KILL028

156 25 5
                                    

Kleo's POV

"Mama, mag-iingat po kayo palagi ha, 'wag niyo po masyadong pinapagod ang sarili niyo kumain po kayo sa tamang oras at 'yong mga bawal na pagkain sayo iwasan mo 'wag po makulit" sambit ko kay Mama bago umalis ng bahay.

Niyakap ko ito ng pagkahigpit higpit at hinalikan siya sa kanyang pisngi ng may tunog. "Ano ba 'yan anak, para ka naman mawawala ng matagal at makapag paalam ka ng ganyan. Sa'n ka ba pupuntang bata ka?"

Napatawa naman ako sa sinabi ni Mama. Pero hindi ko rin alam bakit nga ba gan'to ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko man isipin na baka ito na ang huling pagkikita namin ni Mama, pero dahil kinakabahan talaga ako sa gagawin namin kaya heto at nagdadrama ako.

"May kikitain lang kaming kaibigan ni Peter, Ma" sabay muling tumawa.

"Osiya sige na. Basta mag-iingat din kayong dalawa ha" aniya, at siyang hinatid ako sa gate.

Hinagkan ko itong muli ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Ma. I love you!" ano ba 'tong feeling na 'to? Bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko?

Mangiyak ngiyak akong muling napalingon kay Mama at kinawayan ito, bago ako tuluyan lumiko at maglaho sa kanyang paningin.

Napakalungkot ko. Hindi ko alam kung bukal ba talaga sa kalooban ko 'tong gagawin namin. Ito na ang araw na tingin namin ay mangyayari ang krimen. Amin susubukan isalba ang nanganganib na buhay ng isang inosenteng tao.

Pasado alas kwatro y medya na. Ilang oras na lang ang nalalabi bago makipagkita si target sa mga killer. Hindi kami nakakasiguro kung ngayon araw nga ba 'yon magaganap, pero mas lalong hindi kami nakakasiguro kung sa Asian Mall nga ba ang kanilang meet up.

Si Star lamang ang nagbigay ng ideya na ito, sapagkat kahawig daw talaga ng Asian Mall ang Leessang Mall sa K2S. Na siyang sinang-ayunan nila Peter at Sun.

Nang makarating ako dito sa nasabing mall ay akin ng nilibot ito at inalam kung saan at ilan ang mga cafe dito. Well, ito ang utos ni Sky. Hanggang dito ba naman sa real world ay siya pa rin ang nag-aatas sa'min tss.

Nakakainis pa ang lalaking 'to dahil ayaw pang magpakita, wala man lang akong idea kung ano ang kanyang itsura. Ni wala man lang kasing facebook or kahit anong SNS.

Ngunit sa'kin paglilibot, mayroon isang lalaki na pumukaw ng aking pansin. Nakahoodie jacket ito na asul, kasing katawan, taas at kulay nito si Sky no'ng nakita ko siya kila Moon. Kahawig na kahiwg nito ang likod ni Sky. Siya nga ba ang lalaking 'to?

Nagdadalawang isip ko itong nilapitan. Hinawakan ko siya sa balikat at akin itong ihinarap sa'kin. "S-sky?" alinlangan kong tanong dito.

Nagulat ito at napaatras. "Sino ka?" aniya sabay tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Anong sky ang sinasabi mo dyan? Tao naman ako gaga!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sabay nahiya. "S-sorry he-he" pilit ko itong nginitian at agad na tumalikod at naglakad paalis. Paglingon ko ay may kasama na itong lalaki na maskulado at tinuturo ako dito na tila ba nagsusumbong.

Potek! Ano bang kahihiyan ang ginagawa mo Kleo? Sabi ko sa'kin sarili. Baka mamaya kung anong isipin sa'kin ng baklang 'yon. Imagine inakala kong si Sky 'yon. Nakakatawa lang. Bigla naman akong napa'focus muli nang marinig ang tunog ng aking cellphone.

 K2S OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon