SA SIWANG

12.8K 59 1
                                    

Hello sa inyong lahat. Itong iku-kwento ko ay hindi naman nangyari sa akin, nakita ko lang.

Nakita ko sa siwang.

Mag-aala sais na ng gabi noon, halos palubog na ang araw. Pauwi ako nun galing sa computer shop nang madaanan ko ang mga barkada ko sa may tindahan.

"Jun! Tara, shot tayo." Aya sa akin ng isa sa kanila.

"Sige, uwi muna ako at maliligo." Sagot ko sa kanya.

"Sabi mo yan ah." Sabi niya ulit sa akin at tumango naman ako.

Matapos nun ay nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi sa amin. Nadaanan ko pa nga ang Tiyo ko na may kausap na mga binabae.

"Yun tayo oh!" Kantyaw ko sa kanila. Ngisi lang at sign ng 'pakyu' sa kamay ang binigay na tugon sa akin ni Tiyo.

Hala, mamamakla na naman?

Umiiling na nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makadating na ako sa bahay namin.

Nadatnan ko si Mama na nagluluto na, habang ang mga kapatid ko ay naglilinis. "Ma, ako na." Sabi ko sa Mama ko at kinuha ang sandok sa kanya.

"Sige, magtutupi muna ako. Pagka lumambot na ang mga gulay, patayin mo na ang stove tapos isara mo ang tangke." Utos sa akin ni Mama.

At gaya ng utos niya ay hinayaan ko munang lumambot ang mga gulay bago ko pinatay ang stove. Matapos ay tinignan ko kung may naka saing na at napa 'yes!' ako nang makita kong meron na kaya isinara ko na ang tangke.

"Makaligo na nga." Sabi ko at umakyat papunta sa kwarto ko para kunin ang twalya at bumaba ulit papunta sa banyo.

Halos tatlumpung minuto ako bago matapos maligo at matapos nun ay nagbihis na ako.

"Ma, tambay lang ako." Paalam ko kay Mama na nanonood ng TV sa kwarto nila ni Papa.

Wala pala si Papa dahil nasa abroad ito.

"Wag kang magpapagabi masyado, Jun. Sasamain ka sa akin." Sabi niya sa akin.

"Okay. Okay." Sagot ko at madaling bumaba. Nadatnan ko pa ang kapatid ko pang isa na kakapasok lang ng bahay.

"Maligo ka na, tol! Mukha kang mabaho." Pang aasar ko at ako naman ang lumabas.

...

Malapit na ako sa kanto nang may maulingan akong dalawang bulto ng tao. Tila sila nag-uusap at matapos nun ay nagpunta sila sa kung saan.

Dala naman ng kyuryosidad ko ay sinundan ko ang dalawa at napadpad ako sa isang bakanteng lote na may lumang bahay na gawa sa kahoy.

Tadtad iyon ng mga butas.

Nakita ko ang dalawang bulto ng mga tao na pumasok doon. Ganun din sana ang gagawin ko pero minabuti ko na hindi ako dumeretso dahil baka mahuli nila ako.

Ano namang gagawin nila dito? Sabi ko sa sarili ko.

Kaya naghanap ako ng pwesto kung saan makikita ko sila nang hindi nila namamalayan. Sakto at nakakita ako ng isang may kalakihang siwang at doon ko tinignan ang pinasukan ng dalawa.

Sakto at pagtingin ko naman ay nasa direksyon sila ng siwang kung nasaan ako.

Walang sabi-sabi ay bigla na lamang nagsalita ang isa sa dalawa, "sige na, tsupain mo na ako. Isang libo lang." Sabi nito sa kausap. Kaagad kong nakilala ang boses.

Si Tiyo pala iyon.

Kaya pala halos kilala ko ang pigura nito. Malamang ay bakla ang isa, yung isa sa mga baklang kausap niya kanina.

18+ IT IS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon