Chapter Nineteen ( Page 113 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#TheVocalist
JACKY POV
NAPUNTAHAN NA NAMIN Ang mga lugar na posibleng puntahan ni Vice pero hindi parin namin sya mahagilap.. Kakalabas lang namin sa isang bar Kung saan dun kami madalas nagha-hang out. Nagtry na din kami sa mga kalapit na bar pero wala kahit ni anino ni Vice kaming natagpuan...
Launch: "Sis? Umuwi na kaya muna tayo? Magkaka-over fatigue ka nyan sa ginagawa mo? "
Jacky : "Hindi ako pwedeng tumigil sa paghahanap sa kanya Launch. Sa pagkakataong ito alam kong punong-puno ng galit ang kalooban nya kaya paanu ako makakapagpahinga Kung alam kong baka may mangyari sa Kanya? Launch? Huhuhuh!!!! Hinding-Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa Kanya.. luanch. !!"
Halos maglumpasay na ako sa kakaiyak sa harapan ng kaibigan ko.. Maya-maya ay dumating sina Ate Anne at kuya Vhong.
Anne: "Jacky? Anung nangyari? "
Maiyak-iyak akong yumakap kay ate Anne.. Hindi ko maiwasang humagulhol... Sa mga balikat nya...
Si Launch na ang nagpaliwanag para sa akin. Kasi di ko na yata kaya pang magsalita dahil saking mga paghikbi.. Pagang-paga na yung mata ko.. Buong maghapon na yata akong iyak lang ng iyak.. Hindi na naubos-ubos ang mga luha saking mga mata..
Babe nasaan kana? Please?!! Huhuhuh!!!! Parang awa mo na..
VICE POV
Dahil hindi tumitigil ang mag-agos ng dugo saking sugatang palad.. Pinunit ko yung uniform ko at itinali ang kunting hibla nito sa mga palad ko..
Nilapitan ako ng isang waitress.. Tinanong Kung kailangan ko ng medicine kit? Niyaya rin nya ako sa clinic nila upang magamot daw yung sugat ko.. Dahil nairita ako sa kakulitan nya nasigawan ko tuloy sya!!!
"LEAVE ME ALONE!!!!! "
Agad naman itong kumaripas na umalis..
Naduduling na ang aking mga paningin.. Dala-dalawa na yung mga nakikita ko.. Sinubokan kong tomayo kasi naiihi ako.. Ng may nasagi akong isang babae.. ?
"Oi.. Sorry!!! Miss.. "
"Pare dahan-dahan naman!!! " sigaw nong kasama nyang lalaki
"Nagsorry na nga eh diba? "
Papatulan pa sana ako nong lalaki. Kaso inawat na sya nong babae..
"Tsk.. T*ng -ina nyo. Maghihiwalay rin kayo oi?!!!! Walang Forever!! " bulong ko saking sarili habang patuloy sa paglalakad.. Kahit pagiwang-giwang yung lakad ko Sa wakas natunton ko rin ang banyo..!! Makaihi na nga muna..
Habang nakatingala ako sa kisame at fini-feel ang aking pag-ihi ng mapansin ko ang aking katabing umiihi... Lingon kasi ito ng lingon Sa akin parang Tanga!!!
Sa inis ko tinaponan ko sya ng isang masamang tingin ..
"Bakla ka noh?!!! "
Hindi ito sumagot. Umiling-iling lang..
"Bakla ka nga!!! "
"Pare?!! Lasing Kana?! Kung ako sayo umuwi Kana bago kapa makatagpo ng gulo.. " sagot nito..
Isinara ko muna yung zipper ko bago nagsalita...
"Gulo ba kamu? Yun nga ang hinahanap. Ko eh ha!!? "
Umiling iling lang yung lalaki.. At iniwan na ako..
"Tsk. Kunwari pa!! T*ng-Ina nyo!! " sigaw ko sa kanya.
Paglabas ko ng CR. Muntik na akong natumba. Putik ng? Hindi pa ako lasing. Kumapit ako sa bawat nahahawakan ko.. No may bigla na naman akong mabangga..
"What the Fuck are you doing men!!! "
Negro pa talaga yung nakabangga ko..
"Fuck You-hin mong mukha mo!! "
Susuntokin na sana ako ng pangit na negrong ito ng may isang magandang babaeng pumagitna.
"Ahmm. Hey stop?! Please? He is drunk?!
I'm sorry? "
Agad namang kumalma ang Foreigner..
At umalis..
Binalingan ako ng tingin ng bababeng nagtanggol sa akin..
"OK ka lang bah? May sugat ka? "
Nilagay Nya ang mga kamay ko sa balikat nya at inalalayan akong maglakad...
Dinala Nya ako sa Hindi ko alam Kung saan.. Nawawala na yata ako sa sarili ko dahil sa kalasingan..
Basta huli kong naalala. Nahiga ako sa isang malambot na kama..
Ayukong ipikit ang mga mata ko ngunit kusa nalang itong nagsara..
Ang alam ko Lang sya yung babaeng Vocalist ng banda na tumugtog kanina..
Hanggang sa tuloyan na akong nawalan ng ulirat..
NEW CHARACTER POV
HELLO PO? Ako si Karylle...
K for Short.. 😘Vocalist po ako ng isang kakasimula palang na banda ng Spongecola.. ka-group ko ang aking Boyfriend na si Yael.. Kaso Hindi namin sya kasama sa pagtugtog ngayon dahil sa mga mahahalagang bahay na kailangan nyang e-priority.
Habang kumakanta ako? Kanina ko pa napapasin ang nag-iisang lalaking ito na umiinum.. Masyado yatang mabigat ang pinagdadaan ng taong ito kaya ganun? Eksaktong Na-cCR din ako kanina at buti nalang dumating ako bago pa sya nasuntok ng foreigner na yun. Kawawa naman ang baby face nitong mukha Kung masusuntok lang?
Pimagmasdan ko sya.. Estudyante pa talaga yata ang isang ito? Halata Sa suot na pants at sapatos....
Habang tulog. Ginamot ko ang nagdudugo nyang mga palad.. Binihisan ko rin sya ng damit.. Kasi basang-basa na yong sando nya.
Sino kaya ang pwedeng matawagan para sundoin ang lalaking ito?
To be continued..
YOU ARE READING
LOVE THIS WAY 💕 Book I #Vicejack
CasualeIsang wagas na pagmamahal mula kabataan.. Taguan ng nararamdaman. Hanggang sa hinarap ang hamon ng buhay mag-asawa..
