CHAPTER ONE

16 1 0
                                    

Tahimik lang na nakinig si Sean sa mga kulitan ng kaibigan nila patungkol kay Rico. Their playboy friend is finally getting married. Nakikita ang pagbusangot ng mukha nito. Rico was not happy at all. Ikakasal ito sa babaeng ni hindi nito kilala. Sa babaeng hindi pa nito nakikita.

Nakita niya lumipat ng upuan si Rico sa tabi niya.

Siniko siya nito. "I thought you'll be bringing girls," tanong nito pagbaling niya rito.

Ngumisi siya bago tiningnan ang mga kaibigan nila. "They told me not to bring one," turo niya sa mga kaibigan bago itingungga ang bote na hawak niya. "They're good boys now, Ric."

"Good boy, my ass," sigaw ni Rico. Tumayo ito inilapag ang sariling bote sa mesa na malapit sa kanila. Hinirap sila nito. "I'll be digging my ass in the dance floor," ani nito. May halong pagaanyaya ang tono.

Pumalatak si John. One of his married friend. Iwinasiwas nito ang mga kamay. "Huwag kang mandamay sa kamanyakan mo. We'll be watching you."

Natawa pa sila at sumipol ng walang lingon likod na nagtungo nga si Rico sa dancefloor.

May kanya-kanya ng pinag-usapan ang mga kaibigan. They were talking about their wives, their kids, and playgrounds. Nakikinita niya ng kasiyahan sa mga mata ng kaibigan. Nakikita niya ang pagiging kontento ng mga ito sa buhay may-asawa.

He cannot relate to what they were talking. Siguro noon ay kaya pa niyang makipagsabayan sa mga ito. Pero kahit noon ay hindi siya mahilig magbigay opinyon sa buhay may-asawa niya. Nakikitawa na lang siya sa mga ito kung may ikinukwento ang mga ito tungkol sa kakulitan ng mga anak nito.

But then, he suddenly felt left out. Nais niyang samahan si Rico na nakikita niyang nakikipagharutan na sa mga babaeng kasayaw nito. Pero parang nawalan siya ng ganang makipaglampungan sa kung sino mang babae.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng bar na kinaroroonan nila.

Hanggang dumako ang paningin niya sa isang babae na nakatayo sa gilid ng mesa hindi kalayuan sa kanila. Ang kumuha sa atensyon niya ay ang kulay ng buhok nito. It was light blue.

Ibabaling na sana niya ang tingin ng bahagyang humarap ang babae. Napatigil siya sa akmang pagtungga ng alak.

She looked achingly familiar.

Iginiit niya sa isipan niya na imposible. She was never home the moment she left him. No. Scratch that. Hindi na kailan man uuwi ang taong iyon mula ng iwan niya ito.

Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Jordan. May sinabi ito sa kanya na hindi na niya marinig o maintindihan.

He was so focused with the woman that he was not aware that his friend was now stop talking and followed where he was looking.

Narinig niya ang pagsinghap ni John. "Rachel,"

Patuloy pa rin siya sa pagtinging sa babae. He do not to take his eyes off her.

Nakita niya ang pagtawa ng babae sa kung ano mang sinabi ng kasama nitong babae.

Napahugot niya ang hininga. Kahit hindi niya naririnig ay tila na-record na iyon sa balintataw niya at naririnig niya ang tawang iyon kahit na hindi umabot ang ingay niyon sa mesa nila.

Naramdaman niya ang hawak ni John sa balikat niya.

Napatingin siya rito. Tumingin ito sa mga kaibigan nila. Napatingin rin siya sa mga ito. Puno ng katanungan ang mga mata nito.

Ipinilig niya ang ulo at tuluyan ng tinungga ang sariling bote.

Pero hindi pa rin niya pinigilan ang sariling linungin ang babae.

The One That Got Away 01 - Christmas Won't Be The Same Without RachelWhere stories live. Discover now