Nagsimula ang sabi sabi dito sa lugar namin noong panahon pa ng mga ninuno namin. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti itong nakalimutan ng mga tao, ngunit ngayon ay sumikat ulit ito lalo na sa mga kabataan na katulad ko.
Base sa mga matatanda, si Kupido, ang diyos ng pag-ibig ay tumatanggap ng mga sulat galing sa mga babaeng gustong mapansin ng mga natitipuhan nila. Siya ang gumagawa ng paraan para mapalapit ang dalawang kaluluwa at gawin itong magkasama kahit sa kabilang buhay. Base sa alamat lahat ng tamaan ng pana nito ay agad na mahuhulog sa taong una niyang makikita. Ngunit may isa pang alamat kung saan susulat ka sakanya at siya na ang bahala sayo. Basta't wala kang masamang intensyon at may kabutihan ka sa puso mo.
May mga matatanda na nagpapasalamat sakanya dahil hanggang ngayon ay masaya parin silang kasama ang mga kabiyak nila. Na para bang may tali between sakanila na hindi pwedeng putulin.
Kung gusto mo daw mahulog ang isang tao sayo ay gumawa ka ng isang liham para kay kupido tungkol sa taong ito. Kailangan mong sunugin ang sulat ng madaling araw at itapon ito sa dagat, ilog o kahit anong anyong tubig sa araw na din na yun. Sa loob ng limang araw ay araw kung kailan ang taong binanggit mo sa iyong liham ay mahuhulog ang loob sayo.
Ang epekto ng sulat ay sinasabing nawawala oras na mawala na din ang nararamdaman mo para sa taong iyon.
Isang beses ka lang din pwede magliham kay kupido at iisang tao lang ang pwede mong paggamitan nito sa buong buhay mo.
Susulat ka rin ba kay kupido?
BINABASA MO ANG
Liham Para Kay Kupido
RomanceIsang beses ka lang pwede magliham kay kupido at iisang tao lang ang pwede mong paggamitan nito sa buong buhay mo. Susulat ka rin ba kay kupido?