Chapter 15

8K 173 2
                                    

Chapter 15

NAGISING si Red na parang hinahalukay ang tiyan niya, Agad siyang tumakbo sa CR ng maramdamang para siyang masusuka. Nagpunta sya sa sink at dumukwang para sumuka pero tubig lang ang lumabas sa bibig niya. Nangangasim ang sikmura niya. Damn it.

Nagmumugmog na sya ng bibig at naghilamos ng mukha.

Napaisip sya. Napapansin niya parang lagi na lang syang nakakaramdam ng kung anu-ano. Madalas siyang mahilo, mabilis na siya laging maiinis, pansin niya din masyado na siyang maramdamin, Madalas din siyang nakakaramdamn ng Antok kahit na kakagising lang niya, ngayon naman nasusuka siya.

Hindi kaya...

Nanlaki ang mga mata niya sa pumasok sa isip niya.

Am i pregnant?

"Omygod." Sabi niya.

Natutop niya ang bibig.

Napakalaking porsyento na buntis siya! Maraming beses na may nangyari sa kanila ni Calyx. Sa paglakaalam din niya ay hindi gumagamit ng proteksyon ang lalaki at lalo namang hindi sya gumagamit ng kung ano o umiinom ng kung ano para sa proteksyon kaya hindi na kataka-taka na magbunga ang pagmamahalan nila ni Calyx...

Pero..

Hindi. Siguro naman nagkakamali lang sya ng hinala. No. Hindi pa sya pwedeng mabuntis! Masyado pa syang bata at napakarami pa niyang problema.

Tinignan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Bumungad sa kanya ang naguguluhang mukha ng isang babae. Punong-puno ng iba't-ibang emosyon ang mga mata nito.

Kaba. Takot. Naguguluhan. Pagkaduwag.

At saya.

Hindi niya parin maalis sa sarili ang hindi makaramdam ng saya. After all, this is the product of her and Calyx's Love. Bunga to ng pagmamahalan nila ni Calyx.

Hinawakan niya ang tiyan kahit na impis pa lang ito.

"Baby.. Kung andyan ka nga. I just want to say to you that i'm not regretting this. But, i'm afraid. I'm scared baby..I'm not ready... So please, don't misunderstood what mommy said okay?"

Ngumiti siya sa sariling repleksyon sa salamin.

Pero nawala ang ngiti niya ng pumasok sa isipan niya si Calyx. Kaba at takot ang naramdaman niya ng maisip na baka hindi sya panagutan ni Calyx. Paano kung hindi siya nito panagutan? Paano kung bigla siyang iwan nito? Paano kung hindi tanggapin ang anak nila?

Matatanggap kaya nito iyon? Handa ba si Calyx na maging Ama na? Paano kung sabihin niyang buntis siya ay iwan sya nito? Pero hindi eh. Hindi. Alam niyang hindi yon mangyayari. Mahal sya ni Calyx. Mahal na mahal.

Mariin niyang pinikit ang mga mata at tinampal ang pisngi para patigilin ang sarili sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Hindi maganda sa kanyang kalusugan ang mai-stress.

"How are you?"

Gulat na napadilat ng mga mata si Red. Bumungad sa kanya ang kulay karagatan na mga mata. Nakapamulsa itong nakasandal sa gilid ng pinto habang mariing nakikipagtitigan sa kanya.

Inalis niya ang tingin sa mga mata nito at tumingin na lang sa sarili sa salamin pero abot parin ng mga mata niya na nakamasid parin to sa kanya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng makaramdaman ng ilang at nerbiyos. Ilang dahil sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya at nerbiyos naman dahil sa impormasyon na kanyang nalaman at nagtatalo talo ang kalooban niya kung sasabihin ba niya kay Calyx o hindi ang sitwasyon niya.

Sasabihin ba niya kay Calyx? Pero hindi pa naman sure kung buntis nga sya eh. Baka false alarm lang to.

Napatingin siya dito ng tumikhim ito. Seryoso na itong nakatingin sa kanya. Diretso sa kanyang mga mata.

WHWHG Series #1 - MY HOT TEACHER TURNS TO MY PERVERT HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon