Manyak! (One Shot)

4.2K 62 21
                                    


Angela's POV

Hays pasukan na naman, shet naman oh!      panibagong sakit sa ulo na naman ang kahaharapin ko takte naman. Panibagong kaklase, panibagong guro, transferees at syempre makikita ko na naman si Kent The Manyak tsk tsk tsk pasalamat sya at mahal ko sya kung di ay nako baka matagal ko na syang napatay.

Siya si Kent De Chavez, classmate ko sya at the same time eh seatmate ko din sya.

Ay ano ba yan andami ko nang sinabi pero di pa ko nagpapakilala, ay ala eh ako nga po pala si Angela Bianca Magtanghal, kasalukuyan na po akong graduating student sa pinapasukan kong prestihiyosong eskwelahan kung saan pumapasok ang mga mayayabang ay este mayayamang estudyante at sa kabutihang palad ay nakatanggap ako ng scholarship at eto na nga candidate ako for Salutatorian dito sa Saint Michael International School o mas kilala bilang SMIS dito ko rin nakilala ang Bestfriend kong si Annika. Matagal na kaming magkaibigan, nagkakilala kame nung pers year highschool palang kame kaya matagal tagal narin kaming magkaibigan.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room kasama ang aking kaibigan ng may biglang umakbay saken. Hays amoy palang alam kona tsk tsk eto na naman po tayo, pers day of school mangmamanyak na naman tong unggoy nato. Sarap pitikin sa noo eh kainis! -,-

(A/N:Nakakainis daw,pero mahal mo naman!)
(Angela:Whatever Author -_-)

"Hi baby." bulong nya saken na nakapagpakilabot sa buong kalamnan ko eh kasi naman tumatama sa may leeg ko yung hininga nya nakakatayo ng balahibo shet naman. Eto na naman po tayo hays bayae nalang sya malapit na namang matapos ang school life ko at magkakahiwalay na kami ng landas, pero.....di ata kakayanin ng heart ko ang mawalay sa kanya kasi naman sa ilang taong pangmamanyak at pangaasar nito sa kanya ay talagang napamahal na sya dito kung tutuusin sa tuwing magkasama sila eh napapagkamalan pa silang magjowa, kasi naman kung makapulupot ang lalake sa kanya eh parang kinakanya na sya nito. Pero ayaw naman nyang magassume na may gusto ang lalake sa kanya kaya sa tuwing napapagkamalan silang dalawa na magjowabels eh todo tanggi ang ate nyo. Pero nauuwi lang yon sa panunukso ng mga nakakausap nya. Sa totoo lang pinipilit sya ng kaibigan nya na umamin sa lalaki pero sa tuwing susubukan nya umamin ay palagi na lamang may nakapulupot na higad dito at nilalandi ang lalaking gusto nya, kaya naman nawalan na sya ng pag-asa dito kaya pinili na lamang nyang itago at ibaon sa limot ang nararamdaman nya para sa lalaki pero kahit anong gawin nyang pagmomove on eh paulit ulit na bumabalik ang kung ano mang nararamdaman nya para sa lalaking minahal nya ng sobra.

"Ano na namang gusto mo? Kung aasarin mo lang naman ako eh tsumupi kana at maghanap ng ibang maaasar. I'm not in the mood today para makipagasaran sayo, so please wag ngayon okayy?." Seryosong sabi nya at tinanggal nya ang pagkakaakbay nito sa kanya, napagisip isip na kasi nya na iwasan na ang binata para makalimutan na nya ito at ang nararamdaman nya para dito.

"Ikaw...." Seryosong sabi ng binata sa kanya habang nakatingin ng deretso sa mga mata nya.

"Ha? Anong ako?." Nagtatakang tanong ni Angela sa binatang si Kent.

"Wala...sige una nako. Sa susunod nalang kita aasarin mukang wala ka nga sa mood sige bye babe!." Sabay takbo pero bago pa ito makalayo eh humarap uli ito at nag flying kiss sa kanya.

Nagkunwari namang iniwasan nya ang flying kiss ng binata pero sa totoo lang ayaw nyang mahalata ng binata ang kilig na nararamdaman nya sa tuwing may ginagawa itong magpapakilig sa kanya.

Hays mukang mahihirapan syang kalimutan ito, pero kailangan nyang kayanin para hindi na sya masaktan.

LUNCH

Papunta na sila ng kaibigan nyang si Annika sa cafeteria para kumain ng kanilang lunch.

Pagpasok nila bumungad agad sa kanya ang dalwang taong naglalandian. Wala namang ibang tao ang ubod nang landi at manyak kundi si Kent lamang habang may nakakandong na haliparot dito at sinusubuan ang binata. Tang'na parang pinapatay ang puso nya sa nakikita nya. Hinihiling na lamang nya sa oras na iyon na lamunin na sya ng lupa at makalimot sa lahat ng makikita nya. Hays pag aassume lang pala nya na may gusto ang binata sa kanya. Ginagawa lang sya nitong past time, mali talaga sya ng akala hays pag ibig talaga, sya pa ang pinarusahan. Mas nasaktan sya ng makita nyang hinalikan ng haliparot na babae na yon ang binatang nilalaman ng puso nya, nagulat ang binata sa ginawa ng haliparot na babaeng nakakandong rito.

Manyak! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon