Chapter 20

48 4 0
                                    

Roxanne

May mas nakakailang pa ba sa nangyayari ngayon?
Kanina pa tong isa dito ah. Nakakailang na talaga. Hindi ko naman siya masabihan, takot ko lang mapalabas ng Teacher namin. Palibhasa tumandang dalaga.

Bumalik nalang ako sa pag susulat kahit naiilang parin ako.

Nag te-take ako ng notes nang may humawak sa pulsohan ko kung nasan ang bracelet na bigay sakin ni Jae-Jae.

Ewan ko pero hinayaan ko lang siya na mahawakan ang bracelet ko. Normally, ayoko talaga ito ipahawak sa iba maliban kay Jae-Jae. Pero iba ang nafe-feel ko sakanya sa mga oras na to'.

Tiningnan ko lang siya kung paano niya haplos-haplosin ang bracelet. Titig na titig siya na may kislap sa mata.

"Mie-Mie, wag mo itong ipapahawak sa iba ha?, ikaw lang at ako ang pwedeng makakahawak nito..."

Naalala ko naman ang sinabi ni Jae-Jae kaya bigla kong hinaklit ang kamay ko tsaka pinasok ko sa loob ng bulsa ko. Tiningnan ko siya pero hindi na siya nakatingin sakin at parang may hinawakan siya sa isang kamay niya. Isa rin yung bracelet pero hindi ko na maaninag ng maayos kung ano ang nakasulat.

"Okay, class dismissed" hindi ko namalayan, tapos na pala ang klase kaya tumayo na ako at nag ayos ng mga gamit. Alam kong sa akin parin nakatingin si Jacob.

"May kailangan ka ba?" Tinanong ko na siya at tiningnan siya pabalik.

Wala siyang sinabi kaya nailang naman ako at kinuha nalang ag bag ko.

"Roxanne, let's go" pukaw sakin ni Bhest.

Tumango lang ako at sumunod kay Bhest.

"Pano si Asch, Bhest?"tanong ko. Alangan naman iwan namin si Asch na natutulog.

"May susundo niyan kaya pabayaan mo nang matulog."sabi niya

Hindi paman kami nakakalabas, bigla nalang pumasok ang mga barkada ni Jacob.

"Hi, Miss President"

"Hi, Roxanne"sabay na bati ni Leo at Xander samin ni Bhest.

"Hello" sabi ko

Tumango lang si Bhest tsaka bumaling kay Trevour.

"Trevour" tawag pansin ni Bhest kay Trevour, lumingon naman si Trevour and he gave Bhest a knowing look and she nods again.

"We have to go, let's go Rox" malapit na kami sa pinto nang dumating rin si Grey. Ang cold niyang tumingin.

Nakakapagtataka naman dahil pag lumanding ang tingin niya kay Bhest, bigla-bigla nalang umamo ang mukha niya. Pero baka namamalikmata lang ako. Geeeez!

Patuloy na kami palabas ni Bhest. Nag aantay na si Zeah samin sa garden. Bibili nalang kami ng foods tapos punta na kami dun. 4:32pm pa naman, wala kaming class kasi naospital ang anak ni Mrs. Gomez.

"Ba't ang tagal niyo? Nagugutom na ako ah."yamot na sabi ni Zeah.

"Bumili ka nalang sana ng pagkain mo. Para hindi ka magugutom. Bopols talaga"sabi ko

"Hmmp"papadyak-padyak pang pumasok sa cafeteria si Zeah.

"She's being a child again"sabi ni bhest na may bahid ng amusement.

.
.
.
.
.
.

Naghihintay na ako ng masasakyan pauwi. Nag-insist si Bhest at Asch na ihahatid ako samin pero tinanggihan ko. May family dinner kasi sila at ayoko naman malate sina Bhest.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Mahigit 30 minutes na ako naghihintay ng masasakyan dito kaso wala namang dumadaan. Kung meron, puno naman.

Heal You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon