Tula at Pilo

4 0 0
                                    


"Magandang hapon po Ma'am, and Sir. Tara po, ako po ang magtuturo sa inyo ng mga lupain niyo." Nakangiting sabi ng isang ale. Ngumiti si Mama sa kanya. Nasa likod lang nila ako. Kasama ko ang mga pinsan at kapatid ko.

Nang makarating na kami sa aming destinasyon ay ang malawak na lupain, mga puno ng niyog, at iba't ibang halaman ang bumungad samin. Ito pala ang lupain nila Lolo at Lola.

"Ma? Sure ba kayong sa atin ito?" Tanong ng kapatid kong si Dew habang nakangiti at tinatanaw ang malawak na lupain.

"Oo. Ito ang pamana satin ng mga Lolo at Lola niyo." Sabi ni Mama at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa isang malaking kubo.

Pumasok kami doon at hindi mo aakalaing malinis ito at maganda sa loob.

"Sa inyo po itong kubong ito." Sabi ng Ale. Tumango lang sila. Nanatili akong poker face dahil na mali ako ng pwesto ng gising. Wala ako sa mood.

"Ma, punta lang po ako dun." Sabi ko kay Mama ag tumango lang siya saka nag patuloy sa pagkausap sa Ale. Lumabas ako sa kubo at nilibot ang lupain, maganda dito at malinis. Hanggang sa may makita akong ilog. Napangiti ako ng kaunti at umupo sa tabi ng puno ng niyog. Madamo rito sa inuupuan ko at malinaw ang tubig ng ilog.

Napapikit ako at sumandal sa puno ng niyog. Maganda ang tanawin. Kitang kita dito ang kabila ng ilog na punong puno ng mga puno. Saka gustong gusto ko ang fresh air rito. Walang halong polusyon at usok ng manila.

Sana dito na lang ako tumira. Peaceful at wala pang mangengeelam sayo. Wala yung mga kaklase kong nakakainis. Ayos dito.

Napatingin ako sa kaliwa at nakita kong may naliligong kalabaw tapos tumatae kaya pala ang baho. Nakakainis naman eh! Dito pa talaga.

Dahil sa nakita ko ay pumunta ako sa kanan at umupo sa tabi ng puno ng niyog.

Sumandal ako doon at bumuntong hininga.

"Hay..." Pumikit ako at nag cross arms. Maganda rito sa pwesto ko. Hindi masilaw at komporta—

"Hoy." Muntik na akong mapasigaw ng biglang may magsalita sa tabi ko! Napalingon ako sa kanya. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang siya. Medyo mestiso siya. Itim na bagsak na buhok. Matangos ang ilong. Itim at maliit na mata. Katamtamang kilay. Mapupulang labi. Makinis at maliit na hugis ng mukha. Nakasuot lang siya ng brown na shorts at puting t-shirt.

"Sino ka?" Tanong ko at nag iwas ng tingin. In short: GWAPO.

"Ikaw dapat ang tanungin ko. Sino ka?" Tanong niya pabalik. Napatingin ako sa kanya.

"Eh bakit nakatabi ka sakin?" Tanong ko. Tiningnan niya ako from head to toe saka siya ngumisi.

"Ikaw nga dapat ang tanungin ko eh, bakit ka tumabi sakin?" Pagbabalik niya ng tanong.

"Ikaw ang unang tumabi sakin!" Muling sabi ko pero nginisian niya lang ulit ako.

"Wag kang feeling Miss. Ikaw ang lumapit dito tapos umupo at sumandal sa tabi ko." Walang ganang sabi niya habang nakatingin lang sa ilog.

"Hindi—" Pinutol niya ang sasabihin ko at tumitig sakin.

"Lutang ka kasi kanina." Sabi niya at muling umiwas ng tingin.

"Hindi kaya!" Pagtanggi ko. Kumibit balikat lang siya at tumingin na lang sa ilog. Nakakasar ah.

"Okay. Sabi mo eh." Nakakibit balikat na sabi niya. Napasimangot ako. Tatayo na sana ako kasi parang ayaw niya namang may katabi pero bigla siyang mag-salita.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya pero hindi nakatingin sakin.

"Bakit mo tinatanong?"

"Para malaman ko." Sabi niya at bumuntong hininga. Napanguso ako at nagiwas ng tingin. Pilosopo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Anthologies Where stories live. Discover now