Chapter Nineteen ( Page 112 )
Title: LOVE THIS WAY💕
#ALAKJACKY
HALOS MAUBOS na yong luha ko sa kakaiyak. Hindi ko alam Kung paanu ko ipapaliwanag ang lahat kay Vice..
Maging Sa mga barkada namin syempre ipinaliwanag ko ang mga nangyari.. Hindi ko talaga akalaing mangyayari ang ganitong bagay sa amin ni Vice.. Salamat naman at pinakinggan ako ng mga kaibigan namin.. Kailangan lang daw eh pag-usapan namin ni Vice ang tungkol dito.. Pero paanu nga ba kami mag-uusap? Gayong Hindi ko sya makontak?!
Umuwi kami ng boarding house baka sakaling nandun ito pero wala sya pagdating namin doon.
Mika : "Jacky? Relax lang? Nanginginig kana eh? "
Jacky : "Kailangan ko syang makausap.. Huhuhuh.. Kailangan namin mag-usap. Please."
Kahit anung gawin ko Hindi ko magawang e-relax ang sarili ko. Huhuhuh... Hindi dapat nangyayari to.!! Hindi ko yata kakayaning magkakahiwalay kami dahil lang sa bagay na to.. Sya lang ang Mahal ko.. Sya lang!!
Launch: "Bakit ba nangyayari to? Sino bang baliw na nagpakalat nyan? "
Dawn: "Sino pa? Eh baka si Tom? Diba malaki naman ang tama nun dati pa kay Jacky? "
Mika: "Feeling ko Hindi? Kasi diba muka nga syang nag-aalala kanina eh? "
Dawn: "Ay naku.. Hindi ako convinced.. "
Jacky : "Guy's please? Hanapin na natin si Vice.. "
Launch: "OK sige. Maghiwa-hiwalay nalang kaya tayo? Ako na ang sasama kay Jacky? "
Mika: "Oh sige... Text2x nalang huh? "
VICE POV
DAHIL SA GALIT na nararamdaman ko.. Dinala ako ng aking mga paa sa isang tagong Bar.. Hinubad ko lang yung uniform ko.. Kaya nakasando lang ako.. Para naman Hindi halatang estudyante ang dating ko. Bahala na kasi ang totoo wala na akong pakialam.. Gusto kong uninum ng uminum!!! Gusto kong lunurin sa alak ang sarili ko... Nakaka ilang bote na ako ng beer pero bakit parang hindi parin ako tinatablan.. Bumili rin ako ng yusi. Kasi sabi ng iba nakakarelax daw yun?
Para akong Gago.. Para akong Tanga sa mga ginagawa ko. Pero wala akong pakialam. Kasi ito nalang yung tanging alam kong makakapagaan ng loob ko.. Huhuhuh.. Ang sakit isipin na kayang gawin sa akin ni Jacky ang bagay na yun?!!..
Kaya ba nya Hindi maibigay-bigay ang sarili nya sa akin kasi may nauna na pala sa Kanya? Si Tom?!!!! Para akong nanliit sa sarili ko?! Hanggang ngayon bakla parin ba ang turing nya sa akin? !!!! Bakit!!! Anung bang Hindi ko kayang ibigay bilang isang lalaki? !!! Nirespeto ko bawat desisyon nya... Kahit ni minsan.. Hindi ko sya pinilit!!! Pero T*ng-ina!!!
Hindi ko matanggap na may ibang lumaway sa Girlfriend ko!!!! Sh*t!!!!!!
Buong lakas kong piniga ang basong hawak-hawak ko. Kung kaya naman nabasag ito saking mga palad.. Unti-unting tumulo ang mapupulang dugo mula rito. Kahit na alam kong sugatan na ang kamay ko.. Wala parin akong nararamdamang kirot.. Kasi Kung meron mang masakit yun ay ang nadurog kong puso!!!
Lihim akong umiyak.. Habang nakatitig lang ang mata ko sa bote ng beer.. Rinig kong parang nagkakagulo ang mga naroong nag-iinum din kasi magsisimula na yatang tumugtog ang isang banda..
Sa kabila ng mga hiyawan nila.. Nanatili lang akong deadma.. Hanggang sa nagsimula na nga itong kumanta..
Maganda ang mga boses nya.. Malamig at malambing. Babae pala ang bokalista ng Banda? Lalo lang tuloy akong naging malungkot habang pinapakinggan ang boses nya..
Lumagok ulit ako ng beer. Parang akong uhaw dahil halos ibuhos ko na ito saking katawan.. Basang-basa na ang sando ko at nangangamoy Ewan na ako. Pero wala akong pakialam!!!!
Gusto ko pang uminum.. Pagkatapos. Kong maubos ang isang bote.. Wala sa sarili kong napatingin Sa stage kung saan kumakanta ang isang magandang babae pala? Kahit medyo nanlalabo na ang paningin ko tanaw ko parin ang maamong mukha nito. Ang ganda nya.. Maging ang hubog ng katawan nito ay sadyang kaakit-akit.. Bumagay rin Sa kanya ang curly nyang buhok.. Hindi ko lang sure kung natural yun or Hindi? Pero sa isang kagaya kong lalaki lahat ng nakikita ko sa kanya ay perfect...
Natawa ako ng bigla kong naisip na gumante sa girlfriend ko.. Tsk.. Girlfriend? Yun ang mas nakakatawa pala? Hindi ko alam kong gugustuhin ko pa bang ipagpatuloy ang nasimulan naming dalawa? Eh ginago nya ako eh..!!!
Iniisip ko palang na may nangyari sa kanila ni Tom pakiramdam ko ikamamatay ko na. Isang napaka-laking pinitensya ito para sa akin!!!
Bakit ganun? Bakit nya nagawa sa akin yun? Ito ang tanong na paulit-ulit kong binibigkas sa sarili ko...
To be continued

YOU ARE READING
LOVE THIS WAY 💕 Book I #Vicejack
LosoweIsang wagas na pagmamahal mula kabataan.. Taguan ng nararamdaman. Hanggang sa hinarap ang hamon ng buhay mag-asawa..