Chapter 22

7.5K 148 6
                                    

Chapter 22

AFTER ng away at pagtatalo ay nauwi din sila sa kasalan. Ngayon ay halos mamatay siya sa kabang nararamdaman. Halos mangatog nadin ang mga tuhod at kamay niya kaya naman ay huminga siya ng malalim para mawala ang kaba kahit papaano.

Naramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay lumingon siya doon at napangiti.

"Relax My dear." ani ng Dad niya.

"Kinakabahan ako Dad. Sobrang kinakabahan." Natawa ito pati nadin ang Mom sa sinabi niya.

"Ganyan talaga kapag kinakasal, Sweetheart. Ganyan din ang naramdaman ko noong ako'y kinakasal sa Daddy mo." Hinawakan nito ang Veil sa ulo niya at inayos.

Napanguso lamang siya dahil kinakabahan talaga siya. Lalo siyang napanguso ng pagtawanan ng magulang niya ang itsura niya.

"Mom! Dad!" saway niya sa mga ito.

"Naku daddy, nakanguso ang maganda nating Anak." natatawa nitong sabi saka mahinang pinalo ang Dad niya para patigilin sa pagtawa dahil lalong humahaba ang pagkanguso niya.

Tumigil naman ito pero nandoon padin ang ngiti nito sa labi. Hinila siya nito paloob sa mga bisig nito para yakapin, nagpahila naman siya kaya unti-unting nawala ang pagkakatulis ng nguso niya.

"Ayan. Hindi na nakanguso."

"Dad naman eh!" natawa ito ng mahina saka hinalikan siya sa tuktok ng ulo niya kaya napangiti siya.

"You're really now a big girl, my baby Red. Ikakasal na ang baby namin at malapit ng maging Mommy. Mukhang malulungkot si Daddy Rex nito dahil wala ng Baby'ng mag-iingay sa bahay." Nalulungkot nito sabi.

Napatingin siya dito at parang nagbara ang lalamunan niya ng makitang nangingilid ang luha nito. Napahawak siya sa mga pisngi nito at tinitigan ito sa mata. Sa matang magaganda na kanyang nakuha mula dito.

"Daddy, siguro nga malaki nako. Ikakasal at magkakaanak. Pero ako padin naman ito Dad, I'm always your baby padin, pati ni Mommy. Kahit na mahiwalay ako sa inyo ng bahay ay babalik at babalik padin ako sa inyo ni Mommy dahil kayo ang Mahal na Mahal kong tao sa buhay ko. Kayo, Si calyx at pati nadin si baby. Kaya don't be sad Daddy. I love you and Mommy. Always." hinalikan niya ang pisngi nito. Ngumiti ito sa kanya saka siya muling niyakap.

"We love you too baby. Nalulungkot lang ako kasi hindi na sa amin ang atensyon mo pero dahil alam kong sasaya ka sa piling ng Montero'ng iyon ay  hahayaan ko na. Humanda lang siya sakin kapag sinaktan ka niya. Kaya ikaw , sabihin mo agad sakin kapag sinaktan ka niya. Ako mismo puputol sa hininga niya." Bigay na bilin ni Dad na may halong pagbabanta para sa lalaking pakakasalan niya.

Hay naku. Nagkaroon siya ng Amang istrikto pero mahal na mahal siya. Kaya napapailing nalang sya sa isip.

Lumingon siya sa Mommy niya na nakangiting nakatingin sa kanila. Nag-mouth siya ng 'I love you' dito.

'I love you too, My Dear' natawa siya ng gayahin siya nito. Lumapit ito sa kanila at yumakap din.

Nagyakapan sila saka nagkatawanan dahil sa kadramahan ng Daddy niya.

Naagaw lang ang atensyon nila ng sabihin na sila na ang sunod na mag-mamartsa. Kaya biglang bumalik ang kabang nararamdaman niya.

Huminga muna siya ng malalim saka nagsimula inihakbang ang mga paa sa pulang carpet na sapin sa daanan patungo sa altar.

Sa kanyang paghakbang ay siyang pagtutog ng musika sa kasal na iyon. Napangiti siya ng mabosesan ang kumakanta. Talagang sinunod ni Calyx ang gusto niya sa isang kasal. Simula sa Motif ng kasal, sa suot ng mga bisita, sa mga songs na patutugtugin sa kasal at sa mismong damit nila ni Calyx na parang isa ka talagang Hari at Reyna.

WHWHG Series #1 - MY HOT TEACHER TURNS TO MY PERVERT HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon