Don't Leave Me Hanging

2.4K 30 8
  • Dedicated kay DeathBogS. :)
                                    

     Dedicated to my beloved friends: DeathBogs. :)

     ---♥---  

     This is Kat-kat's story. Enjoy. :)

MEETING HIM

    Linggo ngayon, bukas.. COLLEGE NA KO! Gala-gala muna kami ng mga kaibigan ko habang wala pang pasok. Naeexcite na kaming lahat. Ewan ko ba, ang bilis natapos noong araw, pag-uwi ko.. natulog na ko tapos pasukan na!

    Dugdug dugdug..

    Kapag first day, hindi to mawawala.. Introduce yourself..

    Hi. I'm Kate Anne Uy. Call me Kat-kat na lang. blah-blah-blah.. Basta laging ganyan, umpisa ng pagpapakilala ko.

    Noong una syempre, di ko pa alam kung sinong sasamahan ko. Pero madali ko namang nakapalagayan ng loob lahat. Hindi rin ako naging loner! May nakakasabay na rin kasi akong umuwi, isa na doon si Koko.

    Nicholas Mendez, blockmate ko.. Nakakasabay ko siya kapag nagla-Line 2 ako, dadaan kasi 'yon ng school ko. Buddy kami ni Koko, madali kasi siyang makapalagayan ng loob kasi mga babae kasama niya sa bahay, 'yon din siguro dahilan kung bakit gentle and soft ang pagtrato niya sa girls.

    Nabuo tropa namin noong freshmen palang kami tapos medyo nasala noong sophies na kami. Ok talaga sila kasama, masaya, di ka mabobored. Game pa sila kung gusto mong gumimik. Pero bago matapos 'yong 2nd sem ng Second Year.. nagulat ako sa sinabi ni Koko..

    "Gusto kita." Nagulat ako sa sinabi ni Koko, hindi ko alam sasabihin ko.. Buti na lang text to! (T.T)

    "Kelan pa?"

    "First year."

    "Sige, basta walang magbabago."

    Ano ba namang reply yan Kat! Tss. Nasabi ko sa sarili ko habang pakamot-kamot pa ko. Ano ba naman kasi.. Nigga, ano ba? Kala ko kaibigan tayo?

    Ilang linggo na lang noon.. wala na namang pasok! Parang kelan lang, nababaliw kaming magkakaibigan sa pagpili ng course saka sa pag-eexam. Nako! Pagpasok ko nga pala kinabukasan pagkatapos magconfess ni Koko.. Hindi na niya ko pinapansin. Hindi ko alam pero nasasaktan ako.. Kala ko ba.. gusto niya ko? Ano 'yon joke? Nagdadaan pa mga araw.. dumating Finals pati pirmahan ng clearance, wala talaga! Hindi na niya ko pinapansin..

    Nasabi ko na to sa ibang tropa pero.. wala akong pinagsasabihan ng mga to sa kaibigan ko noong highschool. Baka kasi mamaya, sabihing feeler ako.. Kahit alam ko sa sarili kong hindi 'yon totoo kasi nagconfess siya sakin.. Hindi siguro ako sanay..

THIRD YEAR NA 'DRE!

    Loadan mo ko @Kat Uy!   

    Status ni Shin sa FB, ewan ko ba do'n, may pera naman, ayaw naman gumastos. Gusto niya pa, loadan ko siya! Syempre ayokong pumayag. Haha. May pera nga kasi 'yon, imposibleng wala, kasisimula pa lang ng klase.

    @Koko Mendez, loadan mo daw ako sabi ni @Kat Uy!

    Tss. Dahil dito, napilitan akong magsabi kay Shin. Pinaliwanag kong hindi ako kinakausap ni Koko.. Syempre, kampi sakin tong kaibigan ko na halos sinusumpa na si Koko.. Sinabi ko rin sa kanya na 'wag sabihin kahit kanino.. Ayoko kasing maging tampulan ng tukso.. Noong hindi pa nga nagko-confess si Koko e, inuulan na ko ng tukso galing kila Anne && Nikkie, nakikita kasi nila 'yong pictures naming barkada tapos lagi kong katabi si Koko.. ano na lang kaya kung malalaman na nila?

    Isang buwan na matapos magstart klase.. hanggang ngayon.. ang tibay ni Koko! Hindi pa rin ako pinapansin.. pero nag-gi-GM siya na parang parinig sa side ko like: sana pala hindi ko na lang sinabi.. Tinatanong ko naman 'yong mga katropa ko kung napapasahan sila ng GM niya na 'yon.. HINDI DAW.. Para sakin pala... bakit hindi na lang niya sabihin ng personal? Bakit hindi niya ko kausapin?

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon