Chapter 9

97 2 0
                                    

Nasa panglima na kaming simbahan.

Dumaan muna kami sa dun sa may hinahagisan sa pera tapos magwiwish ka.

"Nagwish ako kasama kayong dalawa za wish ko" sabe ni zhel

"Ano naman yun?" Tanong ko

"Secret" sabe nya tapos naglakad na ulit

Nagdasal na ulit sila habang kami hinihintay sila.

Pagtapos nila tita magdasal lakad na ulit kami.

Si zhel naman may nakitang pulis tapos may hawak baril.

"Kuya totoo yan" turo ni zhel sa baril ng pulis pagkalapit nya

"Oo" sagot ng pulis

"Try mo nga" sabe naman ni zhel

"Gusto mo?" Tanong ng pulis

"Wag na lang pala" sabe ni zhel tapos naglakad na ulit

Kahit kelan talaga lakas ng trip nyang si zhel tanungin daw ba kung totoo yung baril.

Kanina nga may nadaan kaming nagtitinda ng rosary titingin sya tapos mamimili pero hindi naman bibili, ang galing diba.

Next stop namin luneta na dun muna kami magpapahinga pagtapos magpahinga sa quiapo na kami.

Hindi man lang ako inaantok kahit hingal hindi din. Kahit malayo na din yung na lakad namin.

Di mo naman kasi mafefeel yung pagod.

Laughtrip pa nga kami sa daan.  Ilang beses nga'ng na batukan ni zhel si melvin dahil sa kakalingon nya sa likod.

Sila kasing dalawa yung nasa likod namin. Kailangan paglumingon daw may batok. Kahi nga ko na batukan eh, sakit nun ah. Pero mas marami yung kay melvin.

Ang kulit kasi sabe kong hwag lumingon pero ayun nahuhuli pa din ni zhel. Kawawa tuloy sya.

May nakasalubong pa nga kaming isang lalaki parang pulubi nakakatakot nga eh, tangkad pa man din.

Nung makakasalubong ko na yung lalaki iginilid naman ako ni melvin para hindi ko makasalubong.

Na takot ako dun ah.

Nandito na kami sa bay walk pahinga muna kami saglit. Si zhel nga may paltos na dahil sa sapatos nya.

Nung nakapag pahinga na kami naglakad na ulit kami. Pupunta na kami sa luneta.

May mga nakasabay pa kami sa paglalakad na nga feeling G. Si zhel nga na hahalata kong na iinis na dahil sa mga yun.

May na daanan kaming may butas kaya naman kailangan namin bumaba. Taas pa man din kaya no choice kami.

Naunang bumaba si melvin. Hinawakan nya naman ako sa kamay para alalayang bumaba. Kaso nagkamali pa ko ng talon kaya ayun ang sakit ng paa ko. 

Malapit na din kami sa luneta konti na lang makakapagpahinga na din.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon