Chapter 4

17 1 1
                                    

Chapter 4

Bakit ganon yon makatingin?

Bakit titig kung titig?

Ano ba gusto mo Carl Vincent Tamayo?

Hating gabi na pero ung utak ko nalipad pa din. Mukang aabutin ako ng umaga sa kaiisip sayo carl vincent!

Napagpasyahan kong bumaba upang uminom ng tubig. Bakit di siya mawawala sa isip ko? Bakit ganon kalakas ang dating niya.

Agad kong kinuha ang aking cellphone at binuksan ang twitter. Hindi naman ako into twitter talaga pero pag ganito may bumabagabag sakin o wala akong magawa. Napag dedesisyonan ko talaga mag twitter.

@gabyanne
Can't sleep :((

@gabyanne
Maybe someone thinking of me. joke.

~

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pero salamat lord at nakatulog ako pati na rin sa panibagong araw na ito.

Ganito lagi ang ginagawa ko tuwing gabi bago matulog pero minsan nakakatulog na ako binabawi ko naman sa umaga pag ganon ang kadalasan nangyayari.

Naghanda na ako para sa eskwelahan. Ganon pa din ala syete ako umaalis ng bahay. Habang nasa sasakyan tiningnan ko ang schedule ko sa cellphone ko.

7:45am-8:15 bio lab

Anong gagawin namin sa 15 minutes nakatunganga? Bakit hindi pa sinaktong 7:30?

Tinext ko kaagad si grace.

Me:
San kana?

Grace:
Lapit na.

Me:
Intay mo me sa may gate. Please :(

Grace:
May pa sad emoji pa! Tampalin kita jan! Paawa!

Me:
Sige na please lapit na ako!

Grace:
Oo na okay!

~

"Grace nakita mo sched natin?" tanong ko habang papunta kame sa room.

"Oo. Bakit?"

"Bakit? Bakit hindi pa nila isinaktong 7:30 kamo!"

"Aba malay ko! Ayaw mo non 15 minutes nakatunganga?"

Mabuti nang hindi ako sumagot at naglakad nalang.

"HOY!" halos mapatalon ako habang naglalakad dahil sa gulat.

"Ano ba grace? Ang lapit lang natin sa isa't isa hinaan mo boses mo."

"Alam ko pero ano inaccept mona ba?"

"Ha? Anong inaccept?"

"Aba gaga! Si tamayo kung inaccept mona ba?"

Ito na naman to! Nakalimutan ko naman iaccept kagabi eh halos magdamag siya nasa isip ko!

"Hindi pa."

"Ano?! hindi pa nako gabyella anne!"

"Bakit?"

"Sayang oppurtunity!"

"Oo na accept kona mamaya!"

"Puro ka mamaya!"

Umupo nalang ako sa sarili kong upuan hays. Minsan nakakainis din tong si grace pero mahal ko naman to kahit papaano.

~

Habang nagsusulat ako ng kulang kong lecture biglang tumahimik ang lahat. Hindi ko pinansin dahil baka dumaan lang ang principal o mga head teacher na nag roround.

Deretso parin ako sa pagsusulat ng biglang kumalabog ang upuan nasa tabi ko. Pag angat ko ng tingin nakita ko na naman yung mga mata niya pero ngayon kakaiba hindi ito yung matang nakakalusaw kundi ito yung matang nakakatakot.

Bakit ganan siya makatingin?

Wala naman akong ginagawang masama?

Napaawang ang bibig ko ng umupo siya sa tabi ko at halos magkadikit na magkadikit na ung upuan namin.

"Hindi kami tv para panoorin niyo." sigaw niya sa mga kaklase namin.

Bigla akong napatingin kay grace at nakangisi lang siya sa akin at nang aasar.

Aba! Patay to sakin mamaya!

"Hindi mo pa rin ba ako papansinin?" bulong niya sa malambing na tono.

Ano ba dapat ko sabihin?

Hi? Hello?

Pero bat ang lambing ng boses niya?

Bat natameme ako bigla?

"Hi." pabulong kong sabi.

Pero teka!! Saan nanggaling ang ganon kong boses ang pabebe!

Tumingin siya sa mga mata ko. Ito ang ayaw ko eh yung mata niyang ganito yung nilulusaw ang pagkatao ko.

"Bakit ayaw moko pansinin gabyella?"

"P-pinapansin naman kita..." mukang hindi siya nakumbinsi doon kaya dinugtungan ko kagad.

"Ngayon! Pinapansin na kita."

Napabuga nalang siya sa hangin.

"Ang sinasabi ko bakit ayaw moko iaccept sa fb? nagreply ako sa tweet mo hindi ka din nagrereply? Bakit moko ako iniiwasan? Bakit dimoko pinapansin?"

Hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin sa sobrang daming tanong niya. Bahala na!

"Nakalimutan ko kasi kagabi iaccept ka."

"Nakalimutan? Eh nag tweet ka nga."

Kung alam mo lang carl vincent nasa isip kita magdamag!

"Nagtweet ako kasi hindi ako makatulog tapos kaya hindi ako nakapagreply dahil hindi ko namalayan na nakatulog na ako."

Okay na ba? Pati bat ako nag e-explain dito?

Tiningan ko siyang tumingin sa kanyang relo.

"Let's go."

"Ha? Saan?"

"May klase po tayo 7:49 na."

Napantingin ako sa paligid ko.

Shit! Bakit diko namalayan na umalis sila? At si grace hindi man lang ako tinawag! Bruha talaga.

"Tara na. 4 minutes na tayong late."

~

Pagtapat namin sa pinto ng bio lab nagulat ang aming teacher pero ang mga kaklase ko ay nakangisi.

Bwisit kayo! Iniwan niyoko.

"Good morning po Miss Porel." sabay namin bati.

"Get inside."

Aba himala. Hindi kami pinagalitan.

Agad akong pumunta kay grace.

"Bakit moko iniwan?"

"Anong iniwan? Tinawag kaya kita tanong mopa kay carl sabi ni carl kayo nalang daw dalawa ang sabay."

"Dapat dika pumayag!" angil ko.

"Bakit? Pati nangyari na ah. You look good together."

"Ewan ko sayo."

Pasimple akong tumingin kay carl na tahimik na nakikinig kay Miss Porel. Bigla siyang napatingin sa akin agad akong umiwas ng tingin. Narinig ko siyang ngumisi.

"Class dismissed, david and tamayo maiwan kayo."

Hala!

I want you.Where stories live. Discover now