Epilogue!

75 1 0
                                    

 *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_* *_*


"Hello! Sis, punta kayo dito kina Kale, bonding tayo." Sabi ko kay Avilla nang sagutin nito ang telepono.


"Ay, maganda yan. Sige, tawagan ko sina Sam at Euven. Di bali hindi kami kailangan sa Shop namin. Nandyan asawa mo."


"Oo, ayaw pumasok sa Office niya. Tinatamad daw."


"Ngayon lang tinamad yan ah. Subukan kong tawagan si Wolf kung gusto niyang sumama. Alam mo naman yon, pinagbibigyan ang mga gusto ko."


"Ikaw ah, inaunder mo mister mo."


"Ahehe...ngayon lang naman."


"Oh sige, hintayin ko kayo."


"Okay, bye."


Okay lang naman na magbonding sila dahil tapos na naman nila lahat ng preparation. Naipamudmod na rin nila ang invitations. Hinihintay na lamang nila ang araw ng kasal. Kinontak na din niya ang kanyang Mommy para sabihin na ikakasal na siya at gusto niyang dumalo ito at ihatid siya sa altar pero nagalit ito at sinabing hindi pupunta kaya umiyak siya ng umiyak.


"Sino tinawagan mo hon?"


"Ay butiki ka."


"Oy, di ako butiki, gwapo ko kaya."


"Wag mo kasi akong ginugulat kung ayaw mong tawagin kita ng kung ano-ano."


"Sorry mahal ko. Sino nga yon?"


"Si Avilla, pinapunta ko sila dito kasi nabobore ako."


"Nandito naman ako."


"Tse! wala ka na ngang gawin kundi landiin ako."


"Ay sus, naglalambing ang baby ko." Nakangiti nitong sabi.


"Anong lambing ka dyan, naiinis ako." Nakabusangot kong sabi.


"Sige na nga, hindi ka na naglalambing kundi naglalambing ka talaga." Kinurot niya ito sa braso habang tawa ng tawa. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya ng ikwento niya ang nakaraan niya.




Niyakap siya nito ng mahigpit na para bang sinasabi nito na nadito lang ito at hindi siya kailanman iiwan.

"Napakasakit malaman na ang taong pinakamamahal mo ay naranasan ang ganong bagay. Sana nakilala kita ng mas maaga para naipagtanggol kita. Sana hindi mo naranasan ang mga sakit na ibinigay nila sayo. Ito lang masasabi ko, I am proud of you honey dahil hindi ka gumanti, hinayaan mong si Lord ang bahala sa kanila at saludo ako sa Mommy mo dahil pinalaki ka niya ng maayos. Ngayon, ako naman ang proprotekta sayo. Gagawin ko lahat para maging masaya ka sa piling ko gaya ng makita kong gaano ka kasaya ng tanggapin mo ang alok kong kasal." Mahabang sabi nito saka kinintalan ng halik ang noo niya.

The Devil's Gang: Broken Soul (Kale Orlando Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon