Chapter 13

7.5K 141 7
                                    

Chapter 13

"DAD---"

Kasabay ng malakas na pagsampal sa kanya ng kanyang Ama ang pagpatak ng kanyang luha. Sapo-sapo ang kanang pisngi na lumingon sya sa Ama niyang galit na galit na nakatingin sa kanya.

"Hindi nyo na ginalang ang pamamahay ko! Kailan pa Red?! Kailan pa may nangyayari sa inyo ng tarantadong yon?!"

Sinamaan nya ng tingin ang kanyang Ama. "May pangalan ang tarantadong sinasabi nyo dad. He.is.Calyx." Madiin na sabi nya sa Ama nya.

Binigyan sya ng masamang tingin ng kanyang Ama.

"So you're talking back? Huh! Yan ba ang tinuturo sayo ng lalaking yon huh?! Ang maging bastos?!" Hinagis nito ang hawak nitong sigarilyo at saka tinapakan iyon.

Nanginginig man sya sa takot ay kailangan nyang sagutin ang ama. Hindi sya makakapayag na masama ang tingin ng mga ito sa lalaking mahal nya. Mabait at magalang ang kanyang nobyo.. Yun nga lang sa mga mabait at magalang lang din.

Tao lang din si Calyx. Marunong masaktan. Marunong magalit.

"No dad! You don't know him dad so don't dare to insult him! He is not like that! He is a good man! And i love him." Matigas na sabi nya sa dad nya.

Lalo namang nagalit ang ekspresyon ng dad nya.

"You love him? Huh. Sinasabi ko sayo Red. Tigilan mo na yan dahil masasayang lang ang pagmamahal na sinasabi mo! Nakatakda ka ng ikasal! Tanggapin mo na anak iyon! At yang pagmamahal na iyan ay mawawala din paglipas ng panahon. Anak, bata ka pa, mawawala din yang nararamdaman mo na 'yan." Sabi ng Ama niya na para bang nakakaramdam lang siya ng sakit ng ulo.

Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa dad nya. Panong nasabi ng daddy nya ang mga yon? Hindi man lang ba pumasok sa isip ng daddy nya ang Mommy nya? Sa pagkakaalam kasi nya mga bata pa lang ay inlove na inlove na ang parents nya sa isa't-isa.

"What are you talking about dad? Hindi ba kayo din ni mom ay na inlove sa isa't-isa noong kabataan nyo? Sinasabi nyo bang nawala na din ang pagmamahal nyo kay mommy kaya nasasabi nyo yang mga salitang yan?"

"Ano?! Mahal ko ang Mommy mo. Mahal na Mahal. Pinagdududahan mo ba ako?!" Galit na tanong nito sa kanya.

"Paanong hindi ako magdududa dad? Sa 'yo na galing yan dad!" Hindi na nya napigilan isumbat sa magaling nyang ama iyon.

"Aba't!" Akmang sasampalin sya nito ng magsalita sya.

"Sige dad! Sampalin nyo ako! Tanggap ko pa ang masampal ng ilang beses kaysa sa magpakasal sa taong hindi ko naman lubusang kilala!" Sigaw niya sa ama.

Wala na syang pakielam kung magmukha syang walang galang na anak. Para san pa? Hinusgahan na sya ng Daddy nya.

Kinuyom ng daddy nya ang kamao nito at saka tumalikod sa kanya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka kay Lucas. And that's final." Seryosong sabi ng dad nya.

Bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Para iyong tubig sa gripo na tuloy tuloy na dumaloy pababa sa pisngi niya. Habang ang Dad nya ay parang walang pakielam na nakatalikod sa kanya. So, is that it?

Pagak syang napatawa. Pinunasan nya ang basang pisngi saka matigas na tumingin sa dad niyang nakatalikod parin sa kanya.

No. She will not! Hindi sya magpapakasal kay Lucas!

"No. This is my life daddy. No one will rule it but me." She said using her cold voice.

Agad syang lumabas sa opisina ng daddy nya pagkatapos niyang sabihin yon. Para syang sinasakal sa loob ng opisina ng dad nya. Feeling nya anytime mahihimatay sya sa loob, sa sama ng loob na nadarama.

WHWHG Series #1 - MY HOT TEACHER TURNS TO MY PERVERT HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon