"Bakit ngayon ka lang?"
"Ma-"
"Alam mo namang kailangan ka dito sa bahay! Hindi pa ba sapat na nakaka-lakwatsa ka?!" Todo sigaw nito na siguradong rinig hanggang sa kapitbahay.
"Eh mama, alam mo namang kapos tayo--"
"Tumigil ka nga! Alam mo na namang bwiset na bwiset na ko sa lahat ng utang natin 'tas dadagdagan mo pa?" Sarkastiko siyang napatawa.
"Pambihira ka talaga." Dismayado nitong iling.
"Sa sunod pwede ba? Mukha ka na ngang basura tapos uuwi ka rin ng mukhang basura? Mahiya ka naman sa pamamahay ko!" Mahina niyang tinulak ang braso ko.
Bigla ko naman naramdaman ang manhid ng mga pasa ko dito.
Masakit na.
"Ano nalang kasi sasabihin ng mga kapitbahay tungkol sakin? Na pinapa bayaan ko yung anak ko? Pipintasan nila ng pipintasan ako! Problema kasi sarili mo lang ang iniisip mo!" Naguumapaw ang inis niya sa katawan at halatang sasabog na ito.
Ansakit sakit na.
"Hindi ka talaga natututo eh no? Lagi nalang! Diba ang sabi ko hindi ka na makikipagaway? Pero ano? Dadating ka dito basag yang mukha mo? Eh kung basagin ko yan lalo? Kung puro pagbabasag ulo nalang ang inaatupag mo edi' sana hindi na lang kita pinag-aral!"
"Sinusubukan ko naman makatulong." Mahinang sagot ko.
"Pwes' ngayon palang sasabihin ko na. Walang kwenta yang naitutulong mo."
Kanina ay ramdam ko ang pagtingin niya sakin. Nakababa ang tingin, na akala mo hindi niya ako sariling anak. Ngayon, wala na akong nakukuhang pakiramdam sakanya kung hindi pandidiri at galit. Galit na patuloy na namumuo.
Ano bang ginawa ko?
"Matigas talaga ulo mo diba?"
Bakit sobrang tindi ng galit niya?
"Ayaw mong makinig sa akin."
Saan ba ako nagkamali ng sobra?
"Mamaya kasi ako pa ang lumabas na masama sa ating dalawa. Eh malinaw naman na wala ka talagang pinapakinggan!"
O sadyang ayaw niya lang sa katotohanang nabuhay pa ako?
"Lumayas ka sa bahay ko."
Hindi ko maintindihan.
"Lumayas ka!"
Wala na akong maintindihan.
"Wala akong anak na katulad mo."
------------------------------------------------------------
"Oh? Ayan na pala ang prinsesa."
"Prinsesa ng mga basura! Hahaha!"
Nagpatuloy akong maglakad.
"Saan ka naman pupunta? Uuwi ka na ba sa pinaka-mamahal mong ina? Na hindi ka naman mahal kahit kelan?" Sabay tawa nito na nakakabingi.
"Ikaw saan ka pupunta? Stalker talaga kita 'no? Yak."
Nanatili akong naglalakad habang nakatingin lang ng diretso sa masikip na kalye na ito.
"Ugh. Kahit kelan ang corny mo! Akala mo naman nakakatawa mga banat mo!"
"Bakit hindi mo subukan sabihin yan sa sarili mo?"
Natahimik naman sila pareho sa sinabi ko. Maya maya pa ay--
"Aray!" Sigaw ko.
Bigla nalang niya hinablot ang buhok ko sa likod at pinaghihila iyon na akala mo customizable doll ako.
BINABASA MO ANG
Liham Para Kay Kupido
RomanceIsang beses ka lang pwede magliham kay kupido at iisang tao lang ang pwede mong paggamitan nito sa buong buhay mo. Susulat ka rin ba kay kupido?