Chapter Nine ( page 25 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#pagkukunwari
SAKAY ng iisang tricycle ang magbest friends na Vice at Jacky..
Magkapit bahay lang sila at Sa mga oras na ito ay hinihintay na sila ng mga pamilya nila.
Jacky's POV
Kita ko Sa mga kilos ni Vice ang pagkabalisa.. Halos hindi ito mapakali.. Mapapasabak na naman kasi ito Sa isang matinding actingan. 😂 haha..
Diba nga kasi ang akala ng Papa nito na nagpaka straight na talaga ang anak nya? Kaya Sa tuwing umuuwi kami ni Vice dito Sa lugar namin.. Awang-awa ako Sa kaibigan.. Kasi alam ko Kung gaanu kahirap para sa kanya ang pagpapanggap..
"Sis? Relax.. " sabi ko Sa kanya at Sinulyapan Nya ako.
Vice: "Sis? Kinakabahan ako.. "
Jacky: "Sus!! Parang di sanay eh. Best actress ka kaya.. " sinubukan ko syang biroin. Baka sakaling kumalma. Pero la effect eh. Tinaasan lang ako ng kilay..
Jacky: " Tigasan mo kasi!!! " sabi ko ulit sabay suntok Sa tuhod nya.. Napaaray sya syempre.. Hehe..
Jacky: "wag kasi lalambot-lambot" pinisil-pisil ko pa yung mga legs nya...
Vice: "Sis lalo mo lang ako pinapalambot Sa ginagawa mo.. Nakikiliti ako anu bah.. " saway nito sakin.
Jacky: "Titigas din yan.. Anu kaba.. "
Vice : "JACKY???!!! " dinilatan ako nito ng mga mata.. At hinawakan ang mga kamay ko..
Jacky: "Yung tuhod mo titigas. 😂 haha.. Wag masyadong dirty Sis.. "
Vice: "Ang kulit mo kasi. "
Ilang metro nalang ang layo namin at tanaw ko na ang bahay namin.. Ng bigla akong hinawakan Sa kamay ni Vice..
Vice: "Sis? Daan ka muna Sa bahay ha? "
Jacky: "Huh? Kaya mo na yan! "
Vice: "Sasama ka sakin. Wala kang Choice"
Jacky: "Haahay... 🎵 Lagi nalang..lagi nalang.. Lagi kang nasa isip ko 🎵
Napakanta tuloy ako Sa kakulitan ng best friend ko. Kahit kailan talaga Hindi nito kayang humarap Sa Papa nya pag wala ako Sa tabi nya.
NANG makapasok na kami ng bahay nina Vice ay agad bumungad Sa amin ang supa-dupa cute na si Moy-moy...
Alagang aso ni Vice.. Halatang namiss sya nito. Sandaling kinarga ito ni Vice at hinalik-halikan. Todo iwas naman si Vice kasi baka mapuno na sya ng laway Sa kakatila ni Moymoy.. Hehe
Martha: " Oh Utoy? Iha? Anjan na pala kayo eh. Naku buti pa si moymoy eh may lambing agad.. " tila nagtatampong turan ng Nanay ni Vice..
Vice : "Sus.. Ang mother ko talaga.. Tampurorot eh. " hehe 😆
Lumapit kami at nagmano.
Niyakap ni Vice ang mama nya at iki-niss.. "Miss you Mama.. I love you "
Aling Martha : "Kuuuh. Amoy moymoy na eh " biro nito.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasadan ang mag-ina..
Agad akong nagbigaygalang at nagmano kay Tito Henry ng makita ko syang papalapit..
"Hello poh Tito. " bati ko Sa Kanya.
Henry: "OH iha? Dumating na pala kayo ni Utoy. Kamusta naman ang Palawan? Mukang nag-enjoy tong anak ko ah? "
Sabi ni tito habang nagmamano si Vice Sa Kanya.
Jacky: "Naku subrang saya po Tito.. Tsaka maganda po ang view... " masaya kong sabi. Samatala Tahimik Lang si Vice.. Isang bagay na natural lang Sa kanya kapag nandito kami kasama ang mga magulang nya.
Henry: " Good... Baka Nagugutom na kayo? Meron inihanda ang Mama Para sa inyo. " yaya nito.. Na agad binalingan ng tingin si Tita Martha.. At nagtungo na kami Sa kusina nina Vice.
Jacky: "Naku Tita Tito? Busog pa po ako eh. Sa amin nalang ako kakain mamaya.. " tanggi ko.
Martha : "Naku sigurado ka Jacky? May inihanda pa naman sana akong tinolang Native na manok para sayo.. "
Jacky: "Poh? Wow!!! Mukang mapapalaban ako ah.. Hehe "
Sabi ko habang umuupo at kumuha ng Plato at kutsara.
Vice: "Hala.. Kala ko ba busog ka Jacky huh?" biro ni vice Sa akin..
Jacky: "Hindi uso ang pakipot.. Paborito na ang pinag-uusapan eh. Hehehe. Miss ko kaya to salamat po tita. "
Vice : "Tsaka teka mama? Bakit paborito ni Jacky? Hindi paborito ko? " kunwaring pagtatampo nito.
Martha: "Naku. Syempre meron ding adobo para sayo anak. " nakangiti nitong turan..
Parang batang paslit si Vice na lumambitin Sa braso ng mama nya.
Vice: "Pasuspense naman si Mama eh. Hehe"
Isang masarap na haponan ang nagpabusog sa amin ni Vice..
Maya-maya ay nagpaalam narin ako kasi kanina pa ako hinihintay nina Lolo at Tita Amy ko..
To be continued :
YOU ARE READING
LOVE THIS WAY 💕 Book I #Vicejack
De TodoIsang wagas na pagmamahal mula kabataan.. Taguan ng nararamdaman. Hanggang sa hinarap ang hamon ng buhay mag-asawa..
