Chapter 4

164 3 0
                                    

Tanghaling tapat nandito ako sa bahay nila zhel kaming dalawa lang.

"Ano nagtext?" tanong sakin ni zhel habang nakaupo ako

"Oo nagtext mga ala-una ng madaling araw tagal nga magreply eh" sabe ko

"Anong sabe sayo?" Tanong nya

"Hi cute tapos sabe ko sa kanya hindi ako cute pero sya pinipilit parin na cute daw ako. Kaya nga daw crush nya ko" sagot ko

"Cute pala eh, bakit ka naman daw nya naging crush?" Tanong ulit nya

"Kasi simple cute tapos mukhang mabait daw" sabe ko sa kanya

"haha mukhang mabait ka lang pala eh" natatawa nyang sabe

"Sabe ko nga sa kanya mabait naman talaga ko" sabe ko

"Ano pa sabe?" Tanong ulit nya

"Cs daw kami" sagot ko

"Ano cs nyo?" Zhel

"Wim ko daw" ako

"Ano naman yun?" Zhel

"walang iwanan mahal ko daw" ako

"Hanep wim ko" pang aasar na sabe nya

"Sabe ko nga dapat sa right girl nya yun eh" sabe ko

"May paright girl right girl pa wala bang left" zhel

"Wala eh" sabe ko sabay naman kaming natawa

Ganyan kaming dalawa lagi nagsasabihan ng kung anu-ano.

Papunta kami ni zhel sa bahay ng lola nya para kunin yung cellphone nya.

Nakita naman namin na nakatambay sila Melvin dun.

Nung nadaanan namin sila nakita kong tumingin sya sakin ako naman nakatungo lang ako.

Nung nakuha na namin ni zhel yung cellphone nya napadaan ulit kami.

Nandun pa din sila tumingin ulit sya sakin tumingin dim ako sa kanya kaso saglit lang.

Pagkalagpas namin nagtext sya.

Fr:Wim

-tumingin aqo sayo di ka nmn tumingin,

Hindi na Melvin ang nakapangalan sa contact nya Wim na tutal yun naman cs namin.

Tsaka pano ko titingin nakakailang kaya. Nireplyan ko sya.

To:Wim

Tumingin kea ko pero saglit lang.

Nagreply sya.

Fr:Wim

-saglit lng naman,

To:Wim

Nakakailang kasi.

Fr:Wim

-bt ka nmn naiilang?

To:Wim

Wala lang.

Pagdating namin ni zhel. Umuwi muna ko sa bahay kasi tinawag ako ni nanay(lola) para magbantay sa tinda nya.

Nagtitinda kasi si nanay ng halo-halo dahil mainit ang panahon bakasyon din ngayon.

So ngayon andito ako sa labas nakaupo habang nagbabantay(alangang tumayo ako edi nangalay ako ugatin pa ko dito)

Bigla namang may nagtext pagtingin ko sa screen ng cellphone ko si Melvin pala

Fr:Wim

-san ka?

Text nya.

To:Wim

Dito sa labas nagbabantay.

Fr:Wim

-dadaan aqo dyan

Reply naman nya.

Nakaupo ako habang tinutusok-tusok ko ng stick yung lupa, sa wala akong magawa eh.

Nagreply naman ako sa kanya.

To:Wim

San kna ba?

Fr:Wim

-dito na,

Habang busy ako sa kakalaro sa lupa bigla akong napalingon sa likod ko nakita ko naman sya malapit na din sya sakin nagmamadali syang maglakad.

Na gulat pa nga ko nung nakita ko sya nginitian nya naman ako.

Bilis ng heart beat ko para kong nakakita ng multo dahil sa gulat ko.

Kaloka aatakihin ata ko sa puso sa gulat.

Tinext ko naman sya.

To:Wim

Grabe na gulat ako sayo. Kundi pa ata ko lumingon hindi kita makikita.

Nagreply naman sya.

Fr:Wim

-haha nagulat ba kta.

To:Wim

Ou bakit ang bilis mo maglakad?

Fr:Wim

-nahihiya kc aqo ee,

To:Wim

Bkt ka naman mahihiya?

Fr:Wim

-wla lng,

To:Wim

Wala naman pala eh.

Fr:Wim

-haha

Nagsabe sya sakin na kakain muna sya ng tanghalian tapos matutulog muna ng hapon.

Nagtext naman sya ng mga 5pm na kagigising nya lang.

Nagsabe sya na maliligo muna sya para mamaya ready to tambay na sya.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon