Chapter 1

31 1 0
                                    

The habit of staring at someone can lead to either of two serious consequences: intense addiction with paranoia

or

FALLING IN LOVE.

“Hoy bakla!” napalingon siya sa sumisigaw mula sa kanyang likuran. Sinasabi niya na nga ba at mga kaibigan niya itong mga nagsisisigaw. “Wait lang naman.Baklang ‘to.”

“ ’Wag nga kayong sumigaw. Nakakahiya, baka sabihin ng mga tao rito bakla ako,” wika niya nang makalapit na siya sa dalawang kaibigan niya.

“Ano ka ba? Sa ganda mong ‘yan, sino namang tanga ang mapagkakamalan kang bakla?” sabi ni Jen sa kanya.

“Ewan ko sainyo.” Sagot niya na lang dito.

“Naks, pahumble-effect pa ang lola.” Si Bartolome, aka Beauty, naman ang nagsalita, ang gay bestfriend niya. I know right, akalain mo ba namang may magulang pa palang magpapangalan ng Bartolome sa anak niya. Sabi ni Beauty, pinangalan daw yun sa kanya ng lola niya. Kawawang bata.

“Hm. Namiss niyo lang ata ako eh.” Sabi ko sa kanila.

“Ew.”

“Sinong may sabi?”

“Kainis namang mga bakla to.” Asar niyang sabi sa dalawa. “ Kaibigan ko ba talaga kayo?”

“Hindi, assuming ka girl.” Ngiti-ngiti lang si Beauty.

“Hoy, FYI. Hindi ako bakla. Si Beauty lang ang bakla dito. Baka nakakalimutan mo.” Pagtatama sa kanya ni Jen.

“Ay, naku. Muntik na nga. Buti pinaalala mo. Nagkakapalit na kasi kayo ng mukha ni Beauty.”

“No freaking way!” Natawa na lang siya kay Jen. Kung makareact kasi parang mawawalan ng allowance sa buong school year.

“Eto naman. Parang wala ako dito ah. At saka di naman ganun kasama ang fes ko di ba teh?” Lumingon ito sa akin. Nagtinginan naman sila ni Jen. Pigil ang tawa nilang dalawa.

“Gorabels na nga tayo. Sisirain niyo nanaman ang first day ng school year na ito.”

“Hindi na mabiro si Beauty. Nagbibinata na.”

“Ewan ko sa inyo. Ingit lang kayo sa beauty ni Beauty.”

Sabay-sabay na silang pumunta sa first class nila sa araw na iyon. BS Architecture ang course nila ngunit napahiwalay siya ng block sa mga ito kaya may mga subjects na hindi sila magkakalase.

Sa kalagitnaan ng pag oorient  sa kanila ng bago nilang professor nang may binulong sa kanya si Beauty. “Girl, sapakin mo nga ako.”

Tiningnan niya ito nang may pagtataka. Ginawa naman niya ang sinabi nito. Pero siyempre mahina lang naman iyon dahil dinikit niya lang ang kamay sa pisngi nito.

“Aray, ouch naman. Bakit ka ganyan?bakit mo ko sinampal?”

“Hindi ka naman OA no?  Tinapik ko lang pisngi mo.” Sabi nya sa mahinang boses.

“Akala ko ba friend kita. Tapos ganyan na lang ang gagawin mo sa magandang fes ko?” Sagot nito sa kanya.

“Sabi mo diba? Sampalin kita?

“ Eto naman di na ba pwedeng magjoke. Ang seryoso ng lola mo ah. Ang serious na nga ng klase.”

“ Sira ka talaga tumigil ka nga. Baka mahuli tayo ni ma’am.” Pero sa halip na makinig na rin siya sa klase ,tumingin siya may bintana. At kapag siniswerte ka nga naman. Nakita niya ang love of her ife niya. Agad siyang napangiti.

Mukhang napansin ito ni Beauty at ni Jen .

“Hala tumatawa ng mag isa si Brianna Micaela. Nabaliw na? haha” singit ni Jen sa kanyang pagdedaydream.

“Hoy,hala. Hindi kaya. May nakita lang akong nadapa sa labas.”

“Weh, maniwala.”sabay pang sabi nitong dalawa.

Hinayaan nalang niya ang mga ito at tinuon ang atensyon sa klase. Hindi niya namalayan ang oras at narinig nalang niyang sabi ng prof nila ang mga salitang class dismissed.

“Sa lahat ng sinabi ni ma’am ,yun lang ang naintindihan ko.” Tuwang –tuwang sabi ni Jen.

“Naku, girl. Agree .”

“ Uhm, mga bakla punta na akong library ha.”paalam niya sa mga ito.

“ okay, gora bels.”

“ text kita pagmaglulunch na tayo.”

“Okay sige.”

May mga klase na ang mga ito kaya naghiwahiwalay na sila. Wala na kasi siyang klase ngayong umaga. Bukod kila Jen at Beauty, mga libro din ang palagi niyang kasama. Kaya madalas sa library siya pumunta kapag may klase pa itong dalawa.

Library. Kung saanniya nakilala si cute na kuya. Hahaha. Loko lang. Hindi  naman sa nakilala niya na agad hindi pa nga niya nakakausap ito eh. Nakikita niya lang ito doon. Kaya syempre ang lola mo madalas din pumunta doon para lang masilayan ang mukha nito.

“Ouch,”nasambit niya ng mabunggo siya ng lalaking kalalabas pa lang.

“Oops. Sa susunod kasi tumingin sa dinadaanan. ”

Aba, sungit nito ah, di ko naman sinadya.

Ng tingnan niya kung sino ito nabigla siya sa nakita niya!nahulog niya ang mga dala-dala niyang gamit at sabay.

“Ay, bakla ka,” nasambit niya. At bigla niyang narealize kung ano ang sinabi niya .

“Aa..I...hindi...ano...k-kasi....”

Hinintay siya nitong magsalita pero walang maayos na salita ang lumalabas sa bibig niya.

Binigay na nito sa kanya ang mga nahulog niyang gamit.

“You”re welcome.”Wala akong mabasa na expression sa mukha niya. Naglakad na ito paalis. Nang makalayo na ito biglang bumaling sa kanya.

“At miss, hindi ako bakla.” Tapos wala na. Anubayan. WAAAAAAAAH! Syeeeeeeeeeeeeeeeeet. Anyare dun?

Votes, comments, likes.

Be a fan? :)

Thank you! <3

Fridays at the LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon