"Salamat ah? Huwag kang mag-alala. Aalis din kaagad ako dito. Bukas na bukas siguro."
"Ano bang pinagsasabi mo Clementine? Kakadala ko lang dito sayo tapos iiwan mo kaagad ako?" Masungit na aniya ni Charity. Isa sa mga kaibigan ko.
Nag-iisang kaibigan ko.
"Nakakahiya naman kasi. Alam ko naman kailangan mo rin alagaan itong mga maliliit mong kapatid, dadagdag pa ako. Sakto lang ang bahay niyo para sainyo, nakakahiya kay tita na nadito pa ako." Nakatungo kong sabi at pinagmamasdan ang mug na hawak ko.
"Ayos lang! Ano ka ba! Tuwang tuwa nga lagi si mama kapag nandito ka! Buti raw kasi hindi ka madaldal katulad ko! Sama talaga nun'."
Napatawa naman ako ng mahina.
Haha.
"Salamat sainyo ah? Hindi ako magpapabigat dito, pangako. Sandali lang din ako, kaya ko naman makadiskarte agad." Pinilit kong ngumiti at buti nalang ay nakayanan ko.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Akala ko kung sino kumakatok kanina! Madaling araw na madaling araw tapos andyan ka pala!"
Tinabihan niya naman ako sa sofa nila habang may hawak din na mug na may chocolate.
"Nag-away kasi kami ni mama. Ayun, pinalayas ako."
"Ano? Eh yang mga pasa mo? Huwag mong sabihin binugbog ka niya tapos pinalayas ka pa! Aba't--"
"Nasangkot lang ako sa maliit na gulo." Tipid kong sagot.
"Gulo? Hindi ba't wala na dapat na gulo! Nakipag-sapakan ka nanaman ganon? Tas' expect mong hindi magagalit mama mo sayo? Ay nako ka--"
"Alam mo naman na ayaw ko na rin sa gulo. Eh dinalaw nanaman ako ng kamalasan ko. Sinubukan kong humanap ng iba't ibang raket, buti nalang kahit papaano may mga nahablot ako." Humigop muna ako sa masarap at mainit kong chocolate.
"Alam mo naman na lagi akong humahanap ng mga sidelines kaya gabi na ako nakakauwi. Minalas lang ako kasi nasa lugar pala yang sina Presley." Paliwanag ko dito.
"Ano?! Yung bagong girlfriend nung... kapitan mo? Si Linus! Aso ata yun kung maka-sense ng amoy mo eh! Kung maka-tahol din dinaig pa bulldog. Grabe din kung makapang-laway kay Linus." Mataray naman nitong sabat.
Huminga naman ako ng malalim.
"Kaya ayun nga."
"Bakit naman hindi ka lumaban sa mga yon?" Tinignan ko siya at nakita ko ang kunot niyang noo at halatang nalilito.
Umiwas ako ng tingin at tumingin nalang ng diretso.
"Hinihintay kasi ako ni mama'. Ayaw na niya akong mapa-away pa."
"Ano na balak mo?" Nabigla naman ako sa tanong niyang ito.
"Aayusin ko syempre."
"Paano?"
"Basta."
"Lah!"
"May pasok pa tayo. Ni isang pikit wala pa akong naipapahinga dahil sa sakit." Pinikit ko ang mga mata ko at sinandal ako ulo ko sa may top ng sofa.
"Ah! Doon ka sa kwarto ko! Kasama mo ko! Yieee! Roomies!" Sabay hawak sa kamay ko at kinaladkad ako sa kwarto niya.
Pagkarating namin doon ay naupo agad ako sa kama niya. Medyo maliit lang naman ang kwarto niya. Mga kasing laki din ng akin. Puno ng posters ng kung ano anong banda.
Hindi ko talaga maintindihan ang kabaliwan niya sa mga taong ito. Siguro isang araw baka mahiligan ko rin 'tong mga koreano at koreana. Sa ngayon, hindi ko talaga gets.
BINABASA MO ANG
Liham Para Kay Kupido
RomanceIsang beses ka lang pwede magliham kay kupido at iisang tao lang ang pwede mong paggamitan nito sa buong buhay mo. Susulat ka rin ba kay kupido?