READ AT YOUR OWN RISK!
Note: This story is true and was narrated by the student himself who happens to be my friend.
...
Sabado iyon nang magpatulong si Sir sa amin na gumawa ng corsage na gagamitin namin para sa aming graduation next week.
Tatlo kami, ako at dalawa ko pang kaklase na mga babae. Malapit kami kay Sir dahil sa naging guro at kaibigan namin siya sa loob ng apat na school year.
Hapon nang magpunta kami ng mga kaklase ko sa bahay niya upang gawin ang mga corsage. Inilabas niya ang mga gamit na kanyang binili sa divisoria sa may Manila.
Si Sir kasi ang coordinator dahil isa siyang bading. Siya din ang naatasan na mag-ayos sa venue kung saan magaganap ang graduation, maging sa simbahan kung saan gaganapin ang mass bago ang graduation namin.
Mabait si Sir at madami siyang kaibigan, ilan lang kami sa mga kaibigan niya.
Nang mailabas ni Sir ang mga gamit ay nag-umpisa na kaming gumawa. Ginunting namin ang mga chicken wires at mga ribbon. Si Sir naman ang bahalang umayos at magsama-sama ng mga nagupit na namin.
Ala sais na nang matapos kami sa pag-gawa ng mga corsage at nang maligpit na namin ang mga gamit at pinagkalatan ay napagpasiyahan muna naming magpahinga habang nagmi-miryenda. Matapos nun ay umuwi din kami.
...
Sa sumunod na araw, Linggo. Inaya ako ng kuya ko na magpunta sa bahay ni Sir. Kilala at kaibigan din kasi ni Sir ang kuya ko, dahil pareho lang kaming naging estudyante niya at nag-aral sa parehong eskwela.
Pagdating namin sa bahay ni Sir ay may mesa sa harapan ng kanyang bahay. May mga upuan din doon.
Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga kaibigan ni kuya na kaibigan ko na din at ilang graduate students na naging senior namin noon.
Nang kompleto na ay nagsimula na kaming mag-inuman. Tumagal din iyon ng ilang oras at natapos ng alas onse ng gabi.
Nang maubos na ang mga alak ay umuwi na ang ilan habang ako, si kuya at lima pang iba ay naiwan at nagpunta sa kwarto ni Sir.
Madilim ang kwarto, sa hindi ko mawaring dahilan. Malamig din noon dahil may air con ang kwarto niya. Kaagad akong humiga sa kanyang kama, sa duluhang parte.
Ilang saglit pa ay sumama na din si Sir na humiga at alam kong nasa gitna siya. Katabi ko naman si Sander na nasa kaliwa ko habang si Ron naman ang nasa pagitan namin ni Sir. Si Kuya naman ang nasa kabilang side na kasama ni Paul.
Nagpahinga naman ako dahil medyo ramdam ko na ang pagka hilo dahil sa ininom kong alak, pero ilang saglit pa'y may narinig akong hagik-gikan. Si Ron iyon dahil dinig ko siya.
Bakit ang likot nito? Tanong ko, magulo kasi siya.
Narinig ko din na parang bumubulong si Sir. Ilang saglit pa ay bumukas ang ilaw.
Kulay violent ang florescent lamp kaya kulay blue ang kulay ng ilaw, doon ko din napansin ang mga glow in the dark na stars at moon, maging dolphins na naka dikit sa kisame ng kwarto ni Sir.
"Napano ka nyan?" Tanong ni Ron sa kuya ko habang natatawa. Natawa din si Kuya kay Ron at umiling. Ilang saglit pa ay tumayo na si Sander at ganon din si Ron, kasunod ay si kuya.
Ako naman ay umupo habang nakatingin lang sa kanila. Sumunod din si Paul sa kanilang tatlo na lumabas at naiwan kaming dalawa ni Sir sa kwarto.
"Sir, bakit humahagik-gik si Ron kanina?" Tanong kay Sir.

BINABASA MO ANG
18+ IT IS!
AventuraIto ay koleksyon ng mga totoong pangyayari. Mga pangyayari na magpapa init ng inyong katawan, gigising sa inyong kalibugan, at bubuhay sa lahat ng pwedeng mabuhay sa inyong katawan. 18+ IT IS! Copyright © 2018 by yourbitterman All Rights Reserved