Devil1

1 0 0
                                    

18 years later

Her PoV

Gaya ng ibang mga college graduates ay busy-busyhan ako ngayon sa paghahanap ng trabaho.

Nandito ako ngayon sa inuupahan kong bahay,magtatatlong taon na akong nangungupahan dito at marami narin akong mga naging kaibigan at pati yung may ari nitong bahay ay naging malapit narin sakin.

Inaayos ko lang yung resume at ibang mga papeles na kelangan ko dahil mag aapply na ako ng trabaho bukas na bukas rin. Kailangan ko nang makaaani ng pera pagkat nauubos narin yung mga naitabi ko para sa mga gastusin ko sa araw araw.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng news paper ng makarinig ako ng tatlong katok sa pinto.

Pagkabukas ko palang bumungad agad sakin yung isa kong room mate, si Kish. Inambagan nya agad ako ng yakap kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin sya pabalik.Napangiti nalang ako.Halos tatlong taon ko na rin syang kakilala at parang magkapatid na ang turingan namin kaya nasanay na ako sa ugali nya.Sa katunayan ay sya ang tumulong sakin na mahanap itong paupahan na tinitirahan namin ngayon.

"Ems, diba naghahanap ka ng trabaho?" tanong nya,tumango lang ako bilang sagot

Nga pala, ako si Emerald Peralta, Eme for short. 23 years old.College graduate. Dting naninirahan sa puder ng tiya-tiyahan ko pero lumayas di ako nung nag 20 ako dahil hindi ko na matiis yung ugali nung anak nya na may pagka maldita.Ulila nang lubos pero okey lang marami naman akong mga kaibigan.

Isa na dun si Kishie Ivo,classmate ko nung highschool,room mate ko na ngayon.Mabait naman sya,jolly tapos malambing at may pagka madaldal.Mas matanda ako sakanya ng isang taon pero ayaw ko na tinatawag nya akong ate kaya Ems nalang daw para mas maganda.

"may irerekomenda ako" sabi nya.

"sige Kish kahit ano basta wag lang dancer sa bar" biro ko at sabay pa kaming napatawa.

Tinapik ko yung gilid ng kama ko para umupo rin sya.

"Ems naman pssh.Take a look at this one" sabi nya at inilabas ang cellphone nya

"Trabaho ba talaga ang ipapakita mo o pictures nanaman ng crush mo?" nakangiwing tanong ko, sa tuwing ilalabas nya kasi ang cellphone nya ay puro crush nya nalang lagi ipinapakita nya sakin.

"syempe trabaho,gaga to.Tutulungan nga kitang mag apply e.Para may makasama na akong magtrabaho sa kompanyang iyan" sabi nya habang pinapakita sakin yung picture ng kumpanya na pinapasukan nya .

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.Anong klaseng trabaho naman kaya ang naghihintay saakin sa napakalaking kompanya na iyan?

"Ems bagay ka dito.Naghahanap kasi yung may-ari ng Tonichi Company ng Sekretarya kaya ikaw agad ang naisip ko nung marinig ko ang balita.Mataas daw ang sweldo dun Ems kaya maraming mga nag aapply mula pa kahapon" dugtong nya.Malaki ang sweldo.I think I need thish job.Para makapag-ipon agad ako ng pera at makapag simula ng negosyo.Gusto ko kasi na makapagpagawa ng sarili kong flowershop.Pero napaisip ako dun sa sinabi nya.

"Kung Hiring na sila mula pa kahapon Kish,malamang ay may nahanap na sila."

"Wag kang mawalan ng pag asa Ems,I'm 100% sure na hindi pa sila nakakahanap dahil mapili si Mr. Tonichi sa mga nagiging sekretarya nya.At sa kabutihang palad ay kaibigan ko pa ang former secretary nya kaya nagtanong tanong ako sakanya para mabigyan ka ng tips para madali kang matanggap.Kayang kaya mo nang ipasa ang exams at Interview dahil matalino ka naman" mahabang paliwanag nya.Tumango ako.

"Anong mga tips naman ang nakuha mo sa former secretary sa sinasabi mong naging kaibigan mo?" tanong ko

Umayos sya ng upo bago nagsalita."una sa lahat, Ems wag na wag kang magkaka-crush kay Mr.Tonichi kahit na sobrang gwapo nya at lalong iwasan mong mafall sakanya para magtagal ka sa trabaho.Ayaw ni Mr. Tonichi sa mga babaeng haliparot at hindi sineseryoso ang trabaho bagkus ay walang ibang ginawa kundi magpa-cute sakanya,but knowing you---di ka naman marunong magpacute kaya alam ko na bagay ka sa trabahong yun at isa pa imposibleng magkagusto ka sa kanya dahil sa almost 3 years ba naman nating magkakilala e ni minsan hindi ka naman nagka interes sa mga boylets e." mahabang lintanya nito.

"Sige Kish,susubukan ko bukas. Salamat pala sa impormasyon" sabi ko

"Wala yun Ems,ikaw pa e malakas ka sakin"

***

Maaga akong gumising at nagsimula na agad ako na gawin ang mga morning rituals ko.Ngayong umaga ako mag aapply ng trabaho sa Tonichi Company at 7 am ang simula ng screening sa mga applicants.Nauna na sakin si Kishie dahil maaga talaga ang pasok nya.

Pagkatapos kong kumain ng agahan ay kinuha ko na ang bag ko na naglalaman ng mga papeles at id's ko na kakaylanganin ko sa interview tapos lumabas na agad ako ng bahay.

Naka-long sleeved blouse ako at naka palda ng itim tapos tinernohan ko ito ng itim na doll shoes,mahigpit ang pagkakaipit ko sa buhok ko at ipinusod ko pa ito sa likod at nilagyan ko pa ng spraynet para hindi humarang sa mukha ko ang bangs ko dahil hindi ko pa ito kayang ipitan,at ang huli ay ang salamin ko o nerdy glasses kung tawagin ng iba dahil sa sobrang kapal nito,kung tutuusin ay simple lang naman ang ayos ko.Walang ka fashion fashion pero wala akong pake alam.Mag aapply ako sa kompanyang iyon para magtrabaho at hindi magpaganda.

Yan ang nasa isip ko bago ako tuluyang sumakay sa taxi patungo sa Tonichi Company.

Pagkarating ko sa entrance n g Tonichi building ay sinalubong agad ako ng nakangiting security guard.Dumiretso na ako sa elevator para pumunta sa 11th floor kung saan magaganap ang interview ko.

May mga nakasabay pa ako na mga babae na kung makatingin sakin ay para akong alien na kararating lang sa planetang earth.

"best,she's so cheap.Old fashioned lang ang peg" - girl na mukhang clown sa kapal ng make up

"yeah.I think she's going to apply rin,well good luck nalang sakanya" - girl na sobrang haba ng hikaw na akala mo eh sumali sa longest earing in the world.

Hindi ko na pinansin ang mga bulong bulungan nila.Pagkabukas ng elevator ay inunahan ko na silang lumabas.

May ilang babae akong nadatnan na sa tingin ko ay aplikante rin.Lahat sila ay mayroon pleasing personality na kasama rin sa qualifications ng mga aplikante. Parang na out of place tuloy yung suot ko.Idagdag pa yung kararating lang na tatlong babae na nakasabay ko sa elevator.

Nagtataka lang ako,trabaho ba talaga ang ipinunta nila dito?

makalipas ang ilang minuto ay tinawag na ako at yung tatlongbbabae na kasabay ko sa elevator papunta sa iang silid na may mga nakabalandrang upuan at doon ay isa isa kaming binigyan ng written examinations na kelangan naming masagutan within 30 minutes.

Nauna akong natapos dun sa mga nakasabay ko kaya ako ang naunang pinapasok ng personel clerk sa isa pang silid.

Hindi ako nakakaramdam ng kaba dahil napaghandaan kop na ang mga dapat kong iakto lalo pa't sabi sakin ni kishie ay si Mr.Tonichi daw mismo ang mag iinterview sakin.

I can do this! fighting!

Napakunot ang noo ko ng mamataan si Mr.Tonichi na nakaupo sa kanyang mesa which is so informal para sa isang boss na mag iinterview sa kanyang magiging secretary.

Nakatitig sya sa hawak na folder na sigurado ako ay ang files ko.

Napatingin ako sa mukha nya, hindi nga nagsisinungaling si Kishie.Napakagwapo nga ni Mr.Tonichi at kahit na sinong babae ay parang maaakit sa angkin nitong alindog.Maging ako ay halos mapanganaga na rin.

Mula sa pagkakatitig sa mga files ko ay nabaling ang atensyon nya sakin.He smiled automatically.But it froze when his gaze landed on m y outfit.Pero makalipas lamang ang ilang sigundo ay bumalik ang ngiti nito.

Yung ngiti na nakakaatract ng mga babae lalo na at umabot ang ngiti n ya sa mga mata nya na maiitim at mapanuri.

But of caurse, I know that its just a trap, a trap to lure his innocent pray because he's the predator.Hindi ako papayag na hindi ako ang mahire na secretarya nya.

"Good m-morning" I greeted huskily and composed myself.I want to kick myself dahil naapektohan ako sa ngiti nya na lalong lumaki ng magsalita ako.

Shees! makakaya ko pa ba??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devil BrideWhere stories live. Discover now