang sa unti unti ko ng naramdaman ang kadiliman.

"Anak, andito lang kami."

Nakita ko ang sarili ko sa isang kama. Puti ang lahat ng mga gamit, pati kisame. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang apat na doktor sa tabi ko. Napalingon ako sa isang matandang babae. Umiiyak siya.

"Anak, kakayanin mo yan."

Biglang lumapit ang mga doktor at tinurukan ako ng kung ano ano. Hindi ko naramdaman ang sakit. Ano bang nangyayari?

"Mom..."

"A-Anak... patawad."

Hinihingal akong nagising at pawisan ang buong katawan. Hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin ang araw na naospital ako. Nagkasakit ako noon. Pero magaling na ako ngayon. Simula ng gumaling ako ay ayaw na ayaw kong pumupunta sa ospital. Para sakin, iyon ang pinakamalungkot na lugar.

Tumayo ako at naligo. Pumapatak ang tubig mula sa shower. Pero parang wala na akong maramdaman. Parang namanhid na ang buong katawan ko.

Kahit gusto kong manatili sa bahay, pumasok pa rin ako sa trabaho.

Law Firm since 1936

Pumasok ako sa loob ng matangkad na building. Binati ako ng mga tao doon. Nakita ko ang itsura ko sa glass ng elivator.

Itim na buhok. Cream slacks. White Long Sleeves. Cream High Heels. Black I.D. Black Bag. Sa itsura ko ay gagalangin ako ng kung sino mang madaraanan ko. Pero sa blangko kong ekspresyon, marami ang yuyuko na lang dahil sa intimidation.

Pagpasok ko ay binati ako ng mga tao. Ngumiti ako ng tipid at tumuloy sa aking opisina.

Mula sa glass door, kitang kita ko ang dating kasintahan. May kausap siyang babae at sila'y nagtatawanan. Mabuti naman at masaya siya kahit wala ako sa tabi niya.

Love Anthologies Where stories live. Discover now