Elaine's POV
The past days were so weird. Pinipilit kong maging normal towards Ricci pero I just can't forget that kiss! Hindi naman nagbago ang pag-trato niya sakin. Parati niya parin akong inaasar. Pero siguro unlike before, pareho na kaming maingat sa actions namin. Hindi na kami clingy katulad ng dati. What I mean by clingy is yung dating beso at yakapan, nauwi na lang sa pag high five. Buti nga hindi napapansin ni Brent eh. Siguro kasi busy rin siya sa lovelife niya kaya tuloy madalas kaming dalawa ni Ricci ang magkasama. Katulad na lang ngayon. Sinundo niya ako sa last class ko kasi we would be meeting up with Mark Salamat.
Habang papunta kami sa Greenbelt, natulog muna ko.
-
Ricci's POV
"Lei?"
I turned to her and found her peacefully sleeping. Napailing na lang ako. Napaka-antukin talaga. Dahan-dahan kong hininto ang kotse dahil nag-red ang traffic light. Kinuha ko ang hoodie ko sa backseat at pinatong sa kanya.
My mind started to wander off to what happened a few days ago. Fuck! Ito nanaman ako eh! Ayaw ko mang isipin, wala naman akong magawa. Tangina naman kasi eh. Napa-buntong hininga na lang ako.
Stop it, asshole. She's like your little sister!
Agad kong pinaandar yung sasakyan nung nag-green na ang light. At least we both know na walang meaning at hindi namin sinasadya ang nangyari sa bar na yun. I can't like her. I just can't.
Pag-park ko dito sa Greenbelt, I called Mark and asked him kung nasan na siya. He told me mga 30 minutes pa daw bago siya makarating kaya hindi ko muna pinatay ang engine at hinayaan munang matulog si Elaine. Nag-check na lang muna ako ng social media accounts ko.
-
Elaine's POV
"Hey, Lei. Gising na."
Dahan-dahan akong nag-dilat ng mata at umayos ng upo.
"Andito na tayo?"
"Yup. Tara na."
Inayos ni Ricci ang buhok ko. Napatitig ako sa mukha niya. Shit naman, bakit ang lapit niya! Bumaba ang tingin niya sakin. Pareho pa kaming nagulat nung nagmeet yung eyes namin. Nilayo niya yung ulo niya and cleared his throat.
"Umm... tara."
"S-sige."
Bumaba na kami sa kotse at naglakad papasok ng mall. Binuksan ni Ricci ang pinto ng coffee shop at pinapasok ako. Hinanap ko kung saan nakaupo ang manager niya.
"Ayun si Mark oh."
Sinundan ko sa paglalakad si Ricci.
"Cci."
Tumayo si Mark at niyakap si Ricci. Tinignan niya lang ako tapos umupo na ulit.
Kung hindi lang talaga mas matanda 'to sakin, inirapan ko na to ng harap-harapan eh. Attitude kung attitude talaga eh.
Panay ang tanong niya kay Ricci at panay rin ang sabi ng future 'projects' niya para sa alaga niya. May naririnig pa ko na possible guesting daw sa GGV or something. Balak pa atang pag-artistahin nito ni peppa pig ang alaga niya.
"Okay lang naman sakin. As long as hindi makaka-affect in any way sa basketball."
"Ano ka ba naman Cci! Mas sisikat ka kung mas may exposure ka! Maraming sponsors ang kukuha sayo kapag ginawa mo to."
"As long as hindi matatamaan ang schedule ng trainings ko, Mark. Si Elaine ang kausapin mo kasi siya ang manager ko when it comes to my basketball career so yun. Pero ang priority ko is basketball."
BINABASA MO ANG
Home is Where The Heart is. (ON-HOLD)
FanfictionThey always say, home is where the heart is. But how would I be able to find home, if I've already lost my heart in the first place? What sucks even more is that I don't know where to find it. Hey there, will you help me search for it? A RICCI RIVE...