Elaine's POV
"What the actual fuck?! Sabi ko na nga ba eh! HAHAHAHA!"
Andito kami ngayon sa condo ko at sinabi na rin namin ni Ricci kay Brent yung about samin. Tawa lang siya ng tawa kasi daw hindi niya inexpect.
"So ano, nanliligaw ka ba Ricci?"
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ummm... no, not yet."
Napag-usapan na namin to nung isang gabi. We would set aside muna yang ligaw ligaw na yan. We're just going to enjoy kung anong meron muna for now. Tsaka alam ko na focus talaga si Ricci sa career niya so okay lang. And isa pa, wala rin namang makakaalam eh.
"Shit, hindi ako makapaniwala! Easy 2k!!"
Kumunot ang noo ko.
"Anong 2k?"
"Ah eh kasi nakipagpustahan ako kay Prince. Sabi ko magkaka-gusto rin kayo sa isa't isa tapos sabi niya imposible daw tas ayun, nagpustahan kami!"
"Mga gago! Pinagpustahan niyo pa kami ni Lei!!"
"Hahaha sorry na! Pero sabi ko na nga ba eh! May lihim din kayong pagtingin sa isa't isa yihee!!"
I rolled my eyes and laughed.
"Pero si Elaine talaga yung unang umamin Brent. Tapos syempre mabait ako kaya ayun. Tsaka okay din naman siya. Maliit nga lang boobs pero pwede na."
"Hoy gago ang kapal ng mukha mo!! Baka gusto mong sabihin ko kay Brent yung ginawa mo nung nasa Bolinao tayo Ricci."
He smiled cheekily and hugged me.
"Joke lang bub, ito naman. Hehe."
He kissed my cheek.
"What the fuck! Hahaha! Hindi ako sanay!!! Ang gara niyong dalawa!!"
Natawa kami sabay-sabay dahil sa remark ni Brent. Trust me, kahit ako hindi ko minsan na-imagine na magiging ganto kami. Biruin niyo, dalawang taon na parang aso't pusa kaming mag-away tapos ngayon, naglalandian na kami hahaha!
We decided to grab dinner sa isang pasta place dito sa One Archer's place kasama si Kuya Prince.
"You want some of mine, Lei?"
Inalok ni Ricci sakin yung carbonara niya. Tumango naman ako kaya kinuhanan niya ko at nilagay dun sa spare plate.
"Ikaw gusto mo tikman to?"
"Pasubo lang ng isa."
I got some of mine tapos sinubuan ko siya.
"Ang sarap. Ano nga yung inorder mo, bub?"
"What the?! Bub?!"
Sabay kaming napatingin kay Kuya Prince na nakangiti saming dalawa. Si Brent na ang sumagot kay Prince.
"MU na sila Prince."
"Seryoso ba?! Oh shit!! Hahaha!"
Ngumiti lang kami ni Ricci.
"Oo seryoso kaya akin na yung 2k!"
"Fuck!! Hahaha! Hindi ko inexpect to!! Alam ba ni mom and dad? Mom would be so happy, swear."
"Hindi pa. Wala pang nakakaalam kundi kayong dalawa ni Brent."
Tumango si Rahleigh tapos bumalik sa pagkain ng pasta.
"Wait pano nga pala yan? Di ba bawal sa team?"
I turned to Ricci.
"Oo. Kaya napagka-sunduan namin na we can't be clingy kapag nasa public. I mean akbay siguro kasi alam naman ni coach na close na talaga kami pero yung kiss and holding hands, hindi. I don't want Elaine to be removed from the coaching staff just because of this so ayun."
BINABASA MO ANG
Home is Where The Heart is. (ON-HOLD)
FanfictionThey always say, home is where the heart is. But how would I be able to find home, if I've already lost my heart in the first place? What sucks even more is that I don't know where to find it. Hey there, will you help me search for it? A RICCI RIVE...