Chapter 8

101 2 0
                                    

Nandito kami ni zhel ngayon sa bahay ng pinsan ko.

Magteten na ng gabe pero hindi pa kami nakakaalis tagal kasi ng tita ko eh.

Kanina pa kami nakabihis ni zhel dapat kaninang 9 pa kami umalis.

Tagal tagal kasi eh.

"Kanina pa nagtetext sila celvin" sabe ni zhel

"Sabihin mo antay lang tagal kasi eh" sabe ko

Kanina pa kami atat na atat umalis ni zhel.

Umalis pa kasi yung tita ko kanina kasama yung boyfriend nya na si kuya jm.

Kasama din pala namin yung kapatid ni kuya jm na si aj.

"Mag aalay lakad lang kailangan nakaporma" sabe ng tita ko

"Ganun talaga" sabe ni zhel

Kumakain pa lang silang tatlo yung tita ko si kuya jm tsaka si aj. Oh diba ang tagal.

Pagtapos nila kumain nagsiligo na yung tita pati si kuya jm.

Maya-maya naman ay na tapos na din sila. Sa wakas makakaalis na din kami.

Nagreklamo pa nga si papa eh. Nanghinge kasi ako sa kanya ng pera sama-sama pa daw kasi ako. Gusto ko eh.

Lumabas na kami nakita naman namin sila melvin na naghihintay kasama din nila yung tropa nilang si toto pagtapos umalis na din kami.

Ang first station namin ay yung chapel dito samin.

"Alam ba ng mama mo na kasama ka?" Tanong ko kay melvin

"Oo naman" sabe nya

"Bukas pa ng umaga tayo makakauwi" sabe ko.

"Hindi nga akala ko nagloloko lang si zhel na umaga tayo uuwi yun pala totoo" sabe nya

"Baka pagalitan ka" sabe ko sa kanya

"Hindi yan sabikin ko naman nakasama ko yung mahal ko" sabe nya

Sus mahal daw.

"Pssssh" ako

"Matuklaw ako nyan" sabe nya

Pagtapos namin sa first station sa susunod na simbahan naman.

Nung papunta na kami sa pangatlong simbahan huminto muna ko saglit kasi inayos ko muna yung sapatos ko.

Yung tita ko naman tska sila kuya jm nauuna na.

Nauuna na din sila celvin at zhel.

Pati din si melvin aba hindi man lang ako manghintay.

Nandito kami ngayon sa pangatlong simbahan. Hiniram ko muna saglit kay melvim yung cellphone nya.

Sabe kasi ni celvin ang haba daw ng nakalagay na pangalan sa contact nya.

Alam nyo kung ano nakalagay?

Ang nakalagay lang naman "ui ui si crush nagtxt oh" anghaba diba pero napagkasya nya talaga.

Pinahiram nya naman sakin. Dahil hindi ko alam kung ano titignan ko na punta ko sa inbox nya unang nakita ng mata yung LOVE na nasa inbox nya.

Nung nakita ko yun hindi ko alam pero parang natigilan ako.

Hayss ewan ko ba.

"Uy mga ka'sc ko lang yun mga nandyan ah" bigla namang sabe ni melvin

Hindi ko alam kung bakit nagpapaliwanag yan.

"Wala naman akong sinasabe ah" sabe ko sa kanya

"Baka ano kasi isipin mo eh" sabe nya

"Ano naman iisipin ko?" Tanong ko

"Ah wala" sagot nya binigay ko na ulit sa kanya yung cellphone nya tutal tapos na naman magdasal yung tita ko sa susunod na simbahan naman kami.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon