Prologue

7 0 0
                                    

<Prologue>

"Mommy,kaylan po ba talaga lalabas si Baby Shiro? I want to see him ,mommy" walang sawang pagkukulit ng isang batang babae sa kanyang ina na ngayon ay siyam na buwang buntis.

"Very soon sweetheart, just wait a little bit longer and you'll gonna see your brother" Napangiti ng husto ang ginang dahil sa inaasal ng kanyang panganay na anak, lagi na lamang kasi itong nagkukulit kung kailan daw ba talaga lalabas ang sanggol na ito pa mismo ang humiling sa kanila.

"You're always saying that mom, how long do I need to wait before I could see him?" mangiyak ngiyak na tanong ng kanya ng panganay kaya lalo syang napangiti, parang mas excited pa ito sa paglabas ng sanggol sa kanyang sinapupunan kaysa sa kanila ng asawa nito.

"baby,huwag mong kulitin si mommy,sige ka baka magtampo sayo ang little brother mo at hindi mo maging kamukha" pananakot ng asawa nito na kararating lamang gali ng sa trabaho nito at saka humalik sa kanyang pisngi.

"Hon , wag mo nga tinatakot ang anak mo" suway nito sa asawa.Napatingin ito sa anak na ngayon ay tahimik nang umiiyak sa kanyang tabi

Pinanlakihan nito ng mata ang asawa at saka marahas na binatukan.

"Aluin mo yan" utos nito at walang ibang nagawa ang asawa kundi ang lapitan ang kanyang anak

"Baby, tahan na.Joke lang ni daddy yu---" bago pa nito maituloy ang sasabihin ay bigla na lamang nagsalita ang bata habang nakatingin sa kinaroroonan ng kanyang ina

"Mommy,bakit ka po umihi dyan?" Nagtatakang tanong nito

Ngunit imbis na sagutin ang tanong nito ay timingin ang kanyang ina sa kanyang ama

"Hon, I think my water just broke" sabi nito na hindi naman nya naintindihan

Maya maya pa ay umalingawngaw na sa apat na sulok ng kanilang bahay ang daing ng kanyang ina habang nakahawak ito sa sinapupunan nito.Agad naman itong dinaluhan ng kanyang ama at tinulungang makatayo

"Why mommy? what's wrong?" she asked in horror.Hindi na talaga nya naiintindihan ang nangyayari lalo pa't dali daling binuhat ng kanyang ama ang kanyang ina at isinakay sa kanilang kotse kaya wala na lamang itong nagawa kundi sumunod na lamang. Labis ang pag aalala nito para sa kanyang ina at sa nakababatang kapatid ngunit minabuti na lamang nito ang tumahimik habang pinapaandar ng kanyan g ama ang kanilang sasakyan.

Hanggang sa byahe ay daing parin ng daing ang kanyang ina kaya lalo ng binilisan ng kanyang ama ang pagmamaneho ng sasakyan papunta sa kung saan.

"Baby,your little brother is coming" puno ng ngiting sabi sakanya ng kanyang ama

Napanganga ang bata sa kanyang narinig,hindi ito makapaniwala sapagkat sa wakas ay makikita nya na ang kanyang nakababatang kapatid.

"really? yes! I love you mommy.This is the best birthday gift ever!" maligayang sigaw ng bata sabay halik sa pisngi ng kanyang ina.

Kahit na nasasaktan ay pinilit paring ngumiti sakanya ng kanyang ina.

Maya maya pa ay nakarating na sila sa Hospital at agad naman silang tinulungan ng mga nurse upang maihatid ang Ginang sa Operating room.

Naiwan sa labas ang mag ama habang hinihintay ng resulta ng panganganak ng Ginang.

Sa gitna ng kanilang paghihintay ay biglang nagsalita ang ama ng bata.

"Happy 5th Birthday my baby.I'm glad na magiging magkasabay pa kayo ng kapatid mo ng kaarawan" napangiti sy sa winika ng kanyang ama.Ngunit bago pa man sya makasagot ay may umalingawngaw na sigaw ng isang babae na paparating.Napatingin na lamang ang bata sa babae na sa wari nya ay manganganak na rin,nakahiga ito sa stretcher at kasama nito ang isang matandang lalake na nasa late 30's lang at isang bata na sa tinginn ya ay kasing edad nya lamang.Inaalalayan ang mga ito ng dalawang nurse at ipinasok sa kabilang operating room na katabi lamang ng kwarto na kinalalagyan ng nkanyang ina.

Naiwan sa labas ang batang lalake kasama ang ama nito.Napatitig sya sa dalawang lalake na malapit lamang sa kinauupuan nila ng kanyang ama.Parehong may hitsura ang dalawa at halata ang pagkakahawig ng mga ito.

Maya maya pa ay mayroong lumabas na doktor sa kabilang operating room at para bang may sinabi at nahuli nya na lamang na nagiisa na ang batang lalake pagkat pumasok kasama ng doktor ang ama nito sa loob ng operating room.

Nabaling ang atensyin sakanya ng lalake kaya agad syang nag iwas ng tingin dito,ngunit wala pang limang minuto ay mayroon syang naramdaman na umupo sa kanyang tabi.

Lumingon sya dito at nakita nya ang malawak na ngiti na nakaukit sa mapupula nitong mga labi.

"Hi, I have my jackstones here, wanna play?" tanong nito sakanya.Agad nya itong ginantihan ng ngiti at magiliw na tumango.

"by the way,I'm Blake" maya mayay sabi ng lalake habang sila ay naglalaro.

Nagdalawang isip pa sya kung magpapakilala sya dito dahil naaalala nya ang sinabi ng kanyang ina na 'don't talk to strangers,sweetheart' ngunit napagpasyahan nyang magpakilala nalang pagkat hindi naman na stranger sakanya ang batang lalake dahil nagpakilala na ito kani kanina lamang.

"My name is---" bago pa man nito basabi ang ngalan nito ay may isang lalakeng sumigaw

"son!your brother's waiting for you.come on" napatingin sya dito at sa kasama niting babae na kalalabas lamang sa kabilang operating room habang nakahiga ulit sa stretcher at nasa tabi nito ang bagong panganak lamang na sanggol.labis ang kanyang pagtataka kung bakit nauna pa itong nanganak kesa sa kanyang ina gayong nauna naman ang kanyang ina na ipinasok sa operating room.Nabaling muli ang kanyang atensyon kay blake ng muli itong magsalita

"good bye Ms.-hello-kitty, nice to meet you, gotta go"

huling sabi nito bago tuluyang tumakbo papalayo.

"Ms.Hello Kitty?" nagtatakang tanong nya

"your shirt, sweetheart" sabi ng kanyang ama kaya napatingin sya sa kanyang damit.Hello Kitty nga sng design nito

Makalipas ang ilang minuto ay mayroong lumabas na doktor at ang sinabi nito ang tuluyang nagpaguho sa kanyang mundo.

"I'm sorry Mr. Peralta, they didn't make it.They're dead"

Devil BrideWhere stories live. Discover now