5) LOVE THIS WAY 💕

691 22 0
                                    

Chapter three (page 5)
Title : LOVE THIS WAY 💕

Jose Marie POV's
     Simula noong gabing iyon.  Matapos ng mga masasayang naganap. Ay yun narin pala ang una at huli kong pagsali sa mga patimpalak. 
   Gaanu ko man kagusto pero kailangan kong pigilan ang aking sarili.  Sapagkat.  Mas mahalaga sa akin ang buong pamilya at makapagtapos ng pag-aaral.. 
   Sabi pa ng Papa ko.  De bale nang hindi ako maging sundalo kagaya nya wag lang daw ako magbabakla..  Makapagtapos lang daw ako ng pag-aaral at mabigyan sya ng maraming apo ay labis na nitong kaligayahan..  Woooohhhh..  Graveh graveh...
   Pinapawisan ang kili-kili ko kapag naririnig ko yun sa Papa ko.  Paanu kasi Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili Kong mag-asawa ng babae..  Iniisip ko palang nasusuka na ako..  Eeewww.. Ewan ko ba ..
    Ang hirap talaga ng sitwasyon ko,  bakit kasi ganito ang pagkatao ko.  Minsan naiinis akong manalamin..  Pakiramdam ko kasi unfair ang mundong ito.. Binigyan nga ako ng pusong babae pero hindi nmn ako binigyan ng katawang babae.   Haaay naku..  As if na May magbabago pa.  Ganito na talaga..  Kahihiyan sa pamilya at salot sa lipunan ang madalas na interpretasyon samin ng mga tao.  Bakit pag bakla?  Kahihiyan agad?  Salot agad?  Hirap kasi sa tao husga agad.  Subokan nyo kaya muna kami intindihin?  Nanggigil ako sa nyo....  Hahaha.🤣🤣
   Anu ba yan.. Andito na naman ako saking mga sentimyento . Hehe..  Anyways....   Dun naman tayo dumako sa mga nakakakilig kong kwento. Simulan natin sa first crush ko nong elementary Si Martin..  Eeeehhhh.  Kinikilig na ako.   Anu ba yan. Hahah. Si Martin na suppper cute.  Pero actually crush kasi talaga xa ng bayan.  Crush din xa ni Jacky. Crush xa ng buong barkada...  Oh diba dami kong karibal?  Haha...
   Noong gumraduate kami ng elementary wala na kaming balita sa kanya.  Basta alam lang namin sa maynila na xa mag-aaral.. 
   After kay Martin dami ko pa naging crush..  Si Jerome., si Carlos,  si Daniel, diego, Greg..  Basta madami di ko na mabilang pero ang di ko makalimotan ay at ang pinakatumatak sa akin ay ang kauna-unahang lalaking nagpatibok ng aking puso..  Si Sir Nathan!!!  Oo.   Tama.  Adviser namin noong highschool.  Halos walang pumapasok sa utak ko kapag nagtuturo na xa kasi naman puro imahinasyon ang tumatakbo sa isip ko.
   Halos himatayin ako kapag tinatawag nya pangalan ko.. Sabi ko.   "Present" pakiramdam ko binabalisawsaw ako sa kilig pag nanjan si Sir..  Ang pogi2x nya kasi.   Matangkad, balingkinitan at kapag ngumiti ewan ko nalang..  Masaya talaga palagi ang highschool life ko nun dahil sa kanya.. Kukumpleto lang ang araw ko nun kapag nakikita ko xa..  Kaya kapag Sabado at linggo o di kaya holiday at walang pasok ay tila pinitensya para sakin.  Hahaha 😂 😂 
    Kaya noong nabalitaan ko na jowa na ni Sir ang isa sa mga math teacher namin ay talaga namang nahati sa dalawa ang aking puso..  Huhuhuh.  Lalo na nong nalaman namin na nagpropose na si Sir at ikakasal na sila. Guhong-guho talaga ang mundo Ko nun..  Todo comfort ang buong barkada sakin..  Nawalan ako ng gana mag-aral.  Buti nalang forth grading na namin yun.  Kaya petiks2x nalang minsan.  Pakiramdam ko. Nadurog ang aking puso..  Ang sakit2x talaga..  Sabi pa sakin ng Gaga kong best friend "wag ka na nga masyadong affected..  Kung makapaglumpasay ka eh wala namang kayo!! " hayop talaga..  Ang sama na nga ng pakiramdam ko sinabihan pa ako ng ganun ng BFF ko..  Pero totoo naman ang sinabi nya diba?  Walang kami..  At hinding-hindi magiging kami..  Hanggang pangarap lang ang salitang kami... 
     Huhuhuh😭😭😭😭
 

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book I #VicejackWhere stories live. Discover now