Kleo's POV
Tahimik akong naglalakad patungo sa bus stop. Nakasuot ako ng itim na bestida at may dala dalang bulaklak.
Papunta ako ngayon sa isang kaibigan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa mga taong iniingatan niya, at para sa kanyang mga kaibigan na inilayo niya sa piligro. Nawa'y mabigyan namin siya ng hustisya sa kanyang pagkamatay.
Nang makasakay ako sa bus ay kinuha ko ang cellphone ko sa'kin sling bag, upang itext si Peter at alamin kung nasa'n na siya. Napagkasunduan kasi namin na sabay kaming pupunta kila Moon.
To: Peter (09282828282)
Today
Bal, nakasakay na ko ng bus.
Ikaw sa'n ka na?
8:47amOy? Magreply ka naman
8:55amSorry bal, may biglaan akong
kailangan gawin eh. Susunod na
lang ako ha. Basta pupunta ko.
9:02amAish! Basta sumunod ka ha.
Hihintayin kita do'n
9:03amYep yep! Ingat :)
9:06am
Pagkababa ko sa bus ay mayroon pa akong konting lalakarin papunta sa bahay nila Moon, base sa ibinigay na direksyon ni Julie. Akin kasi siyang ichinat sa messenger at nagpakilala na kaibigan ng yumao.
Sa aking paglalakad ay may napansin akong lalaki na sumusunod sa'kin. Nakaitim ito na jacket at itim na sombrero. Sinusundan niya nga ba ako o doon din lang ang punta niya kila Moon?
Sinubukan kong lumingon upang tignan ang kanyang itsura, ngunit hindi ko ito gaanong makita dahil nga sa kanyang suot na sombrero at dahil nakayuko din ito. Akin lamang napansin na parang may something sa kanyang mukha, ewan ko kung malaking balat ba 'yon.
Napukaw ang aking tingin sa nagkukumpulan na mga tao. Dito na siguro ang lamay, napakaaga pa pero ang dami na agad nagsusugal tsk. Nagtuloy tuloy na lamang ako sa loob.
Ang daming tao. Hindi ko alam kung nandito na din ba ang iba namin kasamahan sa squad. Si Peter lang naman ang kilala ko sa totoong buhay eh, the rest 'di ko na alam pagmumukha nila.
Nilapitan ko ang kabaong ni Moon, o mas kilala bilang Angelo. Hindi ko napigilan ang luha ko at sunod sunod itong dumaloy sa'kin pisngi. Sa isip ko'y hindi siya dapat nakahiga ngayon dyan, sana ay ini-enjoy pa nito ang kanyang buhay ngayon sa edad na bente tres. May itsura pa naman siya, siguro ay napakarami pa nitong pangarap at ambisyon, na ngayon ay imposible na niyang makamit pa.
Nakakalungkot lang isipin na isa ako sa naging dahilan ng kanyang desisyon. Isa ako sa may kasalanan kung bakit nakahiga ngayon si Moon sa kabaong na 'yan. Patawarin mo sana ako Moon. Sorry Angelo kung isa ako sa hindi naniwala sayo. Pangako hahanapin namin ang gumawa niyan sayo.
Agad ko naman pinunasan ang mga luha ko nang may lumapit na mag-anak sa kabaong. Sa isip isip ko, medyo OA ko na pala. Tinalo ko pa sa pagiyak ang ibang kamag anak ni Moon.
Naghanap ako ng aking mauupuan at naupo dito. Napansin ko ang isang babae na nagaasikaso sa mga bisita, magang maga ang kanyang mga mata marahil ay sa sobrang pagiyak. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Julie ang nobya ni Moon. Gusto ko sana siyang lapitan para kumustahin at icomfort ngunit mamaya na siguro dahil napakabusy pa nito.
Kinalikot ko muna ang aking cellphone at tinadtad ng texts si Peter dahil ayaw na naman nitong magreply. Maya maya ay naagaw ng isang babae ang aking pansin dahil sa damit nitong may malaking print na star, at para bang sinulatan nito ng "I'M" ang ibabaw ng drawing na star sa kanyang damit. Kung babasahin mo ito ay I'm Star.
Agad sumagi sa isip ko si Star, ang kasamahan namin sa squad. Siya kaya ang babaeng ito? Maaaring sinadya niya ang damit niyang 'yan para magbigay clue sa'min.
Umisip ako ng paraan kung paano ko siya malalapitan. Inobserbahan ko ang paligid. Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay agad ko itong tinanong at kinausap.
"Star?" mahinang tanong ko dito.
"H-heaven?" alinlangan nitong tugon.
Nagkaro'n bigla ng sigla sa puso ko. Parang 'yong feeling na nakita mo ang long lost sister mo hehe. Agad ko siyang hinablot sa braso at dinala sa likod kung saan ay walang ibang tao. Sinigurado namin na walang nagmamanman sa'min.
"B-buti at nakilala mo ko?" aniya.
"Dahil dyan sa damit mo hehe. Kanina ka pa ba dito?"
"Oo. Naghihintay lang ako ng makakapansin sa pakulo kong 'to" sabay turo sa kanyang damit.
May konting chitchat pa kami ni Star at siyang nag exchange ng numbers, bago kami tuluyan maghiwalay. Kinakailangan na din daw niya kasing umuwi dahil sa wala pa itong tulog. Dumiretso lang kasi siya dito galing trabaho. Buti na lamang at nakita ko siya bago ito tuluyan umalis.
Pagkabalik ko sa loob ay nakita kong mag-isa na si Julie, umiiyak na naman ito. Nahihiya ko siyang nilapitan at sinubukan icomfort.
Nabanggit nito na may kasalanan din daw siya. Kung doon sana siya natulog sa kanilang apartment ng araw na 'yon, hindi siguro mangyayari iyon kay Moon. Inaway niya kasi ang kanyang nobyo dahil sinisisi niya 'to na may kasalanan ng pagkamatay ng aso nilang si Kino.
At paulit ulit din niyang sinasabi na nakakasiguro daw siya na hindi nagpakamatay si Moon, kundi pinatay ito ng kung sino. Ngunit base sa naimbistigahan ng mga pulisya ay malinaw daw na nagpakamatay ito, at walang ibang nakita na ebidensya para masabing minurder ang kanyang nobyo.
Sa'kin paghihintay kay Peter, may napansin na naman akong isang lalaki. Tahimik itong lumapit sa kabaong. Nakatalikod ito pero parang feeling ko ang gwapo niya huehue. May kaputian ito at medyo matangkad. Gusto kong silipin ang itsura niya dahil nako-curious ako, pero mukha naman akong ewan kung lalapitan ko 'to para lang tignan kung pogi siya o hindi.
Hinintay ko na lamang ito na humarap, ngunit nang papalabas na ito ay sa kabilang side siya dumaan kaya hindi ko pa rin nakita ang kanyang mukha kainis. Pero bago ito tuluyan makalabas nakita ko na may nalaglag galing sa kanya.
Dali dali kong nilapitan kung ano ang kanyang naihulog, para maisauli ko 'to agad kay kuyang pogi. Ngunit isang piraso lang pala ng tissue. Hindi ko na sana dadamputin pero may nakita akong nakasulat dito.
AltereoSquad,
U can reach me at 09123456789
-Sky
BINABASA MO ANG
K2S Online
Mystery / ThrillerAn online game that happens in real life. Tutuloy ka pa ba sa larong ito, kapag nalaman mong ang mga ginagawa ninyong pagpatay sa inyong mission ay nangyayari sa totoong buhay? "They will use you as their avatar" ▶Epistolary ▶HIGHEST RANK ACHIEVED #...