Chapter 2

19 1 0
                                    

Ugh. This is so disheartening, frustrating, depressing , anu pa ba?

Gusto na niyang maiyak.

“Please! Kill me! Kill me now!”

“Wait lang, kumakain pa kami. Mamaya, promise!” sabi ni beauty ng walang paki. Tiningnan nila ito ng masama.

“Bakit mo naman kasi sinabihang bakla?”tanong sa kanya ni Jen.

“Eh,yun yung unang lumabas sa bibig ko. Ugh nakakainis naman eh. Bakit yun pa? First time ko pa naman siyang makausap, yun pa lumabas sa bunganga ko. Naku!...”

“Ang saklap lang nang buhay,pare.”singit naman ni beauty na kumakain pa din.

“Tumahimik ka na nga lang ,Bartolome. Kung wala kang maayos na sasabihin.”

Napasinahap ito. “Oh my oh so beautiful face! You didn’t just call me that!”

“I just did, pare.” Natawa nalang siya sa reaksyon nito ng bangitin niya ang real name nito.

“You are so not my bestfriend, anymore.”

“Eh kasi naman bart –“. Napasingnap ulit ito ng babanggitin  ulit sana ni Jen ang forbidden name.

“ I mean,Beauty. Magtino kana kasi.”ani  Jen

“Matino naman ako at ang beauty ko ah,mga baklang to.”ani Beauty na nagtatampo parin.

Naalala niya nanaman kung bakit siya nagkakaganito ng marinig niya ang salitang bakla.

Kasi nga lumabas na lang bigla yung salitang yun sa kanyang bibig ng makaface-to-face niya si Clarence Nathaniel kahapon.

Baka ang pagkaintindi nito sinabihan niyang ko siyang bakla. Hay naku tlga Tsk

Okay lang sana kung ibang tao, pero SIYA yun eh. Kaya may paki ako kung ano isipin niya.

Waaah. Anu ba yan.

“Ugh. Magsosory nalang ako. Pero baka magtanong siya kung bakit hindi ako agad nag sorry sa kanya bakit na tulala lang ako. Ano sasabihin ko?”

“Edi sabihin mo ang totoo.” sagot ni beaty sa tanong nito

“Anong totoo?” tanong niya

“Eh ano ba ang totoo?”tanong naman nito sa kanya

“Anong totoo nga ang minimean mo?”

“Edi yung totoo.”

“Walang hiya kang bakla ka. Pinapaikot mo lang tong usapang ito eh”

“Baliw kana girl.”

“Ano nga kasi ang ibig mong sabihin?”

“Eh di yung totoo.”natatawang sabi ni Beauty.

Tiningnan niya ito ng masama.

“Okay,Okay. Yung totoo nga kasi, yung natulala ka dahil sa oh-so-yummy face ni Mr. Love of your life.”

“Tanga ka ba, hindi ko pwedeng sabihin iyon .”

“Tanga ka rin ba, eh ano sasabihin mo?”

“Tanga ba kayong  dalawa? Malalate na tayo sa klase natin. Gorabels na tayo”si Jen na ang nag salita. Mukhang naisip nito na wala sa aming magpapaawat.

“Okay,gorabels na tayong mga tanga.” Natawa nalang ulit siya sa sinabi ni Beauty .

Biyernes ngayon. Alam niyang nasa library ito. Hindi sa stalker ako masyado lang akong observant kaya ko nalaman na madalas itong na sa library kapag Friday.”

“Great. Now I’m talking to myself.”

“Well, I’m--”

“Oh my G—“ Nagulat siya sa narinig niya bigla na lang nag salita. Katabi niya na pala ang pinaka-

“Ano ka ba Ryan! Bigla ka na lang sumusulpot kung saan.”

“Alangan naman magpaalam pa ako sayo. Hey susulpot lang ako sa tabi mo ah.”

“haha. Very  funny.”

“Eto naman. Mangungumusta lang.”

“Okay lang ako.”

“Glad to hear that.” Tiningnan siya nito. “Ako, hindi mo ba tatanungin?”

“Ikaw?”

“Hindi masyadong okay eh.”

Hintay na lang niya na magsalita pa.

“Hindi mo ba ko tatanungin kung bakit?” pangungulit pa rin ni Ryan sa kanya.

“You’re going to tell me anyway.”

Tumawa ito. “Mukhang kilala mo na talaga ako ah. So anyway , the reason is that ...”

“ wait lang, ha. May pupuntahan lang ako. Bukas mo na lang sakin sabihin ha. Okay?Byee!

Sabi niya at naglalakad na palayo dito. Alam na niya kasi ang susunod na mga salita na lalabas sa bibig nito. Maiirita lang siya lalo.

Ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na gagawin nito.

“Ang sama nito. Palagi mo na lang sinasaktan ang puso ko. Minsan nga, pakinggan mo naman ang sinisigaw nito.” Medyo malakas ang pagkasabi nito. Tinginan sa kanila ang mga tao na naroon.

Oh. My. God.

Ryan!!Babalatan kita ng buhay!

Sa halip na patulan pa niya kalokohan nito, hinayaan niya na lang at naglakad na siya palayo na naka yuko dahil pansin niyang madami pa rin nakatingin sa kanya.

Heyyyyy there. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fridays at the LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon