CHAPTER THREE

1 0 0
                                    

Napatigil si Sean sa pagtipa ng keyboard matapos marinig ang ibinalita ng sekretarya sa entercom.

"Who's here?" tanong niya.

"A certain Ms. De Lara po," tugon nito.

"Sino sa mga De Lara?" kinakabahan tanong niya.

Narinig niya nagtanong ang sekretarya.

"Miss Antonite De Lara daw po,"

Napabuga siya ng hangin pagkarinig niyon.

"Let her in," ani niya.

Tumayo siya kasabay ng pagbukas ng pintuan ng opisina niya.

Nakita niya roon ang pagpasok ni Antonite.

"Have you met her?" agad na tanong nito ng makalapit ito sa kanya ng tuluyan.

Iniwan niya ang mesa at iginaya ito sa may kalakihan sofa na nandoon.

"I saw her at the bar a couple of nights ago."

"Then you haven't met her," walang anuman ani nito.

Umupo ito pang-isahang sofa. She crossed her perfect legs and while getting something on her bag.

Nang makita ang hawak nito ay napangiwi siya.

"Bawal ang sigarilyo rito," malumanay na ani niya rito.

Umismid ito .

"It's just a vape. You happened to have that rule here because that bitch hated it,"

Muli siyang tumayo upang patayin ang air conditioner dahil sa tingin niya ay hindi magpapaawat ito. Matapos i-off iyon ay tumuloy siya sa may kalakihang bintana at binuksan iyon.

He stand there.

"What do you want?"

"She's back?" balik tanong nito.

"Yes,"

"For good?"

Hindi niya masagot ito.

He stared at her. Seryoso ba ito sa tanong nito?

Napabungtong hininga siya.

"Anong sadya mo at pumunta ka rito?" tanong niya rito.

"I need money," walang anuman ani nito.

"You don't have enough stocks anymore,"

"I know," ani nito habang pinaglalaruan ang pagbuga ng usok ng vape.

Kumunot ang noo niya.

"Rachel's back," ani nito.

Humugot kumulang alam na niya ang ibig sabihin nito.

Rachel de Lara is the only one who could give her that money.

Sa tatlong magkakapatid ay si Rachel lamang ang may kakayahang magbinta sa stocks ng pamilya De Lara. At dahil sa taas ng panahong nawala ang babae ay lumago ang pera ng mga ito. Richalla-Rachel's twin sister-left too. Which he understood. Kung nasaan ang isa sa kambal ay naroon rin ang isa.

Antonite cannot get hold of her parent's stock unless Rachel-her older sister- give it to her.

"Talk to her," ani niya pagkadaka.

"She hated me," nakangiwing ani nito.

"Oh, you know?" sarkistong ani niya.

Natawa ito. "Don't be like that, Sean. You're used to be the sweetest."

"Talk to her," ani na lamang niya. Tumalikod na siya rito ay tumingin sa labas ng bintana. Looking over the city lights.

Wala siyang narinig na itinugon nito.

Napabungtong hininga siya. "Kung wala ka nang sasabihin pa ay maaari ka nang lumabas."

"She's getting married," ani nito.

Marahas na napabaling siya rito.

Nakita niya ang pagngisi nito.

"Gotcha," ngumisi ito.

Napatiim bagang siya.

"I'll call her," ani nito sa bago tumayo. "One of these days. I don't think she'll be happy to see me," ani nito bago tuluyan lumabas sa opisina niya. Hinintay niyang makalabas ito ng pintuan bago siya tumalikod at tumingin sa ibaba.

He remembered what his mother told him that morning.

"Uuwi daw si Richal," inilapag nito ang mainit na kape sa harapan niya.

Napataas ang tingin niya sa ina.

"Ibig sabihin ba niyon ay uuwi na rin si Rachel?" nababanaag na ang kasabikan sa boses ng ina.

"Nakita ko na po si Rachel noong isang gabi," ani niya bago maingat na hinigop ang kapeng inilapag nito.

"Saan siya tutuloy?" tanong nito. "Gusto ko siyang makita anak," hiling nito.

Napahinga siya ng malalim. "Hindi ko po alam 'nay kung saan siya tumutuloy sa ngayon. At wala po akung pwede hingan ng contact ni Rachel para imbitahan siya rito." Maingat na paliwanag niya rito.

"Pwede ko sigurong kausapin si Richal," ani nito. Tumalikod na ito at ipinagpatuloy ang pagaasikaso sa kanilang almusal.

"Hindi mo ba pwedeng hingin kay Antonite ang numero ni Rachel?" tanong nito pagkadaka.

"Alam niyo naman po na matagal na po kaming hindi naguusap ni Antonite," ani niya.

"Naalagaan pa ba niya si Chito?" tanong ng ina. Nakatalikod pa rin ito sa kanya.

Hindi niya sinagot ang tanong nito. Ipinagpatuloy lamang niya ang pag-ubos ng kape.

Nang maubos ang kape ay tumayo na siya.

"Mauna na ako 'nay," paalam niya sa ina. Inabot niya ang susi ng sasakyan niya na sa may tukador malapit sa pintuan. Naramdaman niya ang pagsunod ng ina.

Nang makarating siya sa pintuan ay hinarap niya ito.

Matamang niyang tiningnan ito. Ngumit siya.

"Susubukan ko po na makakuha ng contact number niya sa mga kaibigan namin 'nay." Hiniwakan niya ang magkabilang balikat nito. Hinalikan ito sa noo.

Tuluyan na sana siyang lalabas ngunit hinawakan nito ang braso niya. Pinaharap siya nito at inayos ang neck tie niya na ayos naman.

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Maging masaya ka na anak," ani nito. Namasa ang mga mata nito. Hinawakan niya ng kamay nito na sa pisngi niya. "Iuwi mo na ang asawa mo,"

Hindi siya umimik.

Kung alam lang nito kung gaano niya gusto gawin ang sinabi nito. But knowing Rachel, pinutol nito kung ano man ang ugnayan meron sila.

Sa nakalipas na taon ay ilang beses then siyang pumunta sa London upang makita ang dating asawa. Ikatlong beses niyang pagpunta doon ay ang unang beses na nakita niya ang asawa pagkalipas ng ilang taon. She was on her boutique. She was dolling up a maniquen in a wedding dress. She was not smiling. But she looked happy. Naalala pa niya ang gustong gawin sa mga oras na iyon. Gusto niyang puntahan ang asawa, kumustahin at yakapin. Ilang minuto na siguro siyang nakamasid dito nang makita niyang bigla ang pagngiti nito. Pumasok at yumakap dito ng isang matandang babae. Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin niya. Ilang oras then siyang naghintay roon bago niya nakita na lumabas ang matandang babae kasunod ang isa pang babae. Nakita niya ang pagkaway nito sa mga lumabas. Ilang sandali lang siyang nakamasid dito sa labas mga makita niyang lumabas ang dating asawa at ni lock ang pintua ng boutique. Doon lang niya napagtanto na madilim na ang paligid. Ilang sandali pa ang nakita na lamang niya ang sariling palihim na sinundan ito nang gabing yon.

"SIR," tawag ng sekretarya niya sa intercom.

Nabaling siya roon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The One That Got Away 01 - Christmas Won't Be The Same Without RachelWhere stories live. Discover now