Chapter 6

1K 23 5
                                    

''Re-Renz...''

Nagulantang at nabuhay na ata ang kaluluwa ko sa mga nakikita ng mga mata ko ngayon.

Siya ba ito?

Yung lalaking minahal ko,naka confine sa ospital?

Maraming nakaturok na kung anu-ano sa balat niya.

Mapayat,namumutla at hirap na hirap..

''Ehhhh?Kuya,kilala mo siya?''

Parang gulat na gulat naman ang kapatid niyang babae.

Sabi ko na nga ba at kilala ko siya eh.

''Wag kang magtanong na parang hindi mo siya kilala.'' sabi ni Renz sa kapatid.

''Sorry,kuya.Gusto ko lang naman na makapag-usap kayo eh.'' nakayukong sabi niya.

''Hindi maganda tong ginawa mo.'' sabi ni Renz.

''Ah-Ano.AYus lang.Haha.Oh,renz.So anu?'' pumagitan na ako sa kanilang alawa dahil mukhang mag-aaway na.

Tinignan naman ako ni Renz sa mata.

Matagal rin kaming nagkatitigan at sa mga oras na iyon,bumalik na naman ang lahat ng ala-ala.

''Huh?San ka pupunta?'' 

''Sa Ospital'' 

''Huh?Bakit?May masakit ba sayo?Nagsusuka kaba?Nasagasaan kaba?Huh?Anu?Hui!''  

''Hindi,magpapa blood test lang ako''

''Wah!Akala ko kung anu na eh.Bakit ka nga pala magpapa blood test?''

''Para malaman mong Ikaw Ang TYPE ko!

''Miss.''

''Oh,ano?''

''Water dispencer kaba?''

''Huh?''

''Kasi,hot kana cool pa!''

Maya-maya napansin kong nahuhula na pala ako.

''Ku-Kuya.'' narinig kong sabi ng kapatid ni Renz at sa pag-angat ng ulo ko,nakita ko si Renz na naglalakad at papalapit sakin.

Sa huli niyang paghakbang hindi ko na napigilan ang aking sarili at agad akong yumakap sa kanya ganun rin siya.

''I miss you..'' narinig kong sabi niya..

Napakagat labi nalang ako nang maalalang may sakit siya.Ayokong umiyak nang umiyak.Sawang-sawa na ako.Gayun rin ay pagod na pagod.

Narinig ko ang pagsara nang pintuan at lumabas ang kapatid niya.

Matapos ang mahabang yakapan hinawakan niya ang kamay ko at saka umupo sa kama na kanina niyang hinihigaan.

Mahabang katahimikan..

Walang umiimik..

Walang balak magsalita..

''Anu..May sakit ka?'' paos kong tanong.Am I stating the obvious?

''Sorry.'' 

Sa sinabi niyang iyon..Putek! Naiyak na naman ako..

''Adik ka!'' pinagsisipa ko siya and I dont effin care kung masktan siya.Mas nasasaktan ako emotionally!

'Bwisit kang lalaki ka! Bat ngayon mo lang sinabi? Edi sana kasama kita ngayon! Inaalagaan!''

sa bawat sigaw at iyak ko pinipigilan niya lang ako at niyayakap para kumalma.

''Kung hindi kita nakita dito,anu na huh? Habang buhay na kitang kinasuklaman? Bwisit ka talga! Hindi kaba nag-iisip?Ansama mo! ANsama-sama mo.''

Hindi ko na talaga mapigilan yung nararamdaman ko at halos maglupasay na ako sa kanya.Wala naman siyang ginawa kundi yakapin nalang ako.

''Im sorry,sheryna.Im sorry.''

''Wag mo akong iiwan ah.'' sabi ko sa kanya.

''Haha.Yan ang hindi ko mapapangako.'' napatanggal naman ang yakap ko sa kanya sa mga sinabi niya.

''Please,Renz.Wag mong sabihin yan.Kapag namatay ka susunod ako.'' diretso kong sabi,

''Adik kaba?'' galit niyang tanong.

''Anung gusto mo?Mag-isa lang ako dito kapag nawala kana? Mas gugustuhin ko pang sumama sa iyo kesa mangyari yun.''

''Look,Sheryna.Stop it,okay?''

''Ayoko.Yun talaga ang gagawinko sa oras na sumuko ka.''

Nang tignan akong muli ni Renz,ngumiti lang siya.

''Hindi ko gagawin yun,Hanggat kaya ko.''

Sa sinabi nyang iyon niyakap ko siya ulit.Sana hindi nalang siya nagkasakit,Edi sana masaya kami ngayon?

Fate naman,may galit kaba samin?

I cant understand you.

''Ahhhm.Ate,oras na po ng pagpapahinga ni kuya.'' sabi ng kapatid niya na kababalik lang.

''Ah.Ganun ba? Sige,renz.Magpapahangin lang ako sa labas.''

''Balik ka,babe.''

''Babe?'' tanong ko.Kasi sa simula palang wala na kaming endearment.

''Yeah,babe.Simula ngayon babe na ang itatawag ko sayo.''

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

''Sige,babe.Babalik ako.Pahinga kana.I love you.''

''I love you too.''

Pumunta ako sa graden ng ospital at  saka nag-isip isip.Umupo sa isang bench at saka pumikit.

Sa pagtama ng araw sa mukha ko,nagtuloy-tuloy nang muli ang luhang kanina pa gustong lumabas.

Bakit ngayon ko lang nalaman?

Kung dati ko pa sana alam edi sana matagal ko pa siyang makakasama.

Diba lord hindi mo pa naman siya kukuhanin?

Diba pagsubok lang to?

Pero bat ang daya nyo?

Siya nalang ang nasakin eh mawawala pa?

Wag naman ganun oh..

Kahit ngayon lang lord..

Pagbigyan nyo naman kami oh..

''Ate...''

Napamulat ang mga mata ko sa boses na nainig ko.Kapatid ni Renz.

''Hi..'' sabi ko.

Tahimik lang kaming nakaupo sa bench..

Damang-dama ang hangin.

''Hindi pa naman siya mawawal diba,ate?''

Napatingin naman ako sa kanya at tama nga ang inaasahan ko,umiiyak siya.

''HIndi pa.Alam mo dati may nabasa ako,wag daw iyakan ang taong lumalaban pa para makasama ka.''

''Pero sabi ng doktor,milagro nalang daw.Masyado nang malala ang sitwasyon ni kuya.''

''I do believe in miracle.Ikaw ba?'' sabay tingin ko sa kanya.

''Miracle? Hindi ko alam kung maniniwala pa ako.''

''Miracles are true as long as you believe in them.Waking up in the morning is such a big miracle,do you know that?''

''Wala namang masamang maniwala diba?'' tanong niya.

''Oo naman.Let's just trust him and trust the miracle.Malay natin.''

''Answerte ng kuya ko sayo,ate.'' 

 ''Mas swerte ako sa kanya....'' i said with a smile on my face.

Meet Boy Pick-Up [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon