Dahil sa pagmax ko ng brightness nitong cellphone ko ay nakita kong maigi ang collar. Ang collar ni Kino! Sigurado akong kay Kino 'to.
Unti-unti kong naintindihan ang mga litrato. Naka'crop pala ang mga ito at ginawang mosaic sa'kin gallery. Kapag tinitigan ng maigi ay siyang mabubuo ang larawan ni Kino.
Ang pinakamamahal kong aso na nakahandusay sa kalsada na para bang sinagasaan dahilan ng pagkapipi ng kanyang katawan at paglabas ng mga laman loob nito.
Agad akong napatakbo sa banyo at sumuka. Hindi ko nakayanan ang nakita ko. Ang alaga ko, bakit kailangan niyang sapitin 'yon! Sa'kin galit ay pinagsusuntok ko ang pader, sunod sunod na pagsuntok kasabay nito ang sunod sunod na pagbagsak ng aking mga luha. Hanggang sa hindi ko namalayan na dumudugo na pala ang aking kamay.
Naalala ko ang K2S, nagpunta kaagad ako sa harapan ng computer at akin itong binuksan. Inopen ko ang putanginang larong 'to at nagonline.
Moon: Hayop ka! Tarantado ka kung sino ka man na gumawa no'n kay Kino!!
Moon: Putangina mo!
Moon: Ano masaya ka na ha? Masaya ka sa ginawa mo?
Moon: Lumabas ka! Harapin mo ko! Hindi 'yong aso ang pinupuntirya mo
Moon: Duwag! Gago! Fuck you!
Moon: Papakulong kitang hayop ka!
Moon: Akala mo tatahimik lang kami? Magsusumbong ako sa pulis gago!
Madali akong nagpalit ng damit at siyang nagtungo sa police station. Wala kong pake kung gan'to kaaga akong pupunta sa mga pulis para lamang magsumbong.
-----
"Ang ibig mo bang sabihin sir ay may kinalaman kayo sa pagkamatay ng housekeeper ng Victor Hotel na si Mr. Felipe Santos dahil iyon ang misyon niyo sa online game na sinasabi mo?"
"Opo sir, K2S po ang laro na 'yon" tugon ko sa kanyang katanungan, na kanilang tinawanan lamang.
"At tapos hahaha .. ay sorry .. Sinasabi mo din na may nanonuod sa inyo sa laro na iyon at hindi kayo hinahayaan na umalis ng basta? Pero dahil umalis ka kaya pinatay niya ang aso mo?" sabi nito saka tumawang muli.
Nanggigigil na ang aking kamao at gustong gusto ko ng sapakin ang pulis na nasa harapan ko, dahil ginagawa niya lang biro ang pagkamatay ni Kino. Napakagat na lamang ako sa'kin labi dahil sa labis na pagtitimpi.
"Oh siya sir, amin muna itong susuriin. Nakasaad naman na dito lahat diba? Kokontakin ka na lang namin, kung maniwala si boss hahaha"
Padabog akong lumabas ng police station dahil sa mga walang modong pulis na 'yon. Lalo lang nilang sinira ang araw ko. Mga hinayupak sila!
Dahil sa dinaramdam ko, naisipan ko na magpakalunod sa alak. Dumiretso ako sa 24hrs na painuman. Uminom ako ng uminom hangga't may nailalabas akong pera, hindi ko namalayan na lasing na pala ako dahilan ng aking pagbagsak.
Nang magising ako ay pasado alas otso na. Agad akong tumayo at sumakay ng jeep. Paulit ulit kong tinatawagan si Julie ang aking girlfriend ngunit cannot be reach na naman siya.
Pagkarating ko sa apartment ay nagsimula na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. 'Bakit nakabukas ang pinto?' tanong ko sa'kin sarili.
Dahan dahan akong pumasok sa loob at kumuha ng pwedeng ipampalo.
"Babe? Julie? Nakauwi ka na ba babe?" pagtawag ko sa'kin nobya ngunit walang sumasagot at parang wala din ibang tao dito.
Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong patak ng dugo sa sahig. Isa isa ang patak patungo sa'min kwarto. Kinakabahan kong binuksan ang pinto nito at napaupo ako bigla sa'kin nakita.
Nanginginig ang buo kong katawan na tila para bang hindi ko na yata kayang tumayo. Nararamdaman ko din ang pagtulo ng aking mga luha.
Ang daming nakapaskil sa pader. Mga litrato na may mga pahid ng dugo. .. Ang aking girlfriend. .. Si Julie ang nasa mga picture. .. Kanyang mga larawan habang siya ay natutulog sa kanilang bahay.
Natakot ako. Nataranta ako. Paano kung si Julie na ang isunod nila matapos si Kino. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kakayanin kapag iyon ang mangyari.
Napansin ko na nakahanay pala ang mga litrato at may ibig itong ibigay na mensahe.
PLAY OR DIE?
BINABASA MO ANG
K2S Online
Misterio / SuspensoAn online game that happens in real life. Tutuloy ka pa ba sa larong ito, kapag nalaman mong ang mga ginagawa ninyong pagpatay sa inyong mission ay nangyayari sa totoong buhay? "They will use you as their avatar" ▶Epistolary ▶HIGHEST RANK ACHIEVED #...