Dream 3

4 0 0
                                    

Iya

Date?! Date?! As in yung date? Yung date na may year, month at day? Tama ba ako o hindi?

Malamang hindi diba? Hindi naman kasi ako tangabells masyado para isipin na ganun nga yung date na sinsabi ni Kalvin. Duh?! Ang pretty ko kaya para maging boploks.

Alam ko naman na kailangan maganda ako sa date na yan kaya lang....

"Hey!"

"Ai damit!"

"Damit? Yeah yan nga yung sasabihin ko. Open na ang room ni Kaylie for you kaya you can wear or use everything's in there."

"H-ha?Ahh..Ganun ba? Sige salamat."

Nagsmile siya at tumango then umalis na. Kabastos talaga netong si Kalvin. Ni hindi man lang nagpaalam. Akala naman niya nakuntento na ako sa smile niya.

Naligo na ako at pumunta doon sa kwarto ni Kaylie. Pagbukas ko ay nasilaw na agad ako sa kulay pink at black na theme ng kwarto. In all fairness sa kapatid ni Kalvin na 'to ah! Ang ganda ng taste sa color. Feeling ko nga kasama ko si Mini Mouse, eh. Tapos parang kasayaw ko na rin sina Jenny, Lisa, Rose at Jisoo ng Blackpink. Ang ganda ko rin naman kasi.

Pumili na ako ng damit sa cabinet niyang blackpink din. Akala ko nga puro black at pink lang din ang laman ng cabinet niya pero may ibang kulay pa pala like peach, red, scarlet at maroon. Yun lang at wala nang ibang kulay na nasali pa. Sa mga sapin sa paa naman ay puro heels ang naroroon. Siguro fashionista talaga siya. Pero saan nga ba siya?

At dahil gusto ko pretty ako, napili ko yung peach na dress na mahaba ang laylayan sa likuran banda tas sa harap naman ay maikli na mga isang dangkal mula sa tuhod. Maikli man pero pretty naman ako. At sa sandals naman- este heels, ay napili ko yung peach din. Para kasing in pairs na ang mga nakalagay dito. At isa pa ha! Magkasize din kami ng paa.

Habang nag-aayos ng buhok ay napaisip ako. Bakit kaya nasabi dati ni Kalvin na kailangang bumalik ni Kaylie sa kanya? Nasabi niya yun noong isang gabi, eh. Kinuha ba sa kanya ang kapatid niya? Ang thoughtful naman niyang kuya. Sinasabi pa kung gaano niya kamahal si Kaylie. Pero parang mali ata na isipin ko dati na para kay Kaylie ang halik at yakap na binigay niya sa akin. Wala naman kasi atang Kuya na ganun ka intense humalik sa kapatid niya- shit! And dumi na ng iniisip ko.

FIRST TIME! Oo mga ate! Perstaym ko ang date na 'to. Bakit ba? Virgin pa kasi ang experiences ko pagdating sa bagay na 'to. Pumunta lang naman kami sa park kanina at naupo doon habang nagkukwentuhan. At masasabi ko na hinsi siya boring. Dati kasi kapag may nagyaya sakin na tumambay sa park hindi ako sumasama kasi feeling ko ang boring. But not with Kalvin. Tawa lang ako nang tawa habang nagkukwento siya. Lahat ng mga memories niya with Kaylie but he's still not telling me where Kaylie is. Kung ano bang nangyari dito at nagkahiwalay sila. Chismosa kasi ako masyado kaya ususyera narin ako para package.

After doon sa park ay dito na kami dumiretso sa Mall. Ewan kung anong mall. Basta mall. Kumain kami sa isang fast food at naglaro ng mga larong pambata which really suited in me. Jikkes lang! Duh?! Ang bata ko pa kaya! Angal mawawalan ng future!

"What do you like for dinner?" biglang tanong niya habang naglalaro kami ng basketball sa cute na ring. Kaya ayun! Naubos na yata ang mga stuff toys ni Kuyang nagbabantay. Kapag daw kasi nakakuha ng 5shoots may price na stuff toy. Madami na ring hawak si Kalvin pero ini-aim ko kasi yung stufftoy na parang San Rio.O talagang San Rio nga siya. Basta kasi nakita ko yun sa lalagyan ng ponytail na may San Rio na tatak. Kaya ayun na!

"Duh?!" sabay flip ko ng hair ko which made him smile. Cho kyut mo! "May alaga ka ba sa tiyan? Wala pa kayang dalawang oras magmula nang kumain tayo kanina."

Loved You In My DreamsWhere stories live. Discover now