Dream 2

3 0 0
                                    

Iya

Nagising ako nang tumunog ang door knob. Syete! Istorbo much!

"Im sorry. Did I wake you up?"

"Ambait mo naman! Wala man lang good morning?"

"Psh!" napatakip pa siya ng bibig niya. Obvious naman na tumalsik laway niya. Tatawa na nga lang kasi pipigilan pa. Pabebe din, eh.

"Bakit? Anong kailangan mo?"

"Whoah! This is my place and this is my room. Kaya papasok talaga ako kahit walang pahintulot mo."

Edi waw! Porke ba't bahay niya 'to pwede na siyang mang-istorbo ng beauty and cuteness' rest?

"Eh panu pala pagnakahubad ako? Edi nakita mo dahil deretso pasok ka."

"Not an issue."

"Edi manyak ka pala."

"Bakit? Sinabi ko bang nakita ko? Pwede ko namang takpan yung mata ko diba?"

"Oh ano?! Magtatalakan nalang tayo? Hindi tayo kakain?"

"Paano ka makakain kung nandiyan ka pa sa loob?"

"Paano ako lalabas kung nandiyan ka sa pinto?"

"You never say na dadaan ka," sabay lakad niya papuntang banyo. Pipigilan ko pa sana siya kaso nakapasok na. Hindi pa kaya ako naghihilamos o kahit mumog man lang. Wala pa akong toothbrush.

Dumiretso na ako sa kusina at doon nalang nagmorning rituals. Matapos yun ay kumain na ako kasi may nakahanda nang pagkain sa mesa niya. Fried rice or sa tagalog piniritong kanin, at itlog saka tocino.

Ano ba 'to? Pambatang menu.

Nakakalahati na ako ng inilagay ko sa plato ko ng dumating si Kalvin.

Akala ko nga hindi ulit siya kakain. Akala ko kasi mabubusog siya ulit kapag tiningnan niya lang ako. Umasa lang pala ako.

"Uy! Nga pala Kalvin. Asan pala si Kaylie?"

Natahimik si Kalvin. Ai! Break na sila?

"Sorry. Wag mo nalang sagutin. Okay lang naman."

Hindi nga niya sinagot. Napakamasunurin naman.

Bakit kaya sila nagbreak ni Kalvin? Feeling ko mahal na mahal naman nila ang isa't-isa, eh. Obvious naman na masaya sila sa picture nila sa kwarto ni Kalvin.

"Aalis nga pala ako mamaya. Mang-gogrocery lang. Sama ka?"

"Ha? Huwag na lang. Dito nalang ako. Magchacharge pa kasi ako at baka tumawag yung mga police anytime."

Tumango lang siya bago sumubo ng pagkain. Napakagwapo parin niya tingnan kahit na ngumu-nguya. Ano bang parte ni Kalvin na hindi ko pupurihin? Yung pwetan niya nalang siguro ano? Matingnan nga mamaya kung healthy ang pwet niya o hindi.

Nang makaalis si Kalvin ay nanuod lang ako ng tv niyang pangmayaman. Hinihintay ko na lumabas si spongebob nung madapo ang paningin ko sa isang kwarto. May nakalagay na note doon. Parang wala naman yan kagabi ah!

"Kaylie's Room:)"

Pinihit ko yung door knob pero nakalock. Ai ano ba yan! Chismosa at ususyera pa naman din sana ako, eh!

Grabe na talaga 'tong Kalvin at Kaylie lovers na 'to. May nakalaan pa pala na room para kay Kaylie, eh. Sumikip naman tuloy yung dibdib ko. Ang liot kasi ng bra ko kaya masikip.

Babalik na sana ako sa upuan ko ng bigla akong mahilo. Ano ba yan! May lason siguro yung tocino ni Kalvin kanina, ano? O baka oa lang talaga rumeact ng selos ang system ko?

Loved You In My DreamsWhere stories live. Discover now