"Rose goes for her last word, ROMANCE with a score of 22. Adding 50 points for a 7-letter word and there, she effortlessly wins the game with a total score of 306."
"Lagi ka namang panalo, hehe. Congrats!"
"Ganda na, matalino pa. Sana lahat!"
One day, I will be forgotten. Whatever I do right, whatever I do good, will only go to waste. Because one day, they will figure out that one mistake that changed everything.
"The perfect girl exists."
Napalingon ako ngunit wala, wala pala.
Nilapitan ko sina Kenneth at Cecil. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Kenneth kahit wala siyang ganoon. Si Cecil din, parang gustong pumatay sa sobrang saya, hahahaha! Mas masaya pa sila kaysa sa akin sa pagkapanalo ko. Get you friends na ich-cheer ka when you succeed.
Pagkalapit ko, niyugyog ako ni Cecil at sinabing, "Girl, 'di umalis si bebelabs ko. Pinanood ka nila, kasama niya 'yung player yata kaninang pogi rin!"
'Yan pala ang dahilan kung bakit masaya si Cecil, dahil sa bebelabs niya. Ang harot talaga nitong kaibigan ko. Opposite na opposite kami e.
"Baduy naman ng standards mo, Cecil," sabi ni Kenneth sa kaniya.
Binatukan ni Cecil si Kenneth. Halata 'yung inis niya at pagka-defensive sa mga pogi, hahahaha! Sabi niya, "Wala kasing nagkakagusto sa 'yo, Ken!"
Natawa na lang ako. Cute nilang dalawa e.
"Aye, congratulations! You did great."
Si Ryan, hindi pa rin umaalis kahit na pinalayas ko na siya kanina. He was smiling at me and it reminded me of how everything used to be.
"Bakit nandito ka pa rin? Tinaboy na kita kanina, ha," sabi ko habang nakatingala sa kaniya.
"Iwan muna namin kayo," tuwang-tuwa si Cecil na makita kaming mag-usap ni Ryan. Hinila niya pa palabas si Kenneth dahil hindi niya gustong umalis.
Lumuhod siya bigla sa harapan ko. Hinawakan niya ang aking mga kamay at iba ang naramdaman ko. Nakaramdam ako ng sayang alam kong mawawala rin naman. Gusto kong bumigay. Gusto kong maibalik muli ang ligayang noon ay ipinagkait sa akin. Ngunit sabi ko nga, ito ang sayang mawawala rin.
"Bakit ka nakaluhod? What are you doing? Tumayo ka diyan," nataranta ako sa kaniyang pagluhod dahil hindi ko alam kung anong plano niya.
"Sabi mo sa akin, 'Then, beg for it, Ryan Felix Lorenzo.'"
"Sineryoso mo naman, tumayo ka nga diyan!"
Tumayo na siya at nakipagkamayan siya sa akin.
"I'm Ryan, Ryan Felix Lorenzo of Class B. Heartthrob ng school. All-time MVP. Your soon-to-be boyfriend," sambit niya.
"I don't need to introduce myself. You know me," sabi ko sa kaniya hanggang sa matawa ako.
Sa kaniya lang talaga ako unang nagsungit dahil siguro sa first impression ko sa kaniya. Ayun, natawa na lang ako. Hindi ako sanay magtaray e.
"You remind me of someone I used to know." Tinuloy niya, "Masungit. Maliit. Matalino. Maganda, haha!"
Napahalukipkip ako at sinabing, "For your information, sa 'yo lang ako masungit at sa 'yo lang ako magsusungit."
"'Di mo pa rin ba i-introduce sarili mo? What a way to be disrespectful, Little Miss Perfect."
I laughed nervously because he reminded me of the days when my past lover and I first met. He made me remember the person who I used to love. I have always thought that someone will heal the wounds in time. He was supposed to be that someone. He was perfect but I guess, not for me.
"Okay, fine. I'm Lia Rose Rafael from Class A. Happy now?" sagot ko sa kaniya.
Nginitian niya ako and 'yun siguro ang sagot niya sa aking tanong. Nagpaalam na ako sa kaniya kaya niyaya ko na sina Cecil at Kenneth na umalis. Tapos naman na ang lahat ng games ngayon. Kinuha na namin ang bags namin sa loob ng classroom at lumabas na. Bago kami makababa galing third floor, sumigaw si Ryan.
Lumingon ako at nakita ko siyang pawisan. Pagod na siya pero mukhang ang saya niya pa rin.
"Rose! Nood ka bukas!" sigaw niya.
Tinago ko ang saya dahil ayaw kong mahalata nina Cecil at Kenneth kung anong nararamdaman ko. Tumuloy-tuloy na lang kami sa pagbaba hanggang sa mapansin kong nawawala 'yung notebook ko. Tumigil kami at nagmadali akong hanapin 'yung notebook sa bag ko. Niligpit ko 'yun e, noong umalis kami ni Cecil sa classroom namin.
Niyaya ko silang bumalik kaso pagod na raw sila. Kaya sabi ko, ako na lang. Pumayag naman silang maghintay kaya umakyat na ako agad. Tumakbo na ako papunta sa classroom ni Ms. Isabella. Nakita ko si Ryan sa malayuan at hindi pa rin siya umaalis.
"Ryan! Ryan!" sigaw ko hanggang sa siya ay lumingon.
"Uy, Rose!"
Nang makarating ako sa kaniya, pagod na pagod ako. Pinatigil niya ako at sinabihang magpahinga muna bago ko raw sabihin ang dapat kong sabihin. Niyaya niya akong pumasok sa classroom. Sumunod naman ako dahil kita ko naman ang pagiging concerned niya. Binigyan niya ako ng isang bote ng tubig at nginitian niya ako.
"Thank you pala," sabi ko sa kaniya.
"Bakit ka bumalik? May naiwan ka ba?" tanong niya sa akin.
"Hahaha, oo. May nakita ka bang notebook?"
"Ay, 'yun. Wait lang, oo yata e," sagot niya.
Agad niyang hinanap 'yung notebook ko at nakita niya sa upuan sa pinakalikod ng classroom. Inabot niya sa akin at walang oras na hindi niya ako nginitian.
Umupo siya sa tabi ko at tinanong, "Ano ba laman niyan?"
Ngumiti ako habang nakatingin sa notebook ko at sinagot ko, "Bigay kasi 'to sa akin noon kaya napakahalaga nito sa akin. Sabi niya, ilagay ko raw lahat ng mga mangyayari sa akin araw-araw. Lagi niya kasi ako kinukumusta kasi walang time para makapag-usap kami nang matagal. Kaya ayun, binigay niya 'to noong... noong naging kami na."
"Napaka-valuable pala niyan e. Next time, huwag mo nang iwan. Mahirap na kapag nawala sa 'yo saka mo lang hahanapin, saka mo lang malalaman 'yung halaga."
Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. Inalay ang kaniyang kamay para makatayo na rin ako at sinabing, "Tara?"
Niyaya niya na akong bumaba at nag-insist na ihatid na lang ako sa bahay namin. Syempre, shy type ako at kakikilala pa lang namin, tinanggihan ko agad. Sinamahan na lang nila akong bumaba. Total, bababa na rin sila ng kaibigan niya.
Nang makarating na kami sa baba, nakita ko na sina Cecil at Kenneth. Tumakbo naman si Cecil papunta sa amin at iniwan si Kenneth.
"Ay, umuusad na love life natin, Rose, ha," asar sa akin ni Cecil.
"Tinulungan kasi ako ni Ryan. Don't jump into conclusions too fast," sabi ko.
Inakbayan ako bigla ni Ryan at bumulong kay Cecil, "Kami na." Tumawa siya bigla nang alisin ko ang pagkaakbay niya sa akin.
"Weh?! Ang bilis naman!" sabi ni Cecil.
"Joke lang. Pakita kayo sa game namin bukas, ha? Aasa ako sa cheer niyo."
"Oo naman, 'di ba? 'Di ba, Lia Rose?"
"Oo naman. Manonood kami," sabi ko.
Tumakbo rin si Kenneth papunta sa amin at nagyayang umalis. Atat e.
Nag-insist ulit si Ryan na ihatid ako pero for the second time, tinanggihan ko ulit. Sabi naman nina Cecil at Kenneth, may pupuntahan kami para lang hindi na ako kulitin. Life savers, hahaha!
Paalis na kami ngunit nagsalita ulit si Ryan, "Umm, Rose, before you go," lumingon ako at tinuloy niya, "After ng game, let's date." Nginitian niya ako ulit at naramdaman ko ang pagpula ng aking mga pisngi dahil sa kilig. Tumungo naman ako at tuluyan na kaming umalis.

BINABASA MO ANG
Ryan & His Rose
Romanceang kulay ng aking pisngi nang makasalubong ang mga labi ang kulay ng aking pagmamahal nang ang pagtingin ay magtagal ang kulay ng iyong mga mata nang hindi na tayo magkita ang kulay ng iyong pagkawala nang ang rosas ay malanta