Fireworks

7 0 0
                                    


"Valentines day na ngayon, anong ibibigay mo sa crush mo?" Tanong sakin ng best friend kong si Olie. Ngumiti ako sa kanya. Ewan! Kinikilig ako eh!

"Eh, bibigyan ko siya ng love letter." Sabi ko habang nakangiti inirapan niya tuloy ako. Problema ng babaeng 'to?

"Waley. Ang baduy mo. Dapat yung romantic. Yung magkasama kayong dalawa sa isang park." Sabi niya habang nakatingin sa taas at para bang nag-iimagine. Napatango-tango ako. Paano ko gagawing romantic yun?

"Tapos, dapat may fireworks tapos papanuorin niyong magkasama. Ayiee! Ang romantic nun!" Sabi niya at tinulak tulak pa ako kaya muntik na akong mahulog sa upuan ko. Pero kinikilig rin ako!

"Wag mo 'kong itulak! Pero romantic nga yun! Yun na lang gagawin ko!" Sabi ko sa kanya at ngumiti ng sobrang lapad.

"May pera ka ba?" Tanong niya sakin habang nakataas ang kilay.

"Oo. Meron pa namang laman ang piggy bank ko." Sabi ko sa kanya at nag-thumbs up.

"Eh, ang mahal mahal nun. Sayang lang ipon mo." Sabi niya at nag pout. Umiiling iling ako at sinilip si crush na katabi ko lang at tahimik na nagsusulat. Ang gwapo gwapo niya! Ang pangalan niya ay Kevin. Ang buhok niyang itim na tinatakpan ang noo niya, ang singkit niyang mata at makapal na kilay, ang matangos niyang ilong at mapula at manipis na labi. Mr. Perfect! Siya ang top sa class namin. Pero masungit talaga siya. Napapout ako.

"Hindi. Okay lang. Basta para sa kanya. Pero paano ko siya sasabihan?" Tanong ko kay Olie na ngayon ay nag-iisip. Bigla niyang tinaas ang hintuturo niya at parang may lumabas na light bulb sa ibabaw ng ulo niya.

"Edi, pilitin mo siya! Saka, ako na nag magsisindi nung fireworks ah? Support kita diyan Bessy!" Excited na sabi niya. Binatukan ko siya. Kunwari pang nag-isip yun lang pala sasabihin. Baliw talaga 'to. Napa-aray siya at inirapan ako.

"Basta support mo talaga ako ha? Walang indiyanan ha." Sabi ko saka kami nag nagtulakan sa sobrang pagkakilig, hanggang sa mahulog na nga ako sa upuan. Napapikit ako at hinintay na lumapat ang katawan ko sa malamig na semento pero isang mainit na bisig ang sumalo sakin!

Unti-unti kong binuksan ang mata ko, at namula ako ng malaman kung sino ang sumalo sakin.

dugdug dugdug dugdug

"Hoy, tumayo ka na. Ngalay na ako." Cold na sabi niya kaya napatayo ako pero nagkauntugan ang ulo namin. Ang sakit!

"Aray!"

"Ouch!"

Sabay naming sabi. Nagkatinginan kami pero inirapan niya ulit ang ako kaya napapout ako.

"Lapitin ka talaga ng malas eh. Hay. Mag-iingat ka kasi." Naiinis na sabi niya saka umupo ulit sa upuan niya.

"T-Thanks." Napatalikod ako at napahawak sa noo at bibig ko.

Gusto kong sumigaw sa kilig! Kahit masakit yung noo ko parang nawala na nag sakit! Alam kong mukha na akong kamatis ngayon pero kyahh! Ang bait bait ni Lord! Salamat po ng marami!

"Thanks sa pag tulak sakin best friend!" Sabi ko kay Olie saka siya yinakap. Narinig ko ang pag tawa niya kaya natawa na rin ako.

"Baliw ka na."


May seatwork kami kaso nahihirapan talaga ko kaya kung anu-ano na lang ang ginawa ko. Pero biglang nahulog yung pencil.

Kinuha ko iyon pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Kyahhhh!

dugdug dugdug dugdug

Sabay naming kinuha yung pencil ni Kevin!!!

Love Anthologies Where stories live. Discover now