Chapter Two (page 3)
Title :LOVE THIS WAY 💕Jose Marie POV's
Naalala ko pa noong may pyestahan sa may kabilang baryo samin.. May patimpalak na Miss Gay. Gustong-gusto ko talagang sumali nun kaso may pumipigil sakin.
Natatakot ako sa mga banta ng aking ama.. Ngunit dahil sa paghihikayat at suporta ng mga barkada ko at xmpre ng bestfriend ko nagkaroon ako ng kumpyansa at lakas ng loob na ilaban ang beauty ko..
That night is my big night. Buong tapang kong inirampa ang ala pia wurtzbach na bumabalot sa aking katauhan at sisiguradohin kong maiuuwi ko ang kurona..
Nawala ang kaba ko at halos mabingi ako sa palakpakan at hiyawan ng mga tao.. Nagniningning ang aking mga mata at walang maitulak kabigin ang tuwa na aking nadarama dahil sa mga taong nakikita kong nakangiti at masaya.. At nang tawagin ang pangalan ng nanalo napatili ako sa saya.. Maluha-luha ako habang pinapatong ang kurona sa aking ulo.. Kumaway ako at nagpalipad ng mga halik sa tao. Feeling Ms. Universe talaga ang peg diva? Haha haha😄😄
Ngunit ang gabing puno ng bituin biglang naglaho, nanlambot ang aking mga tuhod sa nakita.. Isang napakalaking anino sa may dakong gilid ng gym . Nanlilisik ang mga mata. Ang aking Ama😤😤😤
Dali-dali akong naglakad palayo sa mga tao at iniwan ko silang takang-taka.. Ngunit sa pagkakataong yun di bale ng magwalk out ako kaysa naman mapahiya ako sa mata ng maraming tao..To be continued...

YOU ARE READING
LOVE THIS WAY 💕 Book I #Vicejack
Ngẫu nhiênIsang wagas na pagmamahal mula kabataan.. Taguan ng nararamdaman. Hanggang sa hinarap ang hamon ng buhay mag-asawa..