Chapter 1

267 9 1
                                    

I know it's been a while since our eyes last met
Too many words were left unsaid

"Rose! Ano na?!" sigaw ni Cecil habang wala akong pakialam sa mundo.

I am currently in my own world. People say that music is an escape from reality. But for me, it does not seem like that. For me, one song can be your whole life and its lyrics can be the pieces of your story. Every song I listen to speaks to me. One reason why I cannot escape my reality. Ironically, I wish that music helps me to relieve the pain but instead, it worsens it.

"Rose, hoy!" sigaw na naman ni Cecil hanggang sa tinanggal niya ang earphones ko.

"What?" sagot ko.

Itinuro niya ang school ground namin at dahil wala akong pakialam, sinuot ko ulit earphones ko. Umalis si Cecil at sa tingin ko, matatahimik na ako. Tutugtog na sana ang kanta ngunit inistorbo niya na naman ako dala ang banner na ginawa niya para sa pinaka-heartthrob ng school (ayon sa kaniya).

"Suportahan mo naman ako! Lalaro na si bebelabs ko e!" excited siya, sobra. 'Di naman siya kilala ng lalaking 'yun. "Alam ko iniisip mo, ha. Kilala niya ako! Siya nga nanghingi ng banner e."

"Seriously? Ginawa mo naman?" tanong ko habang nakairap sa kaniya. Napa-facepalm ako roon. Partida, hindi niya pa raw mahal 'yan pero sinusunod niya na mga hiling ng bebelabs niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako pababa. Pagkatapos ng laro, siguradong laro ko naman ang isusunod. Hindi ako athlete, nalaro lang ako ng Scrabble. Iyon lang kaya ko e. Ang maipagmamalaki ko lang ay natatalo ko ang seniors pagdating sa laro na 'yon. Other than that? Wala na, hahaha!

"GO, LORENZO! I LOVE YOU, BEBELABS KO!" talon nang talon si Cecil. Masaya naman siya sa kaniyang ginagawa pero ako ang napapahiya sa pinaggagawa niya. "Rose, sige na! Cheer ka rin!"

"Hindi ko nga kilala si Lorenzo," sagot ko sa kaniya. Naisip ko namang puwede masira 'yung dignidad ko rito pero ito na lang din magagawa ko para sa best friend ko. "Okay, fine, I'll do it," nginitian niya ako sa wakas.

Pilit na pilit akong mag-cheer kaya minadali ko na lang din 'yung naisip kong cheer. "E-N-Z-O, LORENZO! NUMBER 1! E-N-Z-O, LORENZO! YOU'RE THE MAN!"

"Uy, si ate Rose ba 'yon? Ang cute, hahaha!"

"Oo nga, 'no? Ano niya kaya si Ryan?"

Lahat sila nagtinginan sa akin. Sira na talaga dignidad ko. I have already built a good sound when people hear my name, but now? I don't even know.

Tuwang-tuwa naman si Cecil sa cheer na ginawa ko kaya napayakap siya sa akin. "Mas fan ka pa yata kaysa sa akin e!" sabi niya sa akin habang tumatawa siya. Ako naman, napa-blank face lang hanggang sa napangiti na lang ako.

Nag-time out ang players at mukhang mananalo ang team naming Red Warriors. Sino ba kasi 'tong Lorenzo? Self-proclaimed heartthrob ng school? All-time MVP sa basketball? Boyfriend ni Cecil? Bakit 'di ko siya kilala?

Lumapit si Lorenzo kay Cecil at pinasalamatan siya. Kilig na kilig naman si Cecil. Tiningnan ako bigla ni Lorenzo at umiwas naman ako ng tingin.

Nilapitan niya ako at tinanong, "Ikaw na ba ang bagong favorite cheerleader ko?"

Napaatras ako at tumingala sa kaniya. Ang tangkad niya masyado para sa tulad kong 5 feet lang.

Ryan & His RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon