Napangiti ako habang nakatingin sa cellphone ko at tumayo na. "Tara na ma. Ready ka na?" Tanong ko kay mama.Nagpapasama kasi siya mag-grocery sakin, since si papa ay nagt-trabaho pa kaya naman kami muna ang magkasama ngayon sa bahay. Si kuya naman ay may pinuntahan lang o baka naglalaro na naman ng basketball.
"Oh sige, halika na."
Sabay kaming lumabas ni mama at sumakay ng taxi. Nagbayad kami pagkarating namin at sabay na pumasok ng mall.
Dumeritso kami sa grocery store at binili ang mga dapat bilhin. Stocks at iba pang kagamitan. Inabot rin kami ng dalawang oras dahil medyo mataas ang pila.
Umakyat rin kami sa 2nd floor at nagshopping ni mama na matagal narun naming hindi nagawa.
"Ito bagay ba?" Tanong ni mama at hinarap sa katawan niya ang dress. Nagthumbs up ako sakanya na ikinatuwa niya.
Nahagip ng mata ko ang isang pink na dress. Simple lang yun at alam ko na agad na kakasya yun kaya binili ko na.
Umuwi rin kami ni mama at pagka-uwi ay inayos ko muna sa lalagyan lahat at saka ko binuksan ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Ligaw sa Chat [COMPLETED]
Short StoryEpistolary #2 Mahal ko siya noon pa, sabi niya ngayon mahal niya rin ako. Mukhang nahihiya siya kaya sa chat nalang siya manliligaw?